Chapter 1

162 4 0
                                    

"Hoy Cindy! Umagang umaga libro nanaman yang hawak mo!" Sabi nya sabay batok sakin. Eto nanaman tong babaeng to. Sya nga pala ang bestfriend ko. Si Janice. Bestfriend ko sya since 2nd year HS.

"Ano nanaman bang problema mo Janice?" Tanong ko

"Well.. I have a goodnews for you!" Aniya sabay ngiti ng nakakaloko. Problema neto?

"For sure non sense nanaman yan." Bored kong sabi. The last time kasi na may sinabi yang good news sakin e wala namang kwenta. May boyfriend na daw yung pangit 'daw' naming kaklase. Si Mary. Non sense diba?

Ako nga pala si Cindy. Cindy Gomez. I’m 16yrs. Old. Pure Filipino. Only child ako pero hindi ako spoiled. My parents used to be an OFW pero ngayong 4th year na ko, pinili nilang dito nalang ulit mag trabaho sa pinas. Gusto daw kasi nilang maka-attend ng graduation ko.

"NOPE! About kaya to kay Ultimate facebook crush mo na si Kenji Sato!" OH. That guy.

"As I've expected. Non sense nga. Bumalik kana nga sa upuan mo" I don't want to hear anything about him again. Sawa na ko sa kanya

"Hindi mo manlang ba to papakinggan?! ETO KAYA YUNG DREAM NEWS MO BOUT HIM!" Di na ko magtataka kung sasabihin nyang single na ulit yung kenji na yun. Care ko naman dun! Minsan na kong sinaktan ng lalaking yon at hinding hindi na talaga ko mahuhulog ulit sa simpleng trip nya na yon!

"Wala akong pakialam sa kanya. Isa pa, hindi ko sya crush ok? Past is past. Bumalik kana nga sa--"

"Cindy, break na sila nung girlfriend nya! Hihi!" Tignan mo to. Bastusan ang peg? Di pa ko tapos magsalita e!

"So? What's new?" I raised an eyebrow. Naiinis akong marinig ang mga bagay ng tungkol sa kanya!

"Hello? Free na ulit sya! Meaning, may chance kana ulit!" Aniya sabay akbay nya sakin.

Agad ko namang inalis iyon saka ko sya binigyan ng MANAHIK-KANA-AT-BUMALIK-KANA-SA-UPUAN-MO look. Syempre takot sakin to kaya wala syang nagawa kundi bumalik sa pwesto nya.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako inis na inis sa Kenji na yon, then let me tell you.

I was first year high school when I first met him. Same school kaming dalawa. Gwapo si Kenji. Maputi sya, matangkad, red lips at ang ganda talaga ng mata nya! Deads na deads talaga ko sa kanya nung mga panahon na yon. Kaso never nya naman akong napapansin dahil sobrang daming nagkakagusto sa kanya at ang gaganda pa! Eto namang si engot, napakababaero.

At first na-turn off ako sa kanya pero nung mga sumunod na araw e nawala naman agad yon. Hindi kami close. Sa lahat yata ng mga kaklase ko e sya lang yung hindi ko nakakausap. Ewan, nahihiya kasi ako sa kanya e. Tingin ko nga naiilang din sya sakin minsan.. Matalino si Kenji. Ang balita ko nga e Valedictorian sya nung Elementary. Tapos 2nd naman sya sa ranking namin nung 1st year.

Walang nakakaalam ni isa sa mga kaibigan ko nuon na may gusto ako kay Kenji. Medyo may pagka-GGSS kasi yung lalaking yun e. Baka mag feeling pag dumagdag pa ko sa may mga crush sa kanya.

(A/N: GGSS - Gwapong gwapo sa sarili)

Pero kahit ganun sya deads na deads parin ako sa kanya. Minsan nga kinausap nya ko, kaso tinarayan ko lang. Nag papa-cute kasi e! Muntik na kong mag blush nun, buti nalang talaga at nakahugot pa ko ng lakas ng loob para mag taray.

Simula nung araw na yon, never na nga talaga kaming nag usap. Except kung may kinalaman sa school works.

Hanggang 2nd year ko lang syang naging classmate. At nung 2nd year namin na yun ko naging bestfriend si Janice Ewan ko kung pano. Basta classmates kami nung 2nd year. Ang alam ko lang, e hindi talaga kami masyadong close nun. Meron din kasi syang ibang mga kaibigan nun e. Ako naman, yung mga kaibigan ko e nasa kabilang section. Kaya pili lang din yung mga ka-close ko sa room.

Broken Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon