THREE

38 1 0
                                    

Gabe's POV

'Akin na nga yung phone ko at kokontakin ko siya.' Sabi ni Reina. Inabot ko sakanya yung phone, tapos tinitignan ko lang siya, delete ng delete. Hahaha mukhang di alam sasabihin kay Sky.

'Alam mo boss itext mo na lang na magkita kayo at may sasabihin ka.' Sabi ko habang kinakain yung orange na binato niya sakin.

'Hindi yun ganun kadali! Para namang di mo kilala yun.'

'Pangit kasi kung sa text o tawag mo sasabihin, dapat personal. Hindi naman tungkol sa bagay yan eh, tao jan tiyan mo yung paguusapan.' Sabi ko na naman sakanya.

Hindi ko rin namn masisisi si Boss, mahal niya yung boyfriend niyang yun. Kilala ko din si Sky takot sa responsibilidad yun, kahit matagal na silang magkarelasyon ni Reina hanggang dun palang yon, parehas kasi silang may 'mas' priority.

'Paano pag di niya tanggapin, natatakot ako.' Nagulat ako, hindi ako sanay na ganito yung tigasin naming boss.

'Edi wag tanggapin, ikaw pa ba?'

'Okay sige pupuntahan ko na lang siya mamaya, for sure nasa Zone yun mamayang gabi.' tumango tango pa siya.

Zone - pagmamay-aring bar ni Rico, kaibigan nila Reina at Sky, madalas sila dun.

'Isesettle ko na bill mo, para makaalis na tayo dito.' tumayo na ako, ako lang naman nandito kaya ako lang din magbabayad. Hindi ko na tinawagan mga kamag anak ni Reina dahil malilintikan lang ako sakanya.

'Sige sige.' tipid niyang sagot.

How To Win Back Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon