Chapter 2. Part 1.

101 3 2
                                    

Nakauwi na kami ni Lara... Gumala pa kami eh. Siyempre bonding narin namin yun. 4th year nakami. Ggraduate na. Last na to. Pero ang saklap hndi ko siya kaklasi. Nag transfer kasi siya eh. Kaya ayan.. Pero kahit ganun, mahal ko yun. Kahit na lagi niya ako inaasar. Parang kanina lang..

…..

“Uy, Bianca Reyes. Kelan mo balak ibalik ang dati mong itsura? Yung dating ikaw. Maganda, hinahabol ng lalaki. Sexy. Palangiti. Friendly. Namimiss ko na yun eh.”

Bigla akong napaisip sa sinabi niya.. Ilan minuto rin tumahimik. Hnihintay niya ang sagot ko...

Nginitian ko siya at sabi.. “Hindi ko pa alam. Okay narin to. Wala pumapansin sakin, hndi ako pinag kakaguluhan. Pinag ppustahan. Sinasaktan at iniiwan ng mga lalaki.”

“Tingin mo ba ngayon walang pumapansin sayo? Walang nanakit? Meron. Dahil sa itsura mo. Tignan mo nga. Bagsak buhok mo. Ginawa mo makapal. Naka salamin ka na may grado. Yung pananamit mo, ang haba ng palda mo. Ang layo mo na sa dating ikaw. Alam ko naman ganyan ka lang dahil kay Jaz. Hindi naman lahat ng lalaki tulad niya.”

Wala akong masabi sakanya, may punto siya hindi lahat ng lalaki tulad ni Jaz. Hindi lahat iiwan ka, lolokohin oh papaiyakin, pero diko alam..

“Pag iisipan ko Bes ah? Ntatakot parin kasi ako..”

Takot ako masaktan.

Takot maiwan.

Takot lokohin.

Takot mag mahal ng sobra.. Kaya nga masaya nako kay Rafael kahit ganito lang kami e.

“Wag ka matakot. Hello! Nandito lang ako para sayo. Bestfriend moko, sister. Lahat. Kaya Fighting! :)”

“Asus. Ikaw talaga. Kaya mahal kita eh.” Yun nga, niyakap ko siya.

…...

Eto ako ngayon, nkaharap sa salamin. Nakapag bihis na... Tnignan ko sarili ko. Ang laki nga ng pinag bago ko dahil sa isang lalaki lang..

Yung Bianca Reyes na masayahin, marunong mag ayos, hinahabol habol ng mga lalaki. Biglang nagbago.. Naging malungkutin. Nerd. Inaapi. Nakakamiss din pala ang dati kong itsura.

Ang hirap pala talaga. Kapag nag mahal ka. Lalo na yung sobra. Yung siya naging buhay mo at lahat-lahat biglang nawala. Sinira ng ilang mga salita. Sa iilang minuto biglang naglaho..

Yung tingin mo na sa lahat ng lalaki. Manloloko, nagiiwan. Nanakit. Tulad ng tao gumawa nun sayo. Ang hirap. Ang hirap mag patawad. Ang hirap mag move on. Ang hirap kumawala sa nakaraan pilit kang hinihila. Ang hirap iwasan na maalala ang masasayang bagay na ksama mo siya. Haayyyy buhay. Parang life...

Naalala ko mahal ko. Ang bait niya. Ewan ko kung pinag tanggol niya ako nun. Pero para sakin sapat na yun. Masaya nako. Masayang-masaya. ^_^ Kahit pala suplado siya, may natitirang kagandahang loob sa kaibituran ng kanyang puso. (Sht. Ang lalim nun. Kaibituran daw. Haha!) Tapos yung panyo pa niya. Diko ginamit. Ang bango. Tinago ko sa may cabinet. Di naman siguro aanayin yun. Tsaka Remembrance syempre! ^_^

Sweet ng mahal ko no? Ang mahal ko na ako lang may nakakaalam. Ako lang ang may nararamdaman. Ako lang ang sumasaya sa tuwing nakikita siya. Diko alam bakit ganito. Pero iba ang feeling eh. Kahit ba na one sided-love lang ang maitatawag... Drama na...

Teka. Teka. Ako nga pala si Bianca Reyes. 17. Anak ng tatay ko, ng nanay ko. Nakatira sa may bahay. Nag aaral sa eskwelahan. Maganda ako. (Sabi nila) Mabait. Masayahin. Kalog. Tapos maganda. Tsaka maganda ulit at maganda ulit. Yan, unli para matandaan mo. ^_^ 4th year nako. Nag aaral sa FEU. Graduating na. Ako yung tao duwag. Madalas negative mag isip. Madalas pinapkinggan ang iba tao.. Pero ewan. Ganito ako eh. Mahina.. Pero maganda! Hahaha

Badly In love with Him!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon