KINABUKASAN
ring ring ring ring ring
ugghhh!!
"ano ba! ang aga aga,! ilayo mo yang alarm clock mo sa tenga ko Clint!!!"- ako ho yan -_-
"anong maaga? eh 7:30 na po at 8:00 mag sstart ang klase NATIN."- clint
napatayo ako bigla sa kama
"anong tayo? eh dun ka naman sa kabila nagsschool ah!"- ako
binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti, maya maya, nagsilakihan ang mga mata ko at niyakap sya ng mahigpit.
"waaaaaahhh!! clint, lumipat ka na! lumipata ka na!!!" sinisigaw ko yan habang inaalog si clint
"huy, esah, ang sakit ng tenga ko, ano ba" - clint
" hehe, sorry namiss talaga kita" hinalikan ko sya sa pisngi
namula naman sya. ang cute
"alam ko, tumayo ka na, maligo, magbihis at kumain nang sa ganoy makahabol pa tayo sa oras"- clint
kahit kailan talaga to si clint parang lolo kung magsalita pero alam nyo,
si clint nako, napakagwapo, ang sweet nya sakin, mabait yan. pero kung makalakad sa daan, ay taas noo talaga tapos ang cold pa nya sa mga babae, parang yung masungit na hearthrob lang, ganun.[picture at side--------->]
"ang gwapo ko talaga" - clint
yabang. nandito kami ngayon sa school, naglalakad at nagtitili yung mga babae dito dahil nga sa gwapo tong si clint.
"oo nalang -_-" - ako
"anong silbi ng pagkagwapo ko, kung hindi mo naman ako gusto?"
"ha? hindi kita narinig, ang ingay ng mga babae, nubayan"- ako
"wala"-clint sabay gulo ng buhok ko
CLINT'S POV
Song: best mistake by ariana grande
aaminin ko, may gusto ako kay esah kaso hindi nya ako gusto pero habang tumatagal ang panahon, nawawala na ang nararamdaman ko sa kanya. ang sabi nila ang swerte ni vanessah ngunit hindi nila alam kung paano ako magmahal. *smirks
nandito ako ngayon para maghiganti sa kanya, ni hindi nya ako napansin , ni hindi nya ako minahal kahit isang segundo man lang.
hindi ko inamin sa kanya pumunta ako sa canada para makalimot sa lahat ng sakit na naidulot nya sakin. naging casanova ako, araw araw, nasa bar, iba't ibang babae sa gabi. drugs, krimen. lahat na ginawa ko para makalimot.
sa lahat ng mga babaeng dinadala ko sa kwarto ko, ikaw ang naiisip ko. naalala ko pa nung sinabi mo saking "huwag na huwag paglalaruan anag mga babae clint ha? ako yung masasaktan, nakakawala ng respeto kaya magmahal ka ng totoo sa future gf mo ha. huwag mong gawing barbie ang mga babae na kung ayaw mo na, papalitan mo ng bago. tandaan mo, ang mga lalaki hindi naglalaro ng barbie"
sa ilang taon kong pamamahagi doon, hanggang ngayon, hindi parin nawawala ang nararamdaman ko. nandito ako para maghiganti, pero nung nakita kita, nawala lahat ng sakit, parang nabuhay muli ang pagkatao ko.
ewan ko kung sinong sisihin ko, mas minahal kita ngayon lalo na't nagdadalaga ka na. kung pwede lang kaya kong sabihin lahat ito kung may lakas akong kausapin ka tungkol dito.
takte, naluluha ako, ang bading
"uy, Clint bat ka umiyak?" -esah
bumuntong hininga ako
"mahal kita vanessah" -
nakita ko ang pagkagulat nya
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Traitor
RandomNagkita kayo, naging close, may pinagsamahan, nagkadevelopan, naging kayo, nag away, iniwan ka sa ere, pinabayaan hanggang sa makalimot. Nang dahil sa isang taong pinlano lahat ang nangyari upang makaganti. Bumalik siya, may galit ang puso mo, mah...