Mr.Mayaman Meets Ms.Probinsyana

259 3 1
                                    

 DEDICATED po kay GHIEIANGHIE kasi nabasa ko po yung fierce queen niya ang ganda. GOOD JOB IDOL :)

---------------------------------------------------------

All Rights Reserved

MISSNOM2013

PRESENTS

Mr.Mayaman Meets Ms.Probinsyana

Simple at tahimik  lang naman ang buhay ko pero nag kaletse letse ng makilala ko ang grupo na THE HEIR AND THE HEIRESS at si DANIEL XANDER MERCADO.

pasensyahan niyo na ako bitter ang peg.

Anyways ako nga pala si Andrea Bernardo nakatira sa napaka ganda kong probinsya.Tahimik, payapa at may sariwang hangin dahil puros bukid at puno ang makikita mo dito wala ka ditong makikitang mall kagaya ng nakikita ko sa dyaryo ngunit masaya naman ako naninirahan dito dahil kasama ko ang napakabait kong mga magulang kahit ampon ako oo ampon ako dahil may sakit si nanay sa matres at hulog daw ako ng langit dahil pagkagaling nila sa ospital para magpacheck up tsaka nila ako natagpuan sa kalsada.

Simple lang ang buhay namin nakaka kain naman kami 3 beses sa isang araw.Masaya kami dito sa maliit naming bahay at lalo pa ito sumaya ng dumating ang 9 yrs. old kong pinsan na si xyriel bernardo .

Tawagin niyo na lang pala akong ANDY ;)

Mag cocollege na ako this coming school year.Nagtapos ako ng Highschool sa pamukid national high school at valedictorian pa ako. ;)

"NAY!!!!!"

"TAYYYYY!"

"OH BAKIT ANAK?" nagtatakang tanong nila nanay

"ano. kasi. ano"

"ANO?" sigaw ni xyriel saakin

"NAKAPASA AKO SA SCHOLARSHIP PROGRAM ng MERCADO UNIVERSITY :D"

"Talaga anakkk! "sabi ni nanay at niyakap ako

"wow  galing talaga ng anak ko. Mana talaga saakin" sabi naman ni tatay at hinalikan ako sa pisngi

"Ate di ba sa manila yun?" tanong naman ni xyriel

bumitaw sa pagkayakap si nanay at napatinggin naman saakin si tatay

"oo xyriel eh."sagot ko naman

"eh ang layo nun ate ha"

"Oo pero hindi naman tayo maghihiwalay walay eh.sama sama tayo.di ba sabi ni ate andy WALANG IWANAN.SAMASAMA NATIN HAHARAPIN ANG KINABUKASAN." tinaas ko ang mga kamay ko na parang nagyaya ng isang malaking group hug

at lahat kami nag group hug 

"oh oh tama na nga itong drama na ito. papasok na kami ng tatay niyo sa trabaho" bumitaw sa pagkayakap si nanay at hinalikan niya kami ni xyriel sa noo

"ang aga niyo naman po nay ah"sabi ko

"ah kailangan darating kasi ang may ari ng resort at ng resthouse, may party daw next week kaya kailangan mag handa" paliwanag naman ni tatay

Sila nanay at tatay kasi ang isa sa pinagkakatiwalaan sa resort.

"sige aalis na kami" paalam ni tatay

"sige po babay.ingat po" sagot naman namin ni xyriel

KINABUKASAN

"Anak pakatapos niyo mag lunch ni xyriel pumunta kayo sa resort.Kailangan kasi namin ng tulong" sabi ni nanay

"sige po nay.pupunta na lang kami ni xyriel" 

SA RESORT

WOW.ang laki pala nitong resort mas malaki pa sa  palengke sa bayan.

Habang papasok sa resort :O ---> ganyan ang reaction ko kasi first timeko lang makapasok dito at ang ganda parang mansion

------------------------------------------------------------------------------

FIRST CHAPTER po ito ng Mr.Mayaman Meets Ms.Probinsyana

ABANGAN PO ANG PAGKIKITA NILA ANDY AT DANIEL XANDER SA NEXT CHAP.

SALAMAT PO SA MGA NAGBASA

MAHAL KO KAYO :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.Mayaman Meets Ms.ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon