TWO

45 1 1
                                    

Dumaan muna ako sa Jollibee, dahil nagtext sakin si Yaya Ness na gusto ni Light ng Chicken Joy.

Habang nakapila ako, napansin ko yung nasa harap ko, family sila, ang saya nga nila mukhang mahal na mahal nung lalaki yung wife at anak niya. Sana ganun din kami, but Light's father is such a big jerk.

Flashback

I just woke up at nasilaw ako sa room ko, puti kasi, pero teka hindi naman puti yung kulay ng wall ko, nasan ba ako?

'Oh buti naman gising ka na, nasa hospital ka.' Pagtingin ko si Gabe pala, inalalayan niya akong umupo.

'Bakit ako nandito?' Tanong ko, mejo hilo pa ako.

'Hinimatay ka habang naglalakad tayo sa sta. mesa, on going investigation di ba?'

'Oo nga, pero bakit? Ano na nangyari?'

'Hinimatay ka nga boss, buti na lang may mga back-up kaya tinakbo ka agad namin ni chief dito.'

Biglang pumasok yung doctor, nakasmile siya 'Kamusta na pakiramdam mo?'

'Ah okay lang Doc, mejo nahihilo lang.'

'That's normal.' Nakatingin lang ako sakanya, then parang bomba lang yung sinabi niya sakin: 'Congratulations Miss Alleje, you are 5 weeks pregnant!'

'HELL NO. Sorry, I mean really?' Napahawak ako bigla sa tiyan ko, pati si Gabe nagulat.

'Yes really, kaya ingatan mo ang sarili mo, I would suggest na umiwas ka muna sa mga field works.' Tuloy tuloy na litanya ni Doc, tapos nagpaalam na din siya.

Napa face palm na lang ako, hindi pwede to! I'm not yet ready and I'm sure di rin ready si Sky, pano ko sasabihin sa kanya? Ayaw pa nun magkapamilya eh at Jusko agent ako, na on the go sa bakbakan tapos preggy?! No way, bakit ba kas hinayaan kong may mangyari kahit wala siyang dalang proteksyon, nagpakagaga ako para sa sarap? Tsk.

Nagmumuni muni pa din ako nang biglang nagsalita si Gabe. 'Hala boss, may obaryo ka pa pala?' sabi niya habang nakaupo sa couch sa gilid.

Hinagis ko sa kanya yung orange sa tabi ko, 'Sira-ulo anong akala mo sakin Frozen?'

'mejo mejo' with matching hand gesture, 'sa angas mong yan di namin alam kung pano naging kayo ni Sky' tumawa pa siya.

'Sapakin kita riyan eh, dahil lang yon sa maganda at sexy ako! Buisit ka.'

Tawa pa rin siya ng tawa, ginawa akong laughing stock.

'Tigilan mo na iyan! Kita mong namomroblema na ako dito eh, di ko alam kung papano sasabihin sa kanya.'

'Sabihin mo lang, straight forward ka dapat. He has the right to know, you know' binabalatan na niya yung orange na hinagis ko.

'Akin na nga yung phone ko at kokontakin ko siya.'

How To Win Back Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon