chapter2

22 0 0
                                    

Magdidilim na pero di pa nakakauwi si Mila. Naglalakad siya ng may bumusina sa kanya. Dinalian niya ang paglakad. Halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa.

"Mila.... Scott here... ."

Tiningnan niya ito. Si Scott nga pero bakit siya dito dumaan?... Nagpalinga-linga muna siya saka niya ito hinarap.

"S-scott.... "

"ba't ka naglalakad?... dumidilim na ahh... halika...ihahatid na kita sa inyo..."

"h-ha?... " Nag-aalangan siyang tanggapin ang alok nito pero gumagabi na...

"ako lang mag-isa... di ko kasama ang katropa ko...kaya no worries!" nginitian siya nito.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumabay na kay Scott. Sa pagkakaalam niya mabait naman ito.Wala silang kiboan, habang bumabyahe....

SA BAHAY NAMAN NG CHAN....
"manang lusing.... kailan daw uuwi si papa?"

"hindi pa tumatawag ang papa mo...hayaan mo hija.. sasabihin ko sayo pag tumawag na si sir."

"manang...dun nalang ako sa kwarto ko kakain...padalhan mo nalang ako kay mila. Dalian niya po ah..... nagugutom na ako!"

"ehhh....hindi pa umuuwi si mila....ewan ko ba kasi sa batang yun....ngayon lang nangyari to sa kanya!..." Mababakas sa mukha ni manang lusing ang kaba. Hindi ito mapakali. Panay ang hagod nito sa kamay.

"h-ho?!... " kahit siya ay nagulat. Paanong?....Kanina niya pa ito pinapauwi ahh....!

Sabay silang napatingin sa bumukas na pintuan. Si mila!

"diyos ko! Mila! ba't ngayon ka lang ha?.. alam mo bang kanina pa kami nag-alala sa'yo?" Hinawakan siya nito sa balikat. Wari'y sinusuri siya ng matanda.

Tumikhim si Harriet sanhi para mapatingin siya dito. Nakasimangot itong nakatingin sa kanya.

"mila! dalian mo diyan! gutom na ako...dalhin mo nalang sa kwarto ko!" saka siya tumalikod sa dalawa.

"manang lusing.... pasensya na po talaga.... nakulangan po kasi ako sa p-pera kanina.."

"ano?... diba kakabigay lang ni sir ng allowance mo?"

Dito na siya napaiyak. Kusang tumulo ang kanyang luha. Dali naman siyang niyakap ni manang lusing. Ikweninto niya dito ang lahat lahat....

"bakit ngayon mo lang yan sinabi sakin,ha?... sumusubra na talaga yang alaga ko...ni hindi niya manlang sinaway ang kanyang kaibigan. alam ba niya ang pinaggagawa ng mga kaibigan niya sayo, ha?" pag-alalang tanong sa kanya ni manang lusing..

"manang... hindi po...... wala po akong balak na sabihin sa kanya..tiyak naman di niya ako papaniwalaan..... "

"mila! ano ba! di ka pa ba tapos sa pag-iinarte mo diyan, ha!?"
Mula sa second floor ng bahay ng Chan, nakatayo si Harriet. Nakapameywang itong tumingin sa kanila! Namumula ang pisngi nito sa galit! Nagpapabida na naman!!!!

SA KWARTO NI HARRIET......
"ba't ba ang tagal mo? para yan lang! natagalan ka? o baka naman nananadya ka!" kinuha niya ang juice sa tray at isinaboy sa mukha ni mila.

Napaubo si mila. Hirap siyang maibuka ang kanyang mga mata dahil sa juice.

"ang sama mo! ang sama sama mo, ate Harriet...." Luhaan niyang nilisan ang kwartong iyon. Naiwan namang tulala si Harriet.

Dumiretso sa kusina si mila dahil alam niyang andun si manang lusing. Noon pa man ay dito siya tumatakbo pag may problema siya o inaaway siya ni Harriet.

"sumusubra na talaga yang Harriet na yan, ah!!! mila di na to pwede! hayaan mo, isusumbong ko talaga ang batang yun kay sir." si manang lusing.

"manang.... ayoko na po dito!... " umaagos ang kanyang luha. Puno ng sakit ang kanyang tinig.

"sssshhhh.. tahan na hija...tahan na, ha?...
ewan ko ba kasi sa batang yun ..... palibhasa nag-iisang anak ni sir. kaya kay ganun nalang ka spoiled.... hay naku!... " inaalo parin niya si Mila na panay ang iyak.

Nakatulugan na ni Mila ang pag-iyak. Puno ng awa at lungkot na pinagmasdan siya ni manang lusing...Kawawang bata..... Umiling-iling siya nang lumabas na siya sa kwarto ni mila.

KINABUKASAN maagang gumising si Harriet.... ayaw niya munang makita ang Mila na yun!...Galit siya dito.... galit siya dahil nagpapabida na naman ito!

"Harriet.... maaga ka ata ngayon..." si manang lusing na kasalukuyang naghahanda ng pagkain. Hindi niya tiningnan si Harriet.

"hay....bakit manang? masama na ba ang gumising ng maaga?... Hindi lang naman siguro si Mila ang pwedeng gumising ng maaga...."

"aba!... Harriet!... bastos kang bata ka! kailan kapa natutong sumagot-sagot sa nakakatanda sayo ha?!... " Hindi na nakatiis si Manang Lusing sa inasal sa kanya ni Harriet... Maling mali na ang inaasta nito! ....

"hindi kita pinalaking ganyan... alam mo yan..... kung alam ko lang talaga na magkakaganyan ka..e di sana hindi nalang ako nag-aksaya ng panahon para alagaan ka!" Tumulo ang luha ni manang lusing... dahil sa sama ng loob dito.
"nagkakaganyan ka lang ng mapasama ka sa mga kabarkada mo!
layuan mo na ang mga barkada mong yun ha! walang magandang naidulot ang mga yun sayo!!... "

Tila nag-init naman ang mukha ni Harriet sa sinabi ni manang lusing...

"manang, wala po kayong karapatan na pagsabihan ng ganyan ang mga kaibigan ko!... wala kang alam!.. Sila, hindi nila ako iniwan! hindi sila nagpapaasa .... malaki na'ko... alam ko na ang ginagawa ko! di ko na kailangan ang payo niyo!!!"

PAK!
Napangiwi siya dahil sa sampal ni manang lusing sa kanya... Gulat siyang napatingin dito... tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.. pero shit lang dahil tumulo na ito ng tuluyan...

"kaya ba hinahayaan mo lang na agrabyaduhin ng mga kaibigan mo si mila?... Alam mo bang inaapi siya ng mga kaibigan mo? o baka naman hinahayaan mo lang na apihin si mila ng mga yun?...
Alam mo bang ginabi ng pag-uwi si mila dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo?!... naubos ang pera niya dahil sa kagaguhang ginawa ng mga kaibigan mo!.."
Parang lawa ang mga luhang nag-aalpasan sa mga mata ni manang lusing.

"tama na! palagi nalang Mila! Mila! Mila! ... hindi ba kayo nagsawa sa kanya?... paano naman ako?!... manang lusing... kaibigan ko ang pinagsabihan nyo ng masama! si Mila ba nagawa nyong pagsabihan ng ganyan?... nakakasama ho kayo ng loob!!!.. " tinalikuran niya ito. Masama ang kanyang loob kay manang lusing... tumutulo parin ang kanyang mga luha.... Sumisikip ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob!

Tinext niya sina Joyce at Irish...
(TO: JOYCE, IRISH)
(d tau ppasok 2D... Kta tau sa V. bar... 10 am dpat andun n k.u... kau lang! bawal ang boys!)

Pinaharurot niya ang kotse... Hindi alam ng mga kasama niya sa bahay maging ang papa niya na marunong na siyang magmaneho! Lihim siyang nagpaturo kay Jax noon....
Magalit kayo hangga't gusto niyo!!!
Marahas niyang pinahid ang kanyang nag-aalpasang mga luha...

Chasing Him(my personal driver)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon