"Please naman Mhiel wag mo naman ako isuko basta basta... Dami na nating pinagdaanan bakit ganyan na lang kadali para sayong makipaghiwalay sa akin may nagawa ba akong masama sabihin mo naman wag mo lang akong iwan..." mangiyak ngiyak na sabit sa akin ni Dustine habang hawak hawak ang aking kamay ng napakahigpit na para bang kahit anung mangyari ay di nya ito bibitiwan at di nya hahayaang makalayo ako sa kanya. Alam ko konti nalang konting konti nalang na pigil nya sa akin ay bibigay na ako babaliwalain ko lahat ng mga plinano ko sa aking isip at mananatili na lang ako sa piling nya. Pero hindi pwede dahil mas masasaktan lang kami kung ipipilit pa namin ito kelangan kong magpakatatag, maging matapang alam kong dadating ang panahon na marerealize nya na ang lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti naming dalawa.
"Dust you know everything even If I want to stay, you know I can't. Wag na natin pahirapan ang mga sarili natin please lang let me go. Kung talagang ako ang nakatadhana para sayo dadating yung panahon na magkikita tayo at tadhana na ang magpapasya para sa atin." mahinahon kong tugon sa kanya habang pilit tinatanggal ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa akin kamay na ngayon ay pula na at medyo na ngingitim na dahil sa pagkakaipit ng mga munting ugat nito.
"Please naman Mhiel wag naman kung kelangan mong lumayo sige papabayaan kita pero wag mo naman putulin ang lahat ng nag uugnay sa atin wag na tayong magbreak. Titiisin ko kahit Long Distance Relationship pa ang mangyari sa atin basta alam kong akin ka at ako lang papayag ako wala akong tiwala sa tadhanang sinasabi mo dahil alam kong pagbinitawan kita ngayon wala ng kasiguraduhan kung muli pa kitang mahahawakan." pagpipilit niya na halos na kaluhod na sa harapan ko.
"No Dust my decision is final.. Break na tayo wala kang obligasyon sa akin wala akong obligasyon sayo. You can find a girl if you want do what ever you want wala na akong pakialam. Pag alis ko bukas single ka na. And thats final. nais kong palakpakan ang sarili ko dahi sa mga katagang sinabi ko. Sana lang di nya mahalata na kanina ko pa
pinipigilan ang pagtulo ng aking luha."Ok kung yan na talaga ang desisyon mo bahala ka mukhang wala na naman akong magagawa eh. Sige umalis ka gawin mo ang mga nais mong gawin abutin mo ang mga pangarap mong nais mong abutin pero ito ang tatandaan mo Mhiel pag dumating ang panahon na nagsanga ule ang landas natin di ko nahahayaan na mawala ka ule sa akin tandaan mo yan." matigas na sabi ni Dustine bago niya ako tuluyang iniwanan. Nang marinig ko ang ugong ng papalayo niyang sasakyan saka ko pang hinayaan ang ang luha kong pumatak at tahimik na umiyak. Wala na siya sa buhay ko tulad ng nais ko pero ang ang sakit sakit dahil mahal na mahal ko siya.
comment
vote
react....
umpisa pa lang intense na drama. haist pag ibig nga naman...
Justmichy :-)

BINABASA MO ANG
My Runaway Gorgeous Girlfriend (slow update)
RastgeleDustine and Miel Love Story Makakaya mo bang iwanan ang taong lubos mong minamahal upang masigurado mo ang kanyang kalayaan. Kaya mo bang isakripisyo ang iyong kasiyahan para lang mapasaya ang taong iyong minamahal. Ngunit nasisigurado mo bang sasay...