Chapter 2

34 2 0
                                    

"Tapos nung pagkatapos ko siyang ihatid, Nagkiss kame pre..." pagmamalake ni Ryiel sakin.

Andito nga pala kami sa canteen, si Ryiel ay nagmamalaki ng kanyang mga experience sa babae at ako naman ay ipinapako ang tingin sa malayo.

"Ikaw, nakakiss kaba sa ex mo?" ani niya pagkatapos magyabang. 

"Gago, hindi no! Wag mo kong itulad sayo." saway ko sakanya. 

"Kung ako yun, nako naikama ko na si Ms.Santiago." sabay tawa niya. 

Juris Santiago, my first girlfriend and heartache. Hindi narin ako magtataka kung bakit ganoon nalang pagnasaan ni Yel si Juris. 

She is the Aphrodite of our school. Every maleness will surely be seduced by her curves and well endowed chest.

Pero kahit na she is a pleasure to our eyes hanggang doon nalang.... 

Hanggang mata at isip ni hindi na niyang magawang bumaon ulit sa puso ko...

The Juris I loved died year ago...

Although malaki ang lenteng nakapaharap sa kanyang mga mata, I loved her....

Although awful braces covered her teeth noong mga araw na iyon, I loved her....

Although "Style" is not put into the way she dressed.... I still loved her at my best.

*FLASHBACK*

I first met her nung unang pasukan ng 3rd year namin. Everyone was avoiding her siguro dahil narin sa personalidad niya at itsura...

Tinititigan ko lang siya habang nagtatanong sa mga estudyante sa hallway kung saan ba ang klase niya pero ni isa ay walang pumansin at sumagot sakanya. 

"Kuya." ani ng isang maliit na boses.

Nilingon ko ang boses at tumambag sakin ang babaeng weird na kanina pa pagala gala sa hallway. 

"Ayan." sabay tinuro ko ang room na nasa harapan ko. 

"Salamat po, salamat ng maraming." sabi niya ng may masiglang boses.

Nagulat ako ng biglang nagbago ang emosyon niya and she even tried to bow in front of me ng paulit ulit habang nagpapasalamat. 

Ang weird no?

"Okay, I'll be your adviser 3-Mangga" rinig kong sabi niya isang boses sa loob ng classroom kaya't pumasok na ako.

Umupo ako sa may bandang dulo na upuan tutal doon lang may bakante. 

Ng pag upo ko may pamilyar na boses na nagsalita..

"Kuya, ano pong pangalan niyo." 

Nilingon ko ulit yung katabi ko and It was the weird girl. Siguro kaya bakante itong upuan nato dahil walang gustong tumabi sakanya.

"Kaye, bakit?" ani ko dahil medyo naawa ako sakanya.

"Salamat kuya Kaye ha, dalawang beses mo na ako tinulungan." sabi niya ng may napaka inosenteng ngiti na halos mapunit na ang labi niya sa lawak nito.

"Just Kaye, leave the kuya" matipid kong sabi sakanya.

Ako lang ang naging kausap niya sa classroom maging sa labas. Hindi ako kilala sa school namin kaya't hindi rin ako nahihiyang makipag halubilo sakanya.

Beside the looks wala ng panget pa sakanya, she had a golden attitude na agad kong nagustuhan kaya't naging matalik kaming magkaibigan.

As time passes by, hindi ko namalayang unti-unti na din akong nahuhulog sakanya kaya't di kinalaunana'y pinaalam ko sakanya. 

That time, we are on a picnic sa park. 

"Juris, gusto kita" yan ang salitang namutawi sa aking mga labi habang nakahiga kami sa nakalatag na tela.

Alam mo yung feeling na hindi mo alam kung kakabahan ka sa sagot niya or matutuwa? 
Hindi kilalang emosyon ang bumalot sa personalidad ko ng mga oras na iyon.

"Kaye?" narinig kong boses niya. 

Nilingon ko siya habang nakahiga kami at nakita ko siyang nakatitig sa mismong mata ko. 

Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang naka ukit sa kanyang mga mata.. 

"Gusto din kita." 

Nung mga panahon na iyon, tumatalon at galak na galak ang puso ko sa mga binitawan niyang salita. 

Ang mga buwan at araw ay lumipas na parang segundo nung kami ay magkasama....

Sa mga panahon din na ito natutunan niyang manamit at mag ayos kaya't lumabas tunay na kagandahan niya... 

Hindi rin nagtagal, nakilala siya sa aming paaralan at simula noon ang rosas ng aming relasyon ay tila unti unting nalanta...

Nung una'y hindi ako nagdadalawang isip ipaglaban at isalba ang relasyon namin, pero kinalaunana'y nalaman ko na wala na pala akong pinaglalaban ng malaman ko na ang puso niya ay hindi ko na pag aari.

~~~~~~~~~~~END NG FLASHBACK~~~~~~~~~~~

"Psstttt." tawag ni ryiel "bat ka nakatanga ka dyan? siguro iniisip mo si Juris no?" dagdag niya ng may pang asar na tono. 

"Tssss, Moved on nako pre" pag kontra ko sakanya..

"Sus, dahil ba dun sa mystery girl kaya mo nasasabi yan?" ani niya "baka naman inlove ka na dun." sabay tawa. 

What the hell, ako inlove doon? I'd rather die than to get another broken heart.

Tumayo ako at kinuha ang bote ng tubig at wari'y aalis na.

"Pre, ayoko ng masaktan ulit." yan nalang ang nasabi ko kay Ryiel bago ako umalis ng canteen.

Sa madaling sabi, hindi pa ako ulit handang magmahal. 

Pero alam mo ba talaga kung kaylan ka na handa ulit?

Ng sumapit ang uwian, habang palabas ako ng gate nakita ko ang isang pamilyar na mukha...

"Abbey?" bulong ko sa sarili ko . 

"Hi Kaye" bungad niya saakin ng may inosenteng ngiti . 

Agad ko siyang hinatak papalayo bago pa siya makita ni Ryiel at ng kanyang ina ng guro sa paaralan na ito.

"Te...tekaaa!" sabay piglas niya. 

"Baka makita tayo ng nanay mo." bulong ko sakanya habang inaabot ang braso niya ulit.

"Eh ano naman? Normal lang naman na kausapin ng manliligaw ang kanyang nililigawan diba?" sabi niya sabay nguso.

Halos mabingi ako sa sinabi niya .... whatttt?! MANLILIGAW?!!!

"Hayaan mo na, sanay nanaman si mama na may manliligaw ako." dagdag pa niya ng may kasamang ngiti.

Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito?! Manliligaw? Ako? SAKANYA?!!!

Halos magkabuhol buhol ang utak ko kakaisip kung may nasabi ba ako sakanyan manliligaw ako....

"Masyado ka ng ilusyunada. Umuwi kana." Sinabi ko ng mariin na tono.

"Ganyan ba ang manliligaw? Bahala ka hindi kita sasagutin." asar niya...

Konti nalang......paglalamayan na to.

"Manliligaw? Teka teka, wala akong gusto sayo at hinding hindi magkakaroon okay?" sinabi ko ng may mas mariin pa na teno at bahagya kong inilapit sakanya ang mukha ko.

Tinitigan ko siya ng masama sa pagnanais na putulin na ang pagbibiro niya na ito...

"Hindi kita type. okay?" halos bulong na lamang ang nasabi ko dahil sa sobrang lapit ko sakanya...

Umatras ang kanyang mga paa at hindi maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa takot. 

Napangiti ako ng bahagya dahil nakikita kong namumula na ang kanyang mukha dahil sa ginawa ko. 

Suddenly.......

She kissed me with her eyes close



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A 21st Century Love StoryWhere stories live. Discover now