Unexpected it is you

33 1 0
                                    

Jara's POV


"Bwisit!" sigaw ko sakanya bago siya iniwanang nakahawak sa kanyang pisngi.


Kung sino yung sinigawan ko? Ayun ex ng kaibigan ko, sinaktan niya kaibigan ko eh kaya ayun sinampal ko siya. Kasama pa nga niya iba niyang kaibigan pero wala akong pake eh, abat, sinaktan niya ang kaibigan ko, nararapat lang sakanya iyon.


Naglalakad lakad lang ako dito sa compound, andito kasi ako sa isang compound nag iikot-ikot lang. Nagpapahangin at baka makasapak naman ako ng makasalubong ko dito.


Siyempre ikaw ba naman, kung saktan ang kaibigan mo talagang masasampal moa ng manakit sakanya.


Makahanap nga ng pwedeng upuan, ah dun nalang ako sa ilalim ng puno. Humiga ako sa grass at biglang napabuntong hininga. Ang siga ko talaga, hindi ko man lang kayang mag pacute, may gwapo pa naman sa mga kaibigan nung sinampal ko kanina


I just sighed again at ipinatong ang braso ko sa mga mata ko, inaantok ako. Yung kaibigan ko kasi na nakatira sa compound na kung nasaan ako ngayon eh umalis na, tapos na bad timing pa na nakasalubong ko yung ex ng kaibigan ko kaya ayun, nandilim paningin ko.


"Uhm miss?"


Agad akong napaupo nang may narinig akong boses. Tumingala ako upang makita kung sino yung nagsalita.


Nakita ko yung isa sa mga kasamahan ng sinampal ko kanina, yung gwapo. Kaya lang abat abat abaat!


"Nandidilim talaga paningin ko!" sigaw ko sabay akmang susugod dun sa ex ng kaibigan ko kaya lang pinigilan ko ng gwapong nagsalita.


"Brad, alis na muna kayo ako ng bahala sakanya" kalmadong sabi nung gwapo, nag sorry sakin yung ex ng kaibigan ko at siaka sila tuluyong umalis ng iba pa niyang kasamahan so bale ang naiwan lang na kasama ko ay yung gwapong pumigil sakin.


"Bakit mo ako pinigilan?! Sisirain ko pa mukha ng siraulong yun eh!" sigaw ko sakanya sabay alis sa pagkakahawak niya sakin kasi nga diba pinigilan niya ako kanina


"Astig mo miss, kalma lang" nakangiting sabi niya, Tiningnan ko lang siya ng masama at umupo sa grass


"Ang lakas mo pala miss, nahirapan akong pigilan ka kanina" natatawang aniya


Hindi ko lang siyang pinansin at humiga nalang ulit sa grass tulad ng puwesto ko kanina. Panira iiglip nga lang ako sandali.


"Miss"


Nagising ako dahil may nararamdaman akong tumatapik sakin. Pagdilat ko nakita ko yung gwapo na kaninang pumigil sakin na kasa tabi kop ala. Agad akong napaupo tapos umupo nadin siya.


Badtrip. Tinabihan pala ako nito mahiga kanina.


Unexpected It Is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon