Chapter 1

32 1 0
                                    

"Weh? di nga?" sabi ko kay Sheena

"aray!" eh pano? binatukan ako "3"

"oo nga, break na nga sila ni Dave. nako nako! kung ayaw mong maniwala, di wag." sabi ni sheena at magwo walk out na sana nang bigla ko syang hinigit papalapit sa'kin

"oo na, naniniwala nako" sabi ko nang may halong excitement at kaba

"so ano na ang hinihintay natin, go na tayo! hay nko!" -sheena

"punta muna tayo ng cr, magpaganda muna tayo ano! ang haggard natin" sabi ko

"ok ok, lika na"- sheena

habang naglalakad kami, magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Vanessah Ken Flores, isang simpleng babaeng naghahangad na maging girlfriend ni Dave Tan. Isang lalakeng nagpapatibok ng puso ko, sya yung tipong gwapo, matangos ang ilong, maputi, mayaman, matalino, mabait at ano pa ba? basta sya yung perpekto para sa akin.

Sheena May Fuentes. sya yung best friend kong loka loka, masungit, madaldal, maldita, chismosa, lahat na nasa kanya. hahaha. ewan ko ba bakit ko naging bff ko eh.

nga pala, nalito ka ba kanina? ganito kasi yan.

Si Dave ang ultimate crush ko, nagpapansin ako sa kanya. Pinapadalhan ng Stuffs sa locker nya. Nagpapacute, stalker ako, basta lahat gagawin ko para mapansin niya ako.

nagulat ako sa balita ni Sheena na nagbreak na si Dave and jeninna, ang gf niya at magtatatlong taon na silang on. naku! ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon, ang pagpapansin sa kanya, hindi ko iiwan si dave hangga't sa makapag move on sya.

sana mapansin nya ako at mapasok sa buhay nya at ako ang magsisilbing tagapagpakinig sa lahat nang problema niya tungkol kay jennina at after niyang magmove on, marerealize nya na ako ang nasa tabi niya palagi at aayayain niya akong magin gf nya at maging kami. yan! yan ang plano namin ni sheena.

TraitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon