Chapter 3.

95 2 2
                                    

Iilang araw narin ang nakalipas simula ng makausap ko si Raf tungkol sa ex-girlfriend niya, at ilan araw narin nila akong sinisisi sa break-up nila ng kanyang girlfriend. Ano malay ko dun db? Napanuod ko lang. Akala ko para sa isang play. Pero bakit ako ang sinisisi. Bakeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet? T.T

…...

May lumapit na dalawang babae sakin.. Wala si Lara, wala narin masyado tao sa campus.. Wala tutulong sakin. Wala ako kakampi.

Girl 1: Hoy babaeng pangit na nkasalamin..

Nag palinga-linga ako, tinignan kung meron pang ibang panget bukod sakin, baka sakali mkaligtas ako. Pero wala. Ako lang mag-isa.

Girl1: Ikaw ang tinatawag ko! Wala ng ibang panget dito kungdi ikaw lang.

Girl2: Panget! Ikaw siguro ang dahilan kung bakit nag hiwalay si Tricia at Rafael no?!

“Huh? Bakit ako? Wala akong ginagawa.” Yan lang ang nasabi ko.

Hinila niya collar ko... Naiiyak na ako pero hndi nila pwde makita..

“Ano ba ginawa ko sainyo? Bitawan niyo ko... Please. Wala akong ginawa.”

Girl1: Nag mamaang-maangan kapa! Ikaw ang huling nakita nung break-up nila ni Rafael. Panong hndi mo alam?! Malandi ka!

“Kasama ko nga, pero wala akong kinalaman sa break-up nila dalawa.”

Girl2: Sinungaling ka! Ikaw ang dahilan bakit nakipag break si Rafael kay Tricia!

Girl1: Tara na! Wala na tayo mapapala dito. Wala siyang kwenta. Naninira ng relasyon...

Tinulak ako, umalis sila. Iniwan ako. Nakaupo sa floor. Nag kalat ang libro. Eto ako umiiyak, ang hina ko. Bakit diko kaya ipag tanggol ang sarili ko. Alam ko naman na wala tlaga ako ginawa masama sakanila....

…..

“Ano?1 Ganun ginawa nila sayo?! Ituro mo nga sakin ang mga loka-lokang mga yan at bibigyan ko sila ng double kick sa mukha!”

“Naku Lara, Hayaan muna sila bestfriend. Baka lalo lang lumaki ang gulo eh. Tsaka hindi narin naman nila ko inaano. Basta wala naman ako kasalanan dun.”

“Bestfriend! Kelan kaba magiging matapang? Kelan mo ba iisipin ang sarili mo? Kelan ka matututo lumaban? Hay nko!”

“Ayos lang naman ako eh, okay nako.”

“Ikaw tlaga! Oh basta kapag inaway ka nila ah? Sabihin mo sakin at ililigpit ko na sila dito sa campus. Haha!”

“Ikaw talaga, baliw ka. Haha. Kaya mahal na mahal kita eh. Salamat at lagi ka nandyan bestfriend. ^_^”

“Hello Rafael! GoodMorning!”

O.O Rafael?

“Good Morning din Lara. Kamusta kana?” :)

Tumalikod ako at. Booom! Nasa likuran ko nga si Rafael. Close sila ni Lara? Kelan pa? Hindi ko ata alam.

“Eto okay naman, ikaw kamusta kana? Ayos kana ba?”

“Oo naman, okay na ako. Salamat ah. Sige pala, una nako. Ppunta lang ako library. Ingat ka.”

Wala man lang. “Ingat kadin Bianca.” Wala ganun? Anino lang ako ganun? Di naman ako maitim para hndi niya makita.

“Hoy Bianca! Tulala ka nanaman!”

“Makasigaw ka Lara. Dito lang ako, sa harap mo oh. Close kayo ni Rafael? Bakit hndi mo sinabi sakin?”

“Hello! Pano hindi ko close eh mag kakaklase kami dati db? Sus! Ulyanin ka? Aning kana naman.”

Napakamot nalang ako sa ulo -_- “Onga pala no? Sorry naman ah. Nakalimutan ko eh. Panahon p ata ni Magellan nung kinwento mo yun. Hahaha!”

Badly In love with Him!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon