MPIC #1 (The comeback)

36 4 1
                                    

*8 YEARS LATER...*

"ATE SAM! WAKE UP! DAD WANTS TO TALK TO YOU! ATE SAM!" malakas na sigaw ni Drew, ang panganay sa kambal at ang siyang sumunod kay Sam sa tapat ng tenga ng ate nito. halos kalahating oras na nitong ginigising si Sam, pero kahit anong gawin nitong pagyuyugyog, paghampas sa braso, at kulang na lang ay ibaliktad nito ang kama para magising lang ito, ay wala parin.

Nang hindi parin matinag si Sam ay napapakamot na tinawag ni Drew ang kakambal na nasa baba ng sala. Nasa Second floor lang ng mansyon ang kwarto ni Sam kaya naman agad siyang narinig ni Drey.

"Oh, ano?" Agad na tanong nito. Tinuro naman ni Drew ang hindi parin nagigising na si Sam.

"H-ha? Hindi kaya pata--aray ha?!" hindi na nito natuloy ang sasabihin sa halip ay napahawak ito sa batok nito na tinampal ni Drew.

"Gago ka talaga! Hmmm?" nakaamba pa ang kamay ni Drew sa mukha ng kakambal. "Ikaw na ang gumising dyan! Bilisan mo!" dugtong na utos nito sa napasimangot na si Drey.

"What? Ayoko nga! Ikaw na la--Oo na , oo na. Gigisingin ko na! Tss!" agad na bawi nito sa akmang pagpoprotesta nang kumuha ng makapal na vase si Drew at akmang ihahampas rito.

"Where are you going Drey?!" inis na tanong nito nang tumalikod si Drey at lumabas ng kwarto.

"Tss. Sandali lang. Kukuha lang ako ng panggising." nakangising sagot nito sa napataas lang na kilay na si Drew.

Muli na itong tumalikod. After 1 minute ay may dala na itong isang baldeng malamig na tubig.

"Hey! What are you doing?!" gulat na tanong ni Drew. nilingon naman siya kaagad ni Drey.

"Ano pa? Eh di gigisingin si ate! Tss!" nakangising sagot nito sa kakambal na napanganga lang.

"H-hoy! Bahala ka dyan! H-hindi ako kasama dyan ah?!" agad na tumalikod si Drew at lumabas ng kwarto pero hindi tuluyang umalis sa halip ay sumilip lang ito sa pintuan.

"AAAATTE.SAAAAMMM!! WAKE UPPPPPP!!" malakas na sigaw nito. Umingit si Sam pero hindi parin nagising sa halip ay nagtalukbong lang ito ng kumot.

Napakamot si Drey at nanginginig ang kamay na kinuha ang balde na may tubig. Hindi naman humihinga ang kakambal nitong si Drew habang nakasilip sa bahagyang nakaawang na pinto.

Nang akma nang ibubuhos ni Drey ang tubig sa natutulog parin na ate Sam nito ay bigla itong natigilan. Napalingon ito sa bedside table ni Sam at napatingin sa nakabukas na laptop nito. Hindi nila iyon napansin kanina.

"D-drew! Look!" agad na tawag nito sa kakambal na agad namang lumapit.

"Oh ano na naman ha?!--" napanganga ito nang ituro nito ang nasa screen ng laptop at binasa ang nakasulat na article sa isang International online news.

"finally! The well known businessman Mr. Blake San Miguel file a Divorse paper yesterday--" hindi na natuloy ni Drew ang malakas na pagbabasa nang magulat ito sa pabalikwas na pagbangon ni Sam sa kama dahilan para mabitawan ni Drey ang balde na may lamang malamig na tubig sa sahig. Sakto sa paanan ni Drew na napasigaw sa sakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAVING THE SON OF MR. HEARTBREAKER.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon