Keifer Reyes
"Sa tingin mo ba hahayaan ko siya? Akala mo ba kaya kitang iwan? Ganun ba? Ha?"-Leah. Napayuko na lang ako
"At sa tingin mo ba kung TOTOO man yang sinasabi mo hahayaan kong saktan niya tayo? Keifer kaya ko! Natin! Takot ka ba sakanya?"-Leah
"Sorry pero hindi ako naniniwala sa sinasabi mo"-Leah. Agad naman akong napatingin sakanya
"She's crazy. Ibang level ang kwento mo. Mahirap ibalik ang tiwala ko Keifer. Alam mo yan. And to think she'll kill me? I could kill her right now with my bare hands"-Leah
"Leah.."-ako
"Keifer tama na"-Leah. Pero hindi ako tumigil
"Leah totoo ang sinasabi ko. Please. Please. Maniwala ka. Mahal kita okay? Ayaw kitang mawala sakin"-ako
"TAMA NA!! Keifer ayaw ko na. Ayaw ko na. Masyado na akong nasaktan. Just.. Just leave me alone"-Leah
At umalis na siya sa harap ko. Napaupo na lang ako. Nakapatong ang ulo ko sa binti ko at ang mga kamay ko sa mukha ko
Bakit ba ayaw niya maniwala? Isa lang ang masasabi ko.. Masakit. Parang bakla man pero totoo. Nagmamahal din naman kami. Hindi kami robot para walang maramdaman
Hangang tanaw na lang ba na naman ako? Sana ako na lang yung nabanga. Sana hindi nalang siya. Para malaman ko kung anong nararamdaman niya. Bakit ba laging may epal sa storya namin? Bawal ba kami maging masaya?
"Keifer?" Agad naman akong napatayo. At nagpunas ng luha
"Lan--este sir"-ako
"Just call me lance. Para naman wala tayong pinagsamahan"-Lance. Tumango na lang ako at ngumiting pilit
"Bakit umiiyak ka? Anong meron? Iniwan ka na ba ni Vanessa?"-Lance
"No.."-ako
"Eh bakit nag m'mukmok ka dyan?"-Lance
"Nothing.. Just don't mind me"-ako
"Alam mo okay ka na sakin eh. Para kay Leah? Pero bro, yung saktan mo ulit siya? Ewan ko na lang"-Lance
"I'm sorry"-ako
"Nagtaka naman ako sayo at pinakasalan mo pa 'tong kapatid ko kung may mahal ka palang iba"-Lance
"We're fixed remember?"-ako
"Yah I know. Pero sana humindi ka na lang. Umiiyak din yung kapatid ko dun sa kwarto niya"-Lance
Damn! Gusto ko punasan ang luha niya. At yakapin siya
"Ano ba talaga ang nangyari?"-Lance
At kinwento ko sakanya lahat lahat. Sana kahit siya maniwala sakin
"Ano?!"-Lance
"Y-you beleive me right?"-ako
"Oo naman. Pero kung papakingan parang kakalabas lang niya sa mental"-Lance
"I know right"-ako
"Ang mahirap lang ang kapatid ko. Paano siya babalik sayo?"-Lance
"Eh diba sila na ni Tyler?"-ako
"Ano? Pinagsasabi mo?"-Leah
"Well... Akala ko kasi--"
"Haha! Hindi. Leah was helping tyler"-Lance
"W-what?"-ako
Akala ko sila na. Ugh! Maling akala pala!
"H-e-l-p"-Lance
"O-oh"-ako
"Go talk to her"-Lance. And he patted my shoulders and left
Ano? Paano?
Leah Warren
Ayaw ko na. Nakakapagod umiyak ng paulit ulit ng dahil sa isang lalaki. Madami pa naman dyan diba? Pero bakit hindi ko magawang kalimutan siya? Totoo ba yung sinasabi niya?
Andito ako naglalakad lakad sa may daanan ng kotse. Haha! Basta hindi ko maexplain
May nahagip ang mata ko. Si Keifer. Nakatungo habang naglalakad. May paparating na kotse. Pero parang wala siyang nakikinig
"Keifer!!"-ako
Tumingin naman siya sakin. Pero hindi niya pinapansin yung kotse kaya naman tumakbo na ako at itunulak siya doon
"Ano bang pumasok sa isip mo ha?! Bakit hindi mo pinapansin yung kotse?! Paano kung nabanga ka?! Ha?!"-ako
"A-ah..."-Keifer
"Diba sabi ko sayo mag iingat ka? Tuparin mo yung wish kong yun"-ako
"Sorry.. "-sabi niya at niyakap ako ng mahigpit
"A-ah Keifer?"-ako
"Oh.. Sorry"-Keifer
"Tara na. Magpahinga ka na lang"-ako
Problema nito? Dapat nakain ako ngayon eh -.-
"Ano bang problema mo at gusto mo pa ata magpaka matay?"-mataray kong sabi
Mukha siyang batang pinapagalitan ng Nanay. Nilalaro laro niya yung fingers niya
"Diba? Wag pikon, alagaan ang sarili, laging masaya. Anyare dun? Nawala na din?"-Leah
"A-ah..."-ako
Naalala ko yun.. Yung pagkatapos ng kasal namin. Nagkalagnat ako. Napikon ako. Nalungkot ako kasi hindi natuloy yung kiss. Haha! At lahat ng wishes na yun para sakin Kasi..
"I want the best for you"
BINABASA MO ANG
Good Girl Gone Bad
FanficWho knows kung the one na yung jowa mo? Who knows kung iiwan ka niya? Or paaasahin? Or sasaktan? Kaya kung ako sayo mag ingat ka sa pagpili. Dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan.