A Picture of You ♥

344 1 0
                                    

Hello Guise! :)

Monologue po ito. 

Mukhang ang saya-saya mong pagmasadan sa larawan na ito ah. Halos limang buwan na rin ng iwan mo ako. Ma, ayos na ba ang buhok? Yung trahe de boda ko Ma, maganda na bang tingnan? Naku, bilisan na nating umalis at baka mahuli pa ako. Hanggang sa makarating ako ng simbahan at wala ka pa, pilit kong kinakalma ang sarili ko kasi alam kong darating ka. Hanggang sa isa-isa ng nagsialisan ang mga tao, una ang mga panauhin, pangalawa ang mga kaibigan ko at maging ang mga magulang ko’y napagod na rin sa kahihintay. Hinintay kita, hinintay kita ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima hanggang sa buong magdamag na akong naghintay pero wala ni anino mo ang nagpakita sa araw ng kasal natin. Kung dumating ka lang sana noon tatanggapin pa rin kita, kakalimutan ko ang pagpapahiya mo sa akin. Magsasama tayo at mabubuhay ng tahimik. Bubuo tayo ng malaking pamilya magsasama tayo sa hirap at ginahawa. Hindi ba’t napakagandang isipin?  Pero napakaimposible na nun kasi hindi ka naman sumipot sa kasal natin. Nasayang lang lahat ng pagmamahal ko para saiyo hindi mo naman ito nasuklian ng tama. Wala kang isang salita! Puro ka lang pangako lagi namang napapako. Lahat naman ay binigay ko pero iniwan mo pa rin ako. Iniwan mo ako na parang isang laruan na Matapos mo gamitin at pagsawaan eh itatapon mo na lang. Nagtatanong tanong ako kung kanikanino kung ano ba talagang nangyari saiyo kung saan saan ako napdpad hindi na halos ako makakain kakahanap saiyo, Hanggang sa malaman kong nakabuntis ka ng ibang kaya mo ako iniwan. Masaya ka sakanya habang ako noon ay naghihintay sa pagpapabalik mo. Anong akala mo noon ganun ganun lang iyon? Basta-basta mo ako iiwan at papahiyain! Nagkakamali ka,Isinumpa ko na  pagbabayaran mo ang pang-iiwang ginawa mo sa akin, saksi ang panginoon ko sa panlolokong ginawa mo, kasama ko siya laban saiyo. Matapos kong malamang mayroon ka ng ibang kinakasama sinigurado kong luluhod ka pabalik sa akin, hihingi ka ng tawad at magmamakaawa pero huli na ang lahat dahil sa bawat hakbang na gagawin mo papalapit sa akin ay mararamdaman mo ang sakit na naramdaman ko ng iwan mo ako sa harap ng altar. Buti na lang at na sa akin pa itong larawan mo noon, sa bawat tusok sa manikang ito kikirot ang katawan mo, kung saang parte ko tinutusok ng karayom ang katawan mo dun mo mismo mararamdaman ang sakit. Syempre hindi muna kita agad-agad papatayin , papahirapan muna kita,unti-unting matutuklap ang balat mo dahil sa init ng kandilang ito at mamatay kang dilat ang mga mata tulad ng mga mata kong hindi halos kumurap kahihintay saiyo. Sinumpa ko! Kasabay ng anibersaryo ng pang-iiwan mo sa akin susundan ito ng anibersaryo ng pagkamatay mo! Hindi ako nabigo, Sinabi ko naman saiyo eh kakampi ko ang panginoon ko. Lalala lalala lalala lalala lalala, Tigilan mo na ako! Kasalanan mo kung bakit namatay ka, patahimikin mo na rin ako! Ahhhhhhhhhhhhhh!  Pinatay kita kasi manloloko ka! Dapat lng saiyo un! Pinatay kita kasi sinaktan mo ako. Pinaty kita kasi manloloko. Dapat lang saiyo un. Patahimikin mo na ako. Sumalangit nawa ang kaluluwa mo. Patahimikn mo na ako. Anong gusto mo mamatay rin ako pra mapagbayaran ang kasalanan ko saiyo? Hindi! Dapat lang saiyo un. Tigilin mo na ako.HAHAHAHAHAHAHAHAHAH

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Picture of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon