"Hala, Umuulan nanaman." Ganito ang laging reaksyon ng mga kaklase ko tuwing makikita nilang umuulan sa labas.
Nakakatawa nga e, kung magreact kasi sila parang ngayon lang sila nakakita ng ulan.
At kapag ganito ang reaksyon nila, alam ko na agad ang susunod na mangyayari....
"Pa-share sa payong mo Saren!!!" Sabi na, ganito nanaman ang sasabihin nitong Jake na 'to.
Si Jake yung kinaiinisan kong classmate sa room. Nakakainis talaga sya kasi pagkatapos nya kong asar-asarin ang galing-galing naman nya pag may kailangan sya.
" Hmp! Bahala ka sa buhay mo!! " Sabi ko sabay bukas sa payong ko. Naglakad na ko palabas ng gate. Iniwan ko sya don.
Kasalanan na nya yun. alam naman nyang buwan na ng tag-ulan di man lang nagdala ng payong. Ewan ko ba kasi sa ibang mga kaklase ko, ang liliit ng mga dinadalag bag. Kung di maliit na shoulder bag, pouch bag. Minsan nga wala pang dala.
" AAAHHH!!! " Napasigaw ako sa gulat ng may biglang tumabi sakin. Si Jake. Ang kulit talaga, sumiksik pa!
" Umurong ka dito sa tabi ko nababasa ka oh. " Sabi nya tapos hinawakan nya yung kabilang braso ko para dumikit ako sa kanya.
" Alis nga! Pa'no ba naman ako hindi mababasa e sumisiksik kapa sakin ang liit na nga nitong payong ko." Tinulak ko sya.
" Ang damot mo naman, parehas lang naman tayo ng way na uuwian. Halos magkapitbahay na nga tayo."
Medyo nakonsensya na rin ako kasi nababasa na sya sa kinatatayuan nya. Nakapatong lang sa ulo nya yung bag pack nya.
" Sige na nga, pero bukas magdala ka na ng sa'yo. "
" Yes Ma'm." nakangiting sabi tapos kinuha na nya yung payong sakin para sya na ang maghawak.
Akala ko dun na matatapos yon pero di pa pala. Nasundan pa kasi yon ng isa pang beses, isa pang beses ulit hanggang sa lagi-lagi na. Nakakainis nga e, mayaman naman sila pero di man lang sya makapagdala ng isang payong.
" Hi Saren. " bati sa'kin ni Jake nung mapadaan sya sa table namin ni Mela. Bestfriend ko.
Nasa Canteen kami no'n. Nagsmile sya sa'kin tapos dumiretso na sya sa table ng mga kabarkada nya.
" Uy, ano 'yon?! Close na pala kayo ah! " asar sa'kin ni Mela. Eto talagang Mela na to ang ingay.
" Ingay mo Mela. 'Di kami close noh. "
" Talaga? Napansin ko sabay na kayo umuuwi palagi tapos nagse-share pa kayo sa iisang payong. Ikaw ah! "
" Parehas lang kami ng way na inuuwian. Walang malisya 'yon."
" Ayyiiee~ dating enemies, lovers na ngayon. Swerte mo ang dami kayang may crush dyan."
Hmp! Madaming may crush... eh ang sama nga ng ugali nyan. Lagi akong pinagtitripan sa room kapag nakikita nyang nag-iisa ako.
Tuloy lang sa pang aasar sa'kin si Mela. 'Di ko na nga pinapansin e, nang aasar pa rin. Isinubo ko nalang yung kutsarang punumpuno ng kanin sa bibig ko, kaya lang muntikan ko ng maibuga kay Mela 'yon nung mapansin kong kanina pa nakatingin sa'kin si Jake. Ngumiti sya sa'kin tapos nag flying kiss.
" Oh, anong nangyari sa'yo." tanong agad sa'kin ni Mela. Napansin nya kasing ubo ako ng ubo.
Inabot nya sa'kin yung isang basong tubig. Pagkatapos kong inumin lahat ng laman ng baso, niyaya ko na agad si Mela na umakyat sa room.
Pakiramdam ko ang init parin ng mukha ko. Hinawakan ko 'yong magkabilang pisngi ko. Tinapik tapik ko pa nga. Naalala ko pa rin kasi yong nangyari kanina sa may Canteen. Ba't ko ba naalala 'yon?