After class, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya minabuti ko munang pumunta sa clinic at humingi ng gamot. It's already 7 in the evening. Hindi pa ako uuwi dahil dadaan pa ako sa head quarter para sa meeting ng Glee Club. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang amoy ng clinic kaya ayaw na ayaw kong pumunta doon but I need meds. Baka bumagsak pa ako dito kung hindi ako iinom ng gamot.
"Good afternoon po" sabi ko sa nurse
Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Oh! Anong maipaglilingkod ko sa dyosang kaharap ko ngayon?"
Napatawa naman ako sa pagpuri niya sa akin. Nasasanay na din ako sa mga compliments nila sa akin. Medyo nakakahiya nga lang.
"Nahihilo po kasi ako. Eh hindi pa po ako uuwi dahil may meeting pa kami sa Glee Club" sabi ko at ngumiti ng bahagya
Pinaupo niya naman muna ako at may kinalkal sa drawer na puno ng gamot. Pero hindi ako sigurado kung gamot nga ang laman noon.
Binigay niya sa akin ang maliit na bote na nakuha niya sa drawer at sinabing amoyin ko lang iyon. Sinunod ko naman yung sinabi niya dahil nasusuka na ako sa amoy ng clinic. Effective naman yung pinaamoy sa akin ng nurse. Nang maramdaman kong okay na ako, nagpasalamat ako sa nurse at dumiretso agad sa head quarter dahil malamang sa malamang ako na lang ang hinihintay nila doon.
"Good afternoon Pres" bungad sa akin ng officers ko pagpasok na pagpasok ko sa loob ng head quarter.
Ngumiti naman ako at bumati din sa kanila. Inumpisahan ko na ang pagtanong kung anu-ano ang mga naiisip nilang ideya about sa mangyayaring concert next month. Ako kasi ang presidente dito sa club na ito kaya ako ang inaasahang mamuno. Pero dahil madalas akong busy dahil Accountancy student ako, si Julia ang kadalasang nagl-lead sa mga meeting na hindi ko nasisipot. Obviously, she's my Vice President and she's also my bestfriend.
"Ma'am Aquino requested to make our concert more interesting. Last year kasi wala pa sa kalahati yung bumili ng ticket" sabi ko sakanila
"That is because nalaman nilang hindi ka magpe-perform" sabi ni Naomi, the treasurer.
Hindi ako nagperform dahil mage-exam ako that day sa major subjects ko.
"I don't want them to watch our concert because of me. I want them to appreciate all o-"
"But what they want is only you, Rina." sabi ni Joseph, the stage organizer.
"Yeah, thats right Rina. Bago sila bumili ng ticket, tinatanong muna nila kung magp-perform ka" sabi ni Naomi
Ugh. Nakakainis. Naiinis ako dahil pakiramdam ko underappreciated sila ng mga tao dahil sa akin. Siguro isa din yon sa dahilan kung bakit hindi ako nagperform last year. Gusto ko kasing yung talent naman nila yung ma-appreciate.
"Then why didn't you tell them that I'm performing?" sabi ko ng may halong pagkainis.
"Simply because, we don't want to disappoint them" Joseph said.
"Sana kasi hindi niyo ipinarinig n-"
"Enough! Can't we just talk about the plan in this year's concert? Every meeting na lang ba tayong magsisisihan?" napatayo ba si Julia dahil sa inis.
I let out a sigh. Nadala nanaman ako sa inis. First time kasing hindi sold out yung concert namin. Napahilot ako sa sentido ko. Bigla na lang sumasakit 'tong ulo ko. Dahil sa stress siguro.
Taon-taon kaming nagcoconcert para makalikom ng pera. Para iyon sa donation ng University namin sa mga batang ulila na at hindi pinalad sa buhay. Magkakalaban ang bawat clubs ng University. Palakihan ng malilikom na pera. Glee Club is the most appreciated club of all clubs. Every year kaming champion. Last year, we lost. But I'm ready to bring back the crown to our heads this year.
BINABASA MO ANG
She's A Cactus Girl
Teen Fiction"A man who dares to fall in love with her, must endure the pain"