Part 1: The Bitter Me.

8 0 0
                                    

                              Bwisit! grrrrr! Aga-aga nakakapadtrip na ha! unsa man ni sila uy!? Uy! hi ! andyan na pala kayo? *insert pilit smile*. Sorry medyo bad trip kasi ako ngayon.  -.-  Eh pano ba naman kasi lahat na lang atah ng napuntahan kong lugar eh may naglalampungan na magsyota at! alam mo ba kung ano oras pa lang ngayon huh? huh? huh? 5:30 pa lang ng umaga! Anak ng kamatis naman oh! nag jogging nga ako para marefresh, marelax  and mafeel ang nature pero what happen?!!! why oh why?! Lord alam ko naman po na NBSB ako pero sana wag niyo na pong ipamukha.Peace! I feel so alone kanina eh pano ba naman lahat atah ng nagjojogging kung di mag asawa  eh karamihan magnobyo so ano toh? by pair?  bui yung mama mag isa may dalang aso :( kahit papaano may kasama eh ako? waley! as in zero. "Babe wait for me." nakakarinding ingay na narinig ko sa isang babae napakaarteng tumakbo pagud na agad di pa nga siya nagtatagal ng isang minuto atang tumatakbo yung totoo teh mageexercise  ka ba oh mag iinarte tadyakan kaya kita nakaharang ka pa naman sa tinatakbuhan ko napilitan tuloy akong tumigil sa pagtakbo kasi may nakabarang babaeng malaki ang pwet! "Yes babe I'll  wit for you here." Sagot ng boyfriend niya. Anak ni Duterten naman oh ! uto uto PAG-IBIG nga naman nakakasira  ng araw uwi!

                  Hay salamat at nakauwi na ako. Umupo muna ako sa sofa namin para magkapagpahinga. Uy! Btw i forgot to introduce myself. wow english hahaha Ako pala si Cath Ramos pero you can call me tina, cris, whatever you like to call me. I'm 17 yrs old first year college. Maganda, mayaman, maputi at sexy pero joke ! hahaha I'm the opposite of that.  Baluga, panget, payat at higit sa lahat mahirap ang swerte ko noh? alam ko yun. Wala na akong magulang. Si papa nakulong sa ewan-di-ko-alam na kasalanan pero sabi nila dahil daw sa illegal na pagdadala ng baril. Si mama naman sabi ni lola 2 yrs old pa lang ako ng iniwan niya ako sa kanila, sumama daw sa ibang titi. HAHAHA yan kasi talaga yung saktong sinabi sakin i lola eh. Oo alam ko yung iniisip niyo panu ko na handle yung ganitong buhay? Simple lang I have NO choice. I need to live at isa pa andyan namn yung dalawang nagagandahan kong lolas. Sila yung rason kung bakit di ko pinagsisihan na ganito ang buhay ko. Mahal kaya ako ng mga nun. Si Lola Linda ang alam clock ko sa pagpasok kaya kahit kailan hindi ako na late sa school,pano?Umagang-umaga pa lang sinesermonan na nyan ako. Ano rason??? wala lang trip lang niya de joke lang hahaha ahm kasi minsan/madalas akong makalat kaya yan.  Pero kahit noong bata pa ko taga gising ko na talaga yan. Si lola Lucy ko naman ang taga bigay ng grasya sakin. Grasya? eh ano pa kundi baon pero syempre ngayon di na ako nanghihingi kasi college na nga di ba ako kaya ako nagbibigay kung minsan nabebenta kasi ako ng mgagamit gaya ng pins and tshirts sa mga schoolmates ko kaya yun nakakabigay ako kahit papano and doon ko na din kinukuha ang pang project ko. Umaasa lang kami sa sari-sari sore ni lola para sa pang araw-araw naming pagkain at sa para sa school ko naman scholar naman ako kaya walang problema. 

                    Siguro ko ngayon nagtatanong kayo kung bakit na lang ako ganun ka bitter sa mga magsyota ang sagot ay wala lang! naririndi lang talaga akong makakita ng mga ganyan. Di kasi ako naniniwala na Love really exist. Yung love para sa mga ganyan. Di ako naniniwala sa relasyon. Para kasi sakin lahat ng bagay dito sa mundong ito may katapusan, may ng iiwan, may hangganan so that kind of love really does not exist at ang mga lola ko ang patunay diyan. Matandang dalaga kasi silang magkapatid. Noong tinanong ko sila kung bakit di sila nag asawa sabi nila ayaw nila. Mas gugustuhin pa daw nilang mag alaga ng baboy na palamunin kasi atleast sa huli mapagkakakitaan kaysa ang mag asawa at masaktan lang. Simula noon yan na din pinaniwalaan ko kasi may point naman kasi sila dapat maging praktikal, mabuhay sa realidad na #WALANGFOREVER whateber! hmp!

