Chapter 3

84 2 0
                                    

A/N: Hello sa mga nagbabasa ng story ko! :) Thank you nga pala sa mga nag basa ng chapter 1 and 2 ko although short update lang yung chapter 2. Hehe!  Eto, nakapag update kahit medyo busy. Pinilit ko lang talagang mag online ngayon sa laptop para mai-upload na ang chapter 3. Don't forget to vote and comment po. Thank you & GodBless!

---

*Continuation of Flashback*

Sobrang broken hearted ako nun at ang laging nasa tabi ko lang ay si Bryan simula ng bumalik sya from Australia. Sinabi ko sa kanya lahat. Lahat lahat ng sama ng loob ko kay kenji. At dahil nga depress na depress ako ng time na yun kaya sinabi ko rin pati yung sikreto ko na may gusto ako kay kenji since 1st year.

Di kalaunan ay nanligaw sya sakin. Sinagot ko sya nung patapos na ang school year nung 3rd year.

8 months din ang itinagal naming dalawa. Pero sa loob ng 8 months na yon, walang nagbago sa pagtingin ko sa kanya. Gaya ng dati, kapatid parin ang turing ko sa kanya. Di nga kami sweet e. Kung meron mang sweet samin, sya lang yon. Nakita ko naman sa kanya yung effort nya. Sobra sobra nga e. Kaya medyo nakukunsensya ako non..

Pang 9th monthsary na sana namin nung mapag usapan namin na magbreak nalang. Sa tingin ko naramdaman nya kung ano man yung totoong nararamdaman ko. Kaya di narin sya tumutol nung nakipagbreak ako. Sa totoo lang, himbis na magtanong sya kung bakit ako nakikipag break ay sya pa ang nagsorry sakin. Tinatanong ko naman kung bakit pero ang sabi nya lang:

“Malalaman mo rin sa tamang oras.. At sana pag nalaman mo na ang dahilan.. Wag kang magagalit sakin.. Dahil para sayo din naman ang ginawa ko..”

I keep on asking him why dahil wala talaga kong maintindinhan sa mga sinasabi nya. Pero panay naman ang change topic nya. Walang nagbago sa samahan namin ni Bryan kahit nagbreak kami. Bumalik lang kami sa dati. Yung parang aso’t pusa. Ilang days lang din after our breakup, bumalik na sya ng tuluyan sa Australia. Sa loob kasi nung 8months naming relationship, pabalik balik sya dito sa pilipinas para bisitahin ako.

“I'll change for the better. Yan lang ang goal ko sa ngayon..” Yan lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko nung mga panahon na yon.

*End of Flashback*

Pabalik na sana ng upuan nya si Janice ng may pumasok na teacher at nagsulat sa board.

"Ok class, merong emergency meeting ang mga teachers. Kaya pwede na kayong umuwi at exactly 9am." Sabi nya. Tumingin sya sa wrist watch nya sabay tingin ulit samin.

"It's already 8:30am. Meron pa kayong 30mins. para gawin ang mga dapat nyong gawin. Ok then. Goodbye class" Aniya at lumabas na ng pinto

"YESS! MAAGA UWIAN! WOO!!"

"DOTA NA!! HAHAHA"

"GOSH, TAMANG TAMA AALIS KAMI NGAYON!"

At ang ingay na nilang lahat. Ako naman, nanatili lang na tahimik at nagbasa ulit ng libro.

"Cindy, may nakalimutan pala kong sabihin sayo kanina." Aish eto nanaman po tayo.

"Ano nanamang nonsense yan?" Tanong ko

"May surprise ako sayo. Kita tayo ng 6pm dun sa park sa may swing. Ok?" She said while smiling.

"Ano namang surprise yan?"

"Cindy, kung sasabihin ko sayo, hindi na surprise yun."

Broken Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon