Cassandra's PoV:
" Cass!!! Nandito kami! " napatingin naman ako sa isang kumpol ng tao. Medyo hindi ko sila nakilala dahil na rin sa tagal ng panahon na nawala ako. Pero habang papalapit ako ay mas namumukaan ko na sila. My friends.
"Waaaaahhhhh namiss ko kayo guys."
"Gaga syempre kami rin."
"Bakit ka ba naman kasi biglang nawala ng walang paalam. Tapos tatawag ka na lang para sabihin na nasa Canada kana. Hello! Ano na lang gusto naming maramdaman ngayon syempre mamimiss ka namin "
"Letse ang dami mong satsat sasabihin rin naman na namiss si Cass ang dami pang sinabi eh. At ikaw naman babae ka ano namang ginawa mo dun sa Canada sa loob ng 5 years aber"
"Tama! Hindi mo man lang ba naisip yung mararamdaman ng asawa mo ha?"
Bigla akong napatahimik dahil doon. Asawa. Sana hanggang ngayon may asawa parin ako. Sana hindi parin nya ako pinagpalit. Sana.
"Haaaay! Speaking of asawa. Tara na iuwi nyo na ako. Bukas na lang tayo mag celebrate. Kailangan ko ng umuwi sa asawa ko."
Hindi na sila nagsalita pa. Pagod narin kasi ako. Pang-last flight na kasi ang nakuha ko. Kaya ito gabing gabi na ako nakarating dito sa Pinas.
Marami narin pala nagbago rito. Siguro kapag naggala ako dito maliligaw ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Bigla akong nanlambot. Ano ka ngayon Cassandra ginusto mo 'to diba? Pwes panindigan mo.
"Cass sure ka bang kaya mo?"
"Y-yeah. Sige. Thank you sa paghatid. Tawagan ko na lang kayo kung kailan ako manlilibre."
Umalis na sila. At ako naman pumasok na. Paano ko nasiguro kung dito parin sya nakatira? May contact kasi ako sa mommy nya. Pumasok na ako sa bahay namin. Patay na ang nga ilaw. At ang saming nagkalat na mga bote ng alak sa sahig at nakita ko naman na nakahiga sa sofa pinakagwapong nilalang na nakita ko. Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang aking asawa. Napaluha ako dahil sa nakikita ko. Matagal ng sinabi ni mommy na naging miserable daw sya pag-alis ko. Nang marinig ko yun parang gusto na agad liparin mula Canada hanggang Pinas pero nagtiis ako. Dahil kailangan.
Dahan dahan ko syang binuhat papunta sa kwarto namin. Buti na lang at hindi sya masyadong nagpabigat kundi baka nahulog na kami sa hagdan. Inihiga ko na sya sa kama. Gunawa ko na ang dapat gawin sa mga lasing. Matapos ko syang linisan na sya na atang pinakamahirap gawin ay naligo na rin ako at dumeretso na sa kwarto ko. Yes. Magkahiwalay talaga kami ng kwarto kaya nga I'm still a virgin.
Nang makahiga na ako sa kama ko. Naaalala ko lahat. Kung bakit ko kailangang umalis.
~Flashback~
Im an orphan. Inampon lang ako ng mag-asawang hindi magkaanak. Pero hindi ko inakala na ang aking ama amaan ay isang manloloko, magnanakaw. Biglang lumubog ang business namin dahil lahat ng business partner ni papa ay umalis nang malaman ang tunay na katauhan nito. Pero may tumulong sa amin. Ang mga dela Cruz. Pero may kapalit ang pagtulong nila at yun ay ipakasal ako sa kanilang anak. Pumayag ako dahil na rin sa kilala ko ang anak nila . At sya si Ace dela Cruz. Hindi nila alam pero may lihim na kaming relasyon bago pa kami ipagkasundo. Kaya sobrang saya namin nang malaman namin na kami pala ang ikakasal.
Sobrang saya namin ng ikasal kami.Pero isang araw habang papunta ako sa opisina nila may narinig akong mga bulungan.
"Sya ba yung asawa ni Mr. dela Cruz"
"Oo"
"Tsk kawawa naman si Mr . dela Cruz"
"Oo nga sa pagkakaalam ko manloloko daw ang tatay nyan kaya nga daw bumagsak ang kompanya nito. Kahit na tinulungan na ito ng mga dela Cruz ay wala na ring nangyari dahil na rin sa wala ng gustong maginvest dito"
"Tsk grabe pala siguro ganyan din sya. Naku baka makasira lang sya sa reputasyon ng mga dela Cruz"
Hindi ko na lang pinansin at umalis na lang. Hindi ko na lang siguro bibisitahin ang asawa ko.
Ilang araw kong pinag-isipan ang mga narinig ko. Kailangan mabago ang tingin nila sa akin. Sinabi ko iyun sa mga byenan ko at pumayag sila. Sabi pagaaralin daw nila ako.
Ngayong darating na Sabado na ang alis ko papuntang Canada. Pero hindi parin alam ng asawa ngayon ko lang rin sasabihin sa kanya. Papunta na ako sa opisina nya balak ko sana syang sopresahin pero mukang ako pa ang nasorpresa. Nakita ko syang hinahalikan ng sekretarya nya. Galit ako hindi sa asawa ko kundi sa malanding babaeng 'to.
Sinugod ko yung babae at pinagsasampal. Sinabunutan at tinadyakan. Tiningnan ko naman ang asawa ko."I hate you"
Umalis ako at hinabol naman nya ako. Pwede ko itong gawin na dahilan para umalis ako. Tama. Alam kong ang sama ko pero gagawin ko lang ito para sa reputasyon nya.
(Backread nyo po ang prolouge yun po ang susunod na nangyari)
After nang nangyari sa bahay. Dumeretso ako sa bahay ng byenan ko. At doon tinulungan nila akong makaalis agad. Sinabihan ko rin sila na wag sasabihin kay Ace ang lahat. Laking pasalamat ko pa rin na mabait sa akin ang mga byenan ko.
~end of flashback~
Yan ang dahilan kung bakit ako umalis. Tinulungan ako ng mga byenan ko na makapagsimula ulet. In a way na hinayaan nila ako sa gusto kong gawin pero nandyan sila para gabayan ako. Sila rin ang naging tenga at mata ko para sa asawa ko. Alam ko na naging depress sya. At nalululong sa alak. By that time parang gusto ko nang umuwi sa Pilipinas pero nagtiis ako.
Nag-aral ako sa Canada nang para sa business. Mabilis lang iyon para lang akong nagreview. Dahil iyon naman ang course ko nung college. Sa 2nd year ko sa Canada nakapagtayo na ako ng isang business. Mabilis ang pag-angat nito dahil na rin sa pangalan nila na nakakabit na sa akin. At ngayon ay pangalawa ang business ko sa pinakamataas sa buong mundo. Syempre ang pang-una ay ang sa asawa ko.
Ngayon may napatunayan na ako. Hindi na ako magiging masamang reputasyon sa asawa ko. Pero siguro hindi na rin ako makakapasok sa puso nya. Makatulog na nga.