PROLOGUE

58 3 0
                                    


PROLOGUE

Nagkaroon ka na ba ng childhood bestfriend? 

Yung tipong sa lahat ng bagay simula pagkabata ay palagi kayong magkasabwat? 

Sa lahat ng kalokohan?

Walang lihiman at mahal ang isa't isa bilang kaibigan?

Walang halong monkey business? XD OH well if yes, basahin mo itong kwento ng magchildhood bestfriend na sina

Samantha Aldeguer Sam for short na may pasaway na twin brother at 

Blake San Miguel na happy go lucky.

Pero paano kung ang isa sa kanila ay hindi tumupad sa usapan nilang dalawa?

Ang walang iwanan kahit anong mangyari? 

At may mag break ng rule na walang maiinlove sa kanila? ...

Meet Samantha Aldeguer. Sam ang tawag sa kanya ng pamilya at mga nakakakilala sa kanya. But there's one person who prefer to call her Sammy instead of Sam. It was her childhood bestfriend, Blake San Miguel. 

Matapang at seryoso. Yan si Sam, pero kapag naaagrabyado na ay Hindi mo gugustuhing makalaban siya.  She has a twin brother named , Drew at Drey na madalas nitong gawing punching bag ... 

*****
Nagulantang ang lahat ng security guard sa gate ng isang sikat at malaking paaralan ng Aldeguer Academy sa Pilipinas, ng humaharurot na pumasok ang isang pulang big bike sakay ang babaeng naka itim na pantalon at t-shirt at nakasuot ng itim na helmet. 

Wala itong pakialam kung sinusundan ito ng dalawang nakamotorsiklo sakay ang mga security guard dahil tresspassing ito. basta basta na lamang nitong inihinto sa harap ng School building ang kanyang big bike at pabiglang bumaba. 

Agad itong tumakbo paakyat ng third floor. Apat ang humahabol rito pero wala ni isang nakaabot sa kanya.

"Hoy miss! Tumigil ka! Bawal ka dito!" Malakas na sigaw ng isa sa mga security guard kay Sam na hindi naman pinansin nito. 

Habang natigil naman ang ingay sa loob ng classroom ng Class-A nang pabiglang bumukas ang pinto at walang sabi sabing pumasok ang babaeng nakasuot PARIN NG HELMET.

"H-hoy Miss! Bawal ka dito! T-tresspassing ka!" Sigaw ng isa sa mga security guard na hingal na hingal. Nang makalapit ay agad nitong nahawakan sa braso ang babae na akma ng maglalakad papasok ng classroom. 

"And who are you bitch?!" Mataray na tanong ng isa sa mga sosyal na estudyante sa babae na hindi pinansin ni Sam.

Sa halip ay napalingon si Sam sa braso nito bago sa security guard na may hawak roon. 

Napangisi ito sa loob ng helmet bago walang kahirap hirap na hinawakan ang kamay nito at pabaliktad na sinalya ito ni Sam sa semento. 

Nagsigawan ang mga estudyante sa gulat. Dumating naman ang tatlo pa nitong kasama at sinugod si Sam na hindi parin hinuhubad ang suot na helmet. 

Kagaya ng nauna ay walang kahirap-hirap na naibalandra ni Sam ang mga ito. Ang isa ay mabilis na sinipa nito sa tiyan at pinuntirya ang abnomenal nito na magpaparalisa rito ng ilang minuto, habang ang dalawa pa ay binigyan nito ng head kick na ang pinurtirya niya ay ang sensitive part sa leeg ng mga ito na magpapatulog sa mga ito ng ilang oras. 

"Tss! Dont try to block my way assholes!" Inis na sabi nito bago muling naglakad papasok sa classroom. 

Nilingon nito ang babaeng mataray na nagtanong rito kanina na takot na takot na nakatingin sa kanya. 

SAVING THE SON OF MR. HEARTBREAKER.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon