A WEEK passed and there was no Denzel. She was expecting him after the day Harold confessed everything to him but he didn't come looking for her. Gusto na niyang sugurin sa opisina nito para tanungin kung ano pa ang hinhintay nito pero nahihiya naman siya. Ni hindi na nga siya makapag-concentrate sa kanyang shift sa ospital dahil sa kaiisip dito. Napansin din niyang tila wala man lang siyang naririnig patungkol dito sa loob ng isang linggo.
Sinipa niya ang pinto ng silid na pahingahan nila. Nasaktan ang ginamit niyang paa sa pagsipa kaya mabilis niya iyong hinilot habang napapangiwi sa sakit. "Kainis!" naiirita niyang sambit.
Nagulat pa siya ng may kumatok sa pinto. Hindi niya sana iyon bubuksan dahil hindi naman uso ang katukan sa kanilang mga babaeng nurses na namamahinga rito at isa pa, gabi na at night shift iyong mga kasamahan niya kaya mag-isa lang siya rito ngayon kaya sino naman kaya ang kumakatok sa pinto? Tanong niya sa sarili.
Naiingayan siya sa mahihinang katok na ayaw tumigil kaya naman marahas niya iyong binuksan at inis ang mukhang hinarap kung sino man iyon. "What!?"
"Ayesha?" bungad ni Denzel.
Tila nalulon niya ang kanyang dila dahil hindi na uli siya nakapagsalita. Denzel is standing right in front of her, fully clean shaved, he even trimmed his long hair, and the rugged Denzel is already gone.
Napalunok siya dahil ang nasa harap niya ngayon ay ang Denzel na una niyang nakilala, na naging crush at isa sa mga nurses noon na tumitili at palihim na kinikilig sa tuwing dadaan ito sa nurses station, dashing looks, striking smile, flirty eyes, and freaking smelling good!
"Hi..." matipid nitong ngiti, tila alanganin.
"H-hi..." nahihiya naman niyang sagot.
Ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Lalo na nang maalala kung ano ang itsura niya ngayon, magulong buhok, maruming scrubsuit, baka nga amoy pasyente o gamot pa rin siya dahil hindi pa siya naliligo after her shift. Kaya naman nahihiyang itinago niya ang sarili dahil ayaw niyang maamoy siya nito sa ganoon.
"Tapos na shift mo?" gosh, his voice, his deep manly voice she hadn't heard for a long time.
"Uhm, oo e." pailalim niya itong tiningnan.
"Uuwi ka na?"
"Uhm...pagkatapos kong maligo."
"Can I wait inside while you're cleaning up? Baka kasi may makakita sa akin sa labas ng quarters ninyo isipin na ano...you know." He smiles awkawardly.
Nangiti naman siya. "Pervert?"
Ngumiti din ito at lumitaw ang mga ngipin nitong alagang-alaga. "Oo e..."
"Pasok" at niluwagan niya ang nakaawang na pinto at pumasok nga ito. "Sandali lang ako" pagkuwa'y hinablot niya ang towel na nakasampay sa headboard ng kanyang kama at mabilis na pumasok sa banyo.
Sa loob ay halos manginig siya sa sobrang excitement at kasiyahan. Thinking of Denzel who's just right outside of this shower room makes her imagine things, lewd things kaya naman sinampal niya ang sarili sa naiisip.
Agad naman siyang natapos. Kinuha niya ang tuwalya at tinuyo ang sarili. Saka niya naalalang hindi nga pala siya nagpasok ng pamalit sa banyo. Nahapit niya ang tuwalyang nakatapis sa dibdib, lalabas kasi siyang ganito at makikita siya ni Denzel. Tanga! Nakita na niya iyan noon kaya bakit ka pa mahihiya? Away niya sa sarili.
E noon iyon, mag-asawa kami noon. Pagtatanggol ng kabila niyang isip. But you did it even before you were married and you did it a lot, even here in your quarters, in your bed which you are still using right now, and on your table, a few times, remember? Nakikinita pa niya ang pagngisi ng nang-uuyam niyang sarili.
BINABASA MO ANG
The Cheating Wife
RomansaAYESHA was caught kissing another man by her husband on the night of their wedding. The pain and betrayal she caused him almost killed him. Pero ang mas masakit, nalaglagan siya nang gabing iyon, at tinalikuran lamang siya nito. When a marriage is...