Jimin's Chapter

39 1 0
                                    

~ ~ : Jimin's Chapter : ~ ~


Jimin's POV


"Ahehehe. Ang cute cute~ Ang cute cute naman ni noona." tuwang tuwa naman etong si V haha


"Oi.. Tama na yan -__- Balik na tayo sa bus, dun na lang tayo mag-antay." sabi ni Jin-hyung samin habang etong si V picture parin ng picture kay Andrea "pinagtitinginan na tayo -___-" dagdag pa niya


"EY~ Kayo naman, tara na nga!" sabi ni V habang tinatago yung phone niya


Ang init pala dito noh. Kanina ko pa tinitiis yung init, pero siyempre nakakahiya namang magreklamo. Tapos etong ospital pa nila, andaming tao o_o Buti na lang walang nakakakilala samin dito, sabagay, puro matatanda mga nakikita ko o_o ano to? ospital na pang matanda? 


-___- bat nga ba ang dami dami kong iniisip "Kookie~~ Mamasyal muna tayo" yaya ko sa cute cute na batang to. kahit pa isang taon lang agwat namin, bakit ba.


"Ayokooo. Dun na ako sa bus, mas malamig dun... San ba mapapasyalan dito?" tanong niya sakin habang pinipindot ko mga pisngi niya


"Ehh bastaa~"


"Ano yung pinag-uusapan niyo? Sama niyo naman ako!" singit ni V sa likuran namin


"Pasyal tayo!" sagot ko sa kanya


"Heol- Sa ospital? Wag na." sabi niya -___- akala ko pa naman gusto niya 


"Oh diba? Yun din sabi ko sa kanya eh." dagdag pa netong batang to <___<


Ano ba naman tong mga kasama ko, ang KJ ( _ _ ) Bigla kong naalala si Andrea noona. Siguradong kausap na niya yung lolo niya pagkatapos babalik sila Namjoon-hyung sa bus na parang walang nangyari. Magcconcert kami ng ganito? 


"Hyung! Pwede bang puntahan ko sila Namjoon-hyung?" tanong ko kay Jin-hyung


"Mmm." nag-isip siya tapos kinuha yung cellphone niya. mukhang tinatawagan niya sila. "Ahh~ Ganon ba? Sige sige salamat!" tapos ibinulsa na niya yung phone niya.


"Third floor, room Q2. Andun sila ngayon, kung gusto mo silang puntahan sige, hintayin namin kayo sa bus." sabi niya sakin, agad naman akong pumunta roon.


Room Q2?  Third floor? Sana hindi ako mawala o.o Naglalakad lakad lang ako, hinahanap saang banda, saang parte ng ospital... Hangga't sa napagod ako TT^TT "Ish~ Pagod na ako. Sino ba naman kasing may sabi na madaling maglakad lakad dito mag-isa. Chimchim, ang galing galing mo talaga!" 


Sa paglalakad ko, may nakita akong pwedeng mapagtambayan. Kaya umupo muna ako. Tutal, pwede naman akong bumalik sa bus kung gugustuhin ko. Kung hinahanap naman ako, siguradong tatawag si Jin-hyung. Kaya wala naman sigurong masama kung tumambay muna ako. Mukhang presko rin kasi may mga maliliit na puno. Ayaw kasing sumama ni Jeon edi sana may kasama ako ngayon >:|

I Just Spent One Day with the Bangtans Short Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon