Third Spine

37 2 0
                                    


Aligaga ang Glee Club Officers ngayon. Today is the day, my lovies! Concert na namin mamaya and I can say na may palag kami sa ibang club dahil kanina pa mahaba ang pila sa ticket booth namin. Pumasok ako at tinignan ko ang stage. Kahit simple ang dekorasyon nito, hindi mo maipagkakailang masarap kumanta sa ganitong entablado.

May tatlong screen na sa harap at nakadisplay ang edited gif picture ng buong university namin. Gumagalaw ito at ipinapakita ang bawat angle ng University namin. Nagmistula itong lightings dahil sa kulay na ibinibigay nito sa buong auditorium.

Ang unang screen ay kulay white ang ibinibigay na ilaw, ang pangalawa naman ay blue at black naman ang pangatlo. Nagbigay buhay din ang dalawang poste sa magkabilang gilid na pinalibutan ng kunwaring diamonds. Kumikinang kinang ito pag natututukan ng disco lights.

Napanganga ako nung tumingala ako. Ang ganda ng chandilier. Nakakaganang kumanta! OMO! EXCITED NA AKOOOOO!

Lumabas ako at pumunta sa ticket booth na nakapwesto sa mismong tabi ng auditorium.

"Oh! Naomi, ako naman dito. Malapit na din naman maubos ang ticket" pumasok ako sa booth "Pasok ka na sa loob. After ko dito final rehearsal tayo" sabi ko sakanya. Tumango lang siya. Mukhang malungkot siya. "You okay? May sakit ka ba?" sabi ko sakanya matapos ko siyang pigilan lumabas.

"Okay lang ako. Pagod lang siguro" ngumiti siya at tuluyan nang lumabas.

Napabuntong hininga na lang ako at nagbenta ulit ng ticket.

Nagiging hobby na ng tao ang magsinungaling. Seriously? Pwede naman niyang sabihin na may problema siya, eh. Di ko naman siya pipilitin na i-share niya kung meron man. Anyways, bahala na. Baka trip niya talagang  magsinungaling. Tss.

"Two seats, please." sabi nung babae sa labas.

Hindi nila ako nakikita sa loob dahil dalawang butas lang ang meron sa window.  Isa para sa bibig at isa para sa bigayan ng pera.

Pag sisilipin, oo, makikita pero pag hindi, bibig lang ang makikita sa akin. Sila naman, kita ko sila nang buo dahil ibang glass ang ginamit sa ticket booth na ito.

"500 pesos po" sabi ko pag kabigay ko ng 2 tickets. Hindi ko pa din binibitawan yung ticket dahil wala pang pera na binibigay. 

Kinuha niya yung ticket at binigay ang one thousand pesos. Pagkasukli ko sakanya ay nagthank you siya at umalis na.

"How sure are you that this show is worth my time and money?" sabi ng lalaki. Tanong niya, rather. Napataas ang kanang kilay ko dahil sa tanong na 'yon.

"I don't really know if this is worth your time and money because all of us have different preferences in life" sagot ko sakanya. "But I assure you that this is going to be fun. I am sure with that"

Nagabot siya ng 500 pesos. "One seat" ani niya

I gave him a ticket with 250 pesos change.

"Thank you, sir"

Napairap ako dahil sa eksena naming iyon. Akala mo naman very important person siya. Bwiset.

Pinagpatuloy ko ang pagbebenta hanggang sa maubos ito. I locked the ticket booth. Dala dala ko ang money box ngayon. Hindi naman mabigat dahil puro papel na pera ang laman.

Nilagay ko sa office ang pera at bumalik sa audi. Hindi malayo dahil isang floor lang ang pagitan. Kumbaga 3rd floor ang auditorium at ang mga office naman para sa bawat club ay sa second floor.

I clapped my hands three times as soon as I entered the audi. I easily got their attentions because of that.

It's 10 am and everything is already set. Mamayang 6pm ang concert.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's A Cactus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon