Noong ako'y bata pa, Superhero na ang gusto ko,
Mga larawan nila ang pumupuno sa aking kwarto
Costume nila ang theme ng aking birthday,
At mapa-telebisyon ay sinusubaybayan ko everyday
Hindi ko maintindihan kung saan sila galing,
At twing mapapanaginipan sila'y ayoko ng magising
Siguro nga ang pag-iisip ko ay bata pa,
Kaya ganun na lamang ang pagkahanga sa kanila
Nang ako'y magdala, marami akong nabatid,
Yaon palang hinahangaan ko'y, isa lamang kathang-isip
Lahat pala ng kanilang paglipad, gamit lang ay lubid,
Ang buong akala ko'y sila nga ay nasa langit
Lahat pala ng kanilang pagliligtas ay drama lang,
Pati pa nga kanilang pagtatransform ay aking binibilang
Naisip ko na may tunay talang Superhero,
At yun ang aking Diyos na perpekto
Karamihan sa mga tao'y lagi syang isinasantabi,
Mas inuuna ang mga materyal na bagay at mga salapi
Siya ang tunay na nakaranas ng kalbaryo,
At siya ang tunay na nagligtas sa buong mundo.