                     Nagsimula na akong maghanda ng aking pang ligo samantalang si lola Linda naman ay nagluluto ng umagahan at si lola Lucy naman ay nagbabantay na ng kanyang tindahan. "Cath, baba labas ka na diyan kakain na tayo." sigaw ni lola Linda. Ewan ko ba diyan kay lola kung makasigaw para namang dalawang palapag ang bahay namin gayong nagkakasaya lang naman kami sa inuupahan naming barong-barong na bahay. "Teka  lang la ligo lang ako." sagot ko naman. "Sabi nang bumaba ka na dito!!!!." sigaw niya ulit. "Sabi ko nga lalabas na nga bakit pa kasi maliligo eh. La ba't mo ba ako pinapababa eh wala naman tayong second floor huh? lola talaga oh." Atungal kong sagot. "Aba't! marunong ka ng  mamelosopo huh?! kaw na bata ka." Sermon ni lola. "La wag kayong mag-alala tong bahay na  lalaki pa pangako yan." Masayang sabi ko sa kanila habang si lola Lucy naman ay nag- aayos ng tinda niya. 

                    Kung may alam man akong depenisyon ng pagmamahal ito yun, pamilya. Kahit sila lang ang meron ako pakiramdam ko ako na ang pinaka swerteng tao sa mundo. Biruin mo nga nama biniyayaan ako ng dalawang nagagandahang lola char!. Sila yung rason kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon  kasi sila ang buhay ko. Minsan na akong natananong ng isang kaibigan ko kung ano ba ang reaksyon ko?. Ewan, di ko alam kasi...... kasi ........................................di ko kaya :( . Di ko kaya na dumating yung araw na yon kahit alam ko na lahat tayo may hangganan di ko lang talaga kaya. Sila lang kasi ang meron ako. masaya ako pag nakikita kong masaya sila lalo na kong ako ang nagpapasaya sa kanila kaya Lord wag naman sana.

                   Alas 8:00  na ng umaga ng makarating ako ng school namin. Hep! paglilinaw ko lang po NALIGO PO AKO. Hahahaha.  Patay! late na ako alas 8:00 am  ang unang pasok ko at nasa fourth floor pa ang classroom ko. Hala! takbo! takbo pah "Aray!" May bumangga sakin malakas na malakas na sa sobrang lakas matatapos atah ang utak ko. "Yawa man uy!" sigaw ko sa kanya. "Kailang pa nagkaroon ng SPED school dito at may bulag na nakapasok?." Iritang sabi ko. "Teka nga di ba ikaw tong bumangga?!!" pahiyaw na sabi niya. Abah sinigawan ako teka lang, total late na ako lulubos lubusin ko na toh at makikipag rambol ako ngayon. Tatayo na sana ako para harapin siya pero...................pero..................pero  noong  nahagip na ng mata ko ang mukha niya shet! "Anghel".  "Hahahah miss alam kong gwapo ako." mahangin na usal niya at sabay pa noon nag pagkindat ng mata niya.  Okey gising na ako hindi po pala ako nasa langit impyerno to impyerno! gwapo nga tong hinayupak na toh. Oo gwapo siya pero hell i care! Nang nagsabog atah ng kahambugan nasalo lahat niya swear!!!! Abat minamalas atah ako sa araw na ito at nakakita ako ng impakto! "hoy!hoy! mukhang bulkan ang ilong ikaw unang bumangga sakin huh.yawaa mo jud uy!" singhal ko sa kanya. "pano ba naman kasi nakaharang ka late na ako sa class ko at teka nga lang hindi ko maintindihan yung huling sinabi mo ano yun?." Hahahaha bahala siyang manghula kung ano yun saya talaga pag di nakakaindi yung knakausap kasi okey lang murahin ng murahin. Cebuana kasi kami originally pero nalipat kami ng Manila noong grade 6 ako pero di ko pa rin nakakalimutan ang cebuano langguage laya manigas siya. "At gwapong-gwapo ka ngayon sa sarili? excuse me mr. impakto hindi mo to kalsada kaya utang na loob bawasan ang hangin ang tyan ma impacho ka niyan."sabi ko habang pinapagpag ang aking uniporme. "Wow! thats new ikaw pa lang nagsabi niyan sakin. I like your style girl Do you want me to date you?" ngiting sabi niya. "Ano? tama  ba yung narinig ko? do you want me to date you? so ako pa? ako pa ngayon? how dare you? Mongoloid you? sing kapal ba ng pader yang mukha at ang lakas ng amats mo? hoy ikaw Mr. mukhang bulkan ang ilong IN YOUR DREAMS!!! Che! " inirapan ko siya sabay alis ayoko ng makausap ang impaktong yun.

                      So  ano to? malas ako ngayon? Sana di ko na makita yung lalaking yung kasi makakapatay talaga ako. Takbo! takbo! takbo! malapit na ang room ko at ng nasa bukana na ako ng pinto teka may late din pala tinignan ko siya, sabay kaming nagkatinginan nagkagulatan. "IKAW NA NAMAN!???" sabay naming usal. Anak ng  teteng! oh pag minamalas ka naman oh! 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WTF! LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon