Chapter One

6 2 1
                                    

PAIN

Yung di mo na alam ang gagawin mo para maibsan lang ang sakit na nadarama mo. Trabaho ko napabayaan ko na. Alak at alak na lang ang aking ginagawang kasangga. Ang mga kaibigan ko alam kong naawa na sila sa akin pero di nila iyon ipinapakita dahila alam nila na hindi ko ito gugustuhin. Sa ngayon andito kami ni Grif sa Padis para magpakalango na naman alam kong sususnod din dito ang iba pa namng mga kaibigan dahil wala naman kaming pasok bukas dahil Linggo.

"Dustine aba hinay hinay lang sa pag inom baka naman di ka na makagulapay pagdating nung iba." Awat sa akin ni Grif dahil napapangalahati ko na ang Jack Daniels na inorder ko. Maya maya lang ay nagdatingan na ang aming mga kaibigan. Kanya kanya ba silang kuha ng kanilang mga nais inumin. Naulinigan ko pa na darating din daw si Myke ( Princess in Distress) ang prinsesa naming magkakaibigan. Nang dumating si Myke kasama ang kanyang mga kaibigan nilapaitan ako at yumakap sa akin. Alam kong mula ng umalis si Mhiel pansin ni Myke ang malaking pagbabago ko. Pero paano ba talagang mawawla ang sakit na nadarama ko. Bakit parang ang dali lang para sa kanya ang paglayo paramng wala sa kanya ang 10 taon pagiging magkasintahan namin bigla na lang niya ako iiwan.
Di ko na alam kung paano kami nakauwe.

" Dust aalis muna ako ha kelangan kung umuwe sa amin last week pa ako kinukulit ni Nanay nagtatampo na yun. Gusto mong sumama para naman maunwind ka naman." Akit sa akin ni Keith dahil uuwe siya sa Candelaria, Quezon.

"Sige ba mga ilang araw tayo dun?" Ako

"Uwe tayo ng Martes diretso na ako sa work ikaw naman nakaleave ka pa ata ih" paliwanag nito.

Akala nila nka leave ako sa work di nila alam na di ko na talaga pinasukan ang trabaho ko dahil araw araw ko lang siyang maaalala duon.

Maganda ang lugar ni Keith di naman ito ang unang beses na nakapunta ako dito ngunit parang ngayon ko lang maappreciate ang katahimikan nila dito. Mapuno at malayo sa kabihasnan ang kinatitirikan ng bahay nila Keith. Napakahomey dito para bang napakapayapa. Nakangiting mukha ng ina at mga kapatid ni Keith ang sumalubong sa amin.

" Magandang araw po" bati ko sa nanay ni Keith saka ako nag mano. Pagkababa namin ng gamit ay inakit na kami ni Nanay Karing na kumain. Masaganang pagkain ang nakahain sa hapag ang sumalubong sa amin ng pumasok kami sa kusina. Karamihan ay mga inihaw na seafoods at may mga sawsawan na kahit di ko pa natitikman ay alam kong maanghang dahil sa paglutang ng sili. Habang kumakain kami di nauubusan ng kwento ang mga nakakabatan kapatid ni Keith. Napuno tuloy ng tawanan at tuksuhan ang hapagkainan.

" Kuya dadating nga din pala mamaya sila Kuya Archie nalaman kasi na dadating ka ngayon dadayuhn ka daw ng inom." sabi ng bunsong kapatid ni Keith na si Neith.

"Aba dapat pala ay makapunta kami sa bayan makabili man lang ngmapupulutan at ng alak na din." sabi nama ni Keith.

" Nakow malamang may baon ng alak yung mga yun malamang pati pulutan bitbit na bila di ka na nasanay sa mga pinsan mong yun na pagdinayo ka ay iinom ka na lang." nakangising turan naman ni Nanay Karing.

" Kahit na Nanay sasaglit muna kami ni Dustine sa bayan andyan naman at yung motor ng tiyo eh. Magmomotor na lang kami." pasya ni Keith kaya ng matapos naming kumain ay gumayak naman kami papuna sa bayan. Namili kami ng maiinom at mapupulutan. Sabi ni Keith masarap daw magluto ng dinuguan ang nanay nya kaya pangdinuguan ang binili namin rekado. Bumili din ako ng dalawang pata balak kong magcrispy pata. Dahil madaling araw palang ng Martes ay uuwe na kami namili na din kami ng aming pampasalubong pagbalik namin sa Cabuyao.

Pagkabalik namin galing palengke naabutan na namin ang mga babaeng pinsan ni Keith na nagkakatuwaan. Sinalubong naman kami ng mga ito upang maipasok ang aming mga pinamili. Nang maipasok na lahat ay pinakilala sa akin isa isa ang mga pinsan ni Keith. Nagpaalam akong magpapahinga muna sandali para naman di ako agad antukan pagsapit ng gabi. Night went well masayang kainuman ang mga kabataan dito sandali kong nalimutan ang sakit na nararamdaman ko.

Kinabukasan ay nagkaakitan naman na magpunta sa dagat. Sumama ako kahit wala akong balak maligo. Habang nagkakasayahan ang lahat mas pinili kong magpaiwan sa cottage para magbantay ng mga gamit.

" Iho wala ka bang balak magligo?" tanong ni Nanay Karing

"Maya maya po siguro Nay." sagot ka naman.

" Dustine ikaw ba ay may problema? Mula ng dumating kayo ni Keith eh madalang kang ngumiti at tumawa. Ngumiti ka man di abot sa mata. Pede akong makinig anak." natagpuan ko na lang na ikinukwento ang lahat ng nangyari mula ng umalis si Mhiel hanggang sa mga panahon na ito.Di ko namalayan ang pagluha ko kung hindi pa ako nilapitan ni Nanay Karing upang punasan ito.

"Sige lang iiyak mo lang di naman masamang umiyak kahit pa lalake ka. Mas nakakagaan sa dibdib yan. Minsan kasi wala sa tagal ng pinagsamahan yan baka may mabigat siyang dahilan kaya kinailangan nyang iwanan ka. Patuloy lang ang buhay malay mo sa huli kayo pa din. Yung sakit na nararamdaman mo lilipas din yan basta magtiwala ka lang.

♥♥♥♥♥
Hi sa mga readers nito kung meron man :-) :-) :-)
Update na siya sa wakas hahaha...
Support nyo din yung PRINCESS IN DISTRESS AT FIRST LOVE: MY UNREQUITED LOVE na story ko.

Enjoy reading..

ATM..
onwork kakarating lang ng mga boss ko. War na naman kami ng Madam ko maldita kasi yung anak nagkasagutan kami kagabi ayun galit yung Nanay. Haist kiber lang kaya pa naman di naman ako pabaya sa work. Buhay OFW eh...

Ps. Paarbor ng vote at comment ha...

Pps.. Wala pa akong maisip na pedeng maging dustine at mhiel give naman kayo ng suggestions...

Till next tym...

MAASALAMA

JUSTMICHY

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Runaway Gorgeous Girlfriend (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon