Chapter Eight

20.5K 489 23
                                    

Chapter Eight


"WHAT?" halos masigawan niya ang kausap niya sa reception desk. Medyo nailang tuloy iyong receptionist na babae na nakatao ngayon sa hotel na tinutuluyan.

"I'm really sorry, Mayor Romualdez. Pero nag-check out na po talaga iyong katapat ninyong kuwarto." Ulit nito.

"I'm sorry. It was not my intention to yell at you. Nagulat lang din ako." at saka niya iniabot ang card dito para mag-check out na rin.

"Thank you for patronizing Hotel Viviero. Please do come again." Ngiti ng receptionist habang inaayos ang resibo niya.

"Thank you for the wonderful service." sagot niya at saka kinuha ang itim na leather jacket at ikinawit iyon sa braso.

Naghihintay na sa kanya sa sasakyan ang anak at mga tauhan. Wala ang isip niya sa dati ay okupado ng puro trabaho lang. Si Ayesha, ito ang naiisip niya. Nawala na lang ito ng ganoon, ni hindi siya nasabihan.

Pagkuwa'y natawa siya ng pagak, siya, sasabihan? Bakit? Gago. Bulong niya sa sarili.


"Dad-da." Narinig niyang sabi ng anak.

Nilingon niya ito sa backseat na naka-seatbelt sa carseat nito at nginitan. "Ano iyon, sweetheart?"

"Dad-da, mom-my...mom-my?" sabay kaway ng mga kamay nito, nagtatanong, naghahanap sa kanyang mommy.

Nalungkot siya para sa anak. Mukhang madalas na nitong hinahanap ang mommy nito. "You want to see your mommy? Sure, sweetie. Daddy will call your mommy to play with you, alright?" at saka niya inabot ito para haplusin ang pisngi nito.

Ngumiti ang anak at mayamaya lang ay nakaidlip na ito, saka lang siya nakahinga ng maluwag.

Paguwa'y kinuha niya ang phone at saka nag-message kay Nikki na dalawin nito ang anak dahil gusto nito itong makita. Hindi pa niya masyadong naibababa ang phone ay tumunog na agad ito. Galing kay Nikki at tila natutuwang pumayag ito.

Isinandig niya ang ulo sa headrest ng kina-uupuan at ipinikit ang mga mata habang nagda-drive sa kanyang tabi ang kanyang driver. Sa pagpikit ng mga mata, mukha ni Ayesha ang lumitaw sa madilim na isip. Ang mukha nitong nakangiti sa anak na si Caitlyn at kay...Dr. Adams.

Kumirot ang kanyang dibdib. Halos hindi siya makahinga sa sakit na nadarama. Oo, nagseselos siya, nagseselos siya sa hinahangaang doctor. At sa pagkakataong ito, hindi niya maiwasang magngitngit dito dahil ito ang kasama at kaulayaw ni Ayesha gabi-gabi. Hindi niya matanggap iyon!


Tatlong oras din ang kanilang biniyahe pauwi. Tulog pa rin si Dana kaya binuhat niya ang anak papasok sa kuwarto nito kasunod si yaya Belle. Nang mailapag niya sa kama ang anak, pumasok na rin siya sa sariling kuwarto.

Iniikot niya ang paningin sa loob ng silid, this used to be their room...their matrimony room but it was never really used for that dahil puro pananakit ang idinulot nila sa isa't isa.

Lumapit siya sa isang drawer na nasa left side ng queen sized bed na ang sheet ay may disenyong maroon colored in abstract pattern. Binuksan niya ang drawer at saka kinuha ang nakataob na picture frame roon. Tiningnan niya ang larawang naroroon, it's their wedding picture.

Humiga siya sa kama, kipkip sa dibdib ang larawan at saka tumingala sa kisame. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila sa San Isidro kung saan ginanap ang convention. Muling kumabog ang kanyang dibdib.

Mali ang kanyang ginawa, mali subalit buong parte ng kanyang katawan ay hindi tumatangging gusto niya ang nangyari. Ang totoo, gusto niyang maulit iyon. Paulit-ulit. Madalas.

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon