Paano mo ba malalaman kung na-aattract ka sa isang tao?
Eto ba yung kapag nararamdaman mo yung mga Paru-paro sa tiyan mo?
Yung kapag lalapit siya sayo eh, Nagha-hyperventilate yung walanghiyang puso mo?
Eh Paano kung yung taong nagpaparamdam sayo nito eh yung taong hindi mo ine-expect na magugustuhan mo pala?
Niligawan ka niya, He did everything to pursue you..
But all you did is to push Him away.
Ngayon na tumigil na siya, Saka mo lang narealized na mahal mo na pala siya..
-
"Shaina, Nandyan nanaman si Philip oh! Mukhang pursigido talaga yan sa panliligaw sayo no?"
Kinikilig na lumapit saakin si Eli na Bestfriend ko.
"Titigil din yan pag napagod, tara na nga!"
Hinila ko na siya at dumaan kami sa Likod na pintuan ng Classroom, since nasa pinakadulo tong Classroom namin eh, useless padin ang pag daan namin dun dahil madadaanan namin si Philip.
Nanliligaw saakin yan. Kahapon niya lang sinabe. Nakakailang kasi kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya, Ayaw ko naman masira yung friendship namin kaya naman pinapatigil ko na siya, kaso pursigido talaga at ayaw tumigil.
Humarang ito sa dinaraanan namin.
"Hi Shai! Ako na magdadala ng bag mo?"
Naramdaman ko naman ang impit na tili ng katabi ko.
"Huh? Wag na, Jan lang naman kami."
Linagpasan na namin siya at hindi na nilingon.
"Ano ba naman yan Bes! Chossy ka pa? Si Philip na yun! Ayaw pa?"
"Alam mo naman na ayaw ko pang ma-commit ngayon diba? And masisira ang Friendship namin."
"Sus! Bahala ka.." Umirap ito at inakbayan ako para makaalis na.
Lumipas ang linggo at hindi padin tumitigil si Philip. Isang Gabi habang naghahanap ng magandang kanta sa Laptop ko, Bigla niya akong minessage sa fb.
Philip: Late na ha? Matulog ka na.
Me: Hindi pa ako inaantok.
Philip: Sige ka hindi ka tatangkad niyan.
Me: Iniinsulto mo ba ako?
Philip: Joke lang hahaha :)
Matagal din kaming magkausap hanggang sa umabot sapuntong tinanong niya ako kung kelan ko daw ba siya sasagutin.
Me: Sorry Philip! Alam mo naman na hanggang kaibigan lang maiibigay ko sayo diba? Hindi pa kasi ako ready. For sure marami ka pang makikilalang iba jan na mas deserving kesa saakin.
Philip: Pero Ikaw ang gusto ko..
Me: Please? Friends nalang tayo. I'll help you move on, on me..
Philip: Goodnight.
Pagkatapos nun eh hindi na kami nagkausap, hindi na rin niya ako pinapansin kahit nagkakasalubong kami sa school eh siya pa mismo ang umiiwas.
Magta-tatlong buwan na ang nakalipas mula noon, namimiss ko na siya. Hindi ko alam pero parang namimiss ko yung prescene niya. Yun bang palagi siyang naghihintay saakin sa tapat ng classroom.
Napabuntong hininga ako.
"Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Jai na nagsalita mula sa gilid ko. Kaibigan siya ni Philip. Ito pa nga ang masaklap kasama siya sa circle of friends ko.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?"
"Bakit nga ba?"
"Balita ko may bagong nililigawan si Philip ha?"
Nakita kong sinapak ni Eli si Ren.
"Okay lang no, Diba nga binasted ko siya?"
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako okay, Alam niyo ba yung feeling na kung kelan mo nalaman ang nararamdaman mo sakanya eh may nililigawan na siyang bago?
Philip: Huy! Shaina!!!
Nagulat ako ng bigla niya akong chinat sa Facebook nung gabing yun.
Nanginginig akong nag type ng reply.
Me: Uy? Bakit?
Philip: Nililigawan ko na si Kim!
Me: Oh? Wow! Congrats! :)
Philip: Thank you!
-
Lumipas ang taon at nasa 4th year na ako. Naalala ko noon JS Prom namin yun. Kinantahan niya ako.
Gamit yung gitara niya.. Hindi ko alam pero kinikilig ko at hindi ko na kayang itago sa tropa ko yun..
Hindi siya sinagot ng nilagawan niya nun, kaya naman umasa ako. Umasa ako na baka may chance na kami, nabaka maging kami na.. kaya nung sinabi niya saakin nun na gusto niya sa isang babae eh yung mahabang buhok, pinilit kong pahabain ang buhok ko..
Nilibre niya ako nung March nag SM Megamall kami, binilhan niya ako ng album ng favorite kong banda, alam niyo yung parang lumulutang ka sa cloud 9? Ganun ang nararamdaman ko. Sobra-sobra akong nafall sakanya..
Akala ko sasaluhin niya na ako.. Akala ko kapag nahulog na ako, nandyan na siya para saluhin ako.. Pero mali ako..
hindi niya ako sinalo.
Nalaman ko sa kaibigan niya na hindi niya daw ugali na magkagusto ulit sa mga taong nagustuhan na niya.
Napaisip ako. Eh ano yung mga pinakita niya saakin?
Ano yung care na pinaramdam niya sakin?
Pinaasa niya lang ba ako?
Walanghiya.. Ang labo niya.
Pero malabo din naman ako eh, kasi nasaakin na siya dati, pero pinakawalan ko pa.
Malay ko bang maiinlove ako sakanya?
He's always there for me when I needed him..
He gives me great advice..
pero hanggang dun nalang talaga.
-
Napadaan kami ni Mommy sa street nila..
Akala ko nakalimutan ko na siya. Akala ko wala na yung feelings.
Kasi sabi saaking ng mga friends ko na
"Bored lang ako kaya ko siya iniisip."
Pero bakit nung dumaan ako dito masakit padin?
Nalagpasan na namin ang bahay nila..
Memories of the past flashback on my mind..
Almost all the memories we had..
Our Almost...
We'll I guess almost is never enough..
it will never be enough.
