Intro

59 4 1
                                    

"L-O-V-E" 

Iyan ang nakasulat sa malaking kwadrado naming whiteboard. 

"What is love" mahinahong sabi ng aking guro sabay sandal sa lamesa. 

Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig?

"Love is blind" rinig kong sabi ng aking katabi, "Love is Tender" rinig kong sabi naman ng aking kaklase mula sa likuran. 

Habang nagbibigay ang mga kaklase ko ng kani kanilang sagot, ito ako diving my ocean of imagination. 

Namulat ako sa panahon na maraming kahulugan ang pag ibig. Isa na sa mga dahilan kaya't madami itong kahulugan ay iba iba tayo ng dinaranas. All love story was written uniquely. 

Nagflashback lahat ng memories ko when I was with my first love. Hindi ko maitatangging napakasaya ng mga araw na iyon, yung ligayang ni hindi mo maipaliwanag, ligayang walang mapagsidlan. 

Pero tulad nga ng karamihan na kwentong pag-ibig, she suddenly become a heartache. 

Atleast we had a formal break up, klaro na hindi na pwedeng ipagpatuloy ang laro pag ayaw na ng isa.  Enough reason to let her go.

"Kaye?" 

I suddenly went back sa present ng tawagin ako ng aking guro.

"What is love?" ani niya.

"Madaming maaring depinisyon ang pag-ibig sir, depende sa ating sitwