NWBT 7

280 15 0
                                    

"How sure of you na hindi magaglit si Kath sa akin?" bulyaw ni Arisse sa asawa habang nasa biyahe sila papunta sa vacation house.

Dala nga nila ngayon si Kaida kasi wala naman siyang pasok at alam nilang sabik na sabik na ang mag-ina na makita ang isa't-isa.

"Hindi yun, trust me. Baka nga she'll be thankful pa sa ati-"

"Malayo pa po ba tayo, papa?" pagputol ni Kaida na nasa likurang bahagi ng sasakyan ng mag-asawa, dala-dala nito ang teddy bear niya.

"Malapit na lang, Munchkin!" nakangiting sabi ni Patrick sa inaanak. Halos wala namang pag-lagyan ang tuwa na makikita mo sa mukha ng bata nung narinig niya ito.

"She missed Kathryn so much even though isang araw lang silang hindi nagkasama. Iba pa din talaga ang attachment ng anak sa kanilang mga ina. Babe, napaisip lang ako, paano kaya kung nalaman ni Daniel yung totoo... Yung about sa bata. Mag-iiba pa kaya ang desisyon niya?" Tanong ni Arisse. Nagkibit balikat na lang si Patrick kasi maging siya hindi niya alam ang sagot. Oo, matagal na niyang kaibigan si Daniel pero mailap pa nga ito sa mailap.

"If only I knew, Babe. Pero hindi, eh. But knowing Daniel, nasisiguro akong he'll like his daughter. Masyado kaya siyang malapit sa mga bata, eto pa kayang tunay niyang anak? Pero alam mo, sana talaga diniretso na lang ni Kathryn si Daniel noon. Malay natin, diba? Malay mo tatanggapin din pala ni Daniel. At base na din sa kwento ni Kath, hindi niya nabigyan ng chance si Daniel na makapagpaliwanag, basta-basta na lang siyang umalis." napaisip si Arisse sa sinabi ng kanyang asawa.

Paano kaya kung sinabi na lang sana ni Kathryn ang totoo kay Daniel? Hindi kaya aabot sa ganito ang lahat? Hindi kaya sila makakagawa ng ganitong klaseng plano para lang iparamdam sa dalawa na hanggang ngayon, kailangan pa rin nila ang isa't-isa.

"May point ka, babe. Kathryn's so narrowminded that time kaya hindi na siya nakapag-isip. How I wish I was there the moment na sasabihin na sana ni Kath kay Daniel yung tungkol sa magiging anak nila, sana napigilan ko si Kath na umalis para bigyan man lang ng chance si Daniel to explain his side." sabi ni Arisse kay Patrick bago ito tumingin sa likuran ng sasakyan nila kung saan wiling-wili ang inaanak nila sa paglalaro ng teddy bear nito.

"I remembered the very first time I saw munchkin, she reminds me so much of Daniel. Daniel na Daniel talaga ang mukha, eh. Kaya hindi ko alam kung bakit hindi ito napansin ng kaibigan ko." ngumiti na lang si Arisse. Ayaw na niyang dugtungan ang kwentuhan nilang mag-asawa kasi nandito si Kaida baka kasi marinig pa niya ang pinag-uusapan nila.

Kaida is a wise and smart girl even though she's only 5-years old. Minsan nga hindi maintindihan ni Kathryn kung ipinanganak niyang baliktad ang anak o ano kasi masyado itong maraming alam at napakalawak ng pag-iisip. She's also talented. She's good in playing her bass guitar - just like her father. Tatlong taon pa lang ang bata nung nakitaan na siya ng potensyal ni Kathryn.

Well, Kath tried to stop her daughter pero Kaida insisted. Kaya kahit na masyadong malaki ang bass guitar for her, pina-take pa din siya ni Kathryn ng guitar lessons but for now, sa ukulele na lang muna ito naka-focus, ipinagpaliban na lang muna nila yung bass guitar.

"We're here, Mama?" tanong ng bulinggit na kasama nila nung napansin nito na pina-park na ni Patrick ang sasakyan.

"Yes, Munchkin! We're here." sagot naman ni Arisse bago siya lumabas ng sasakyan at pinagbuksan si Kaida sa likod.

"Yaaaaay! I'll be able to see Mommy!!! I can't wait!" sabi ni Kaida sabay hawak sa kamay ni Arisse.

--------------

Now, We're Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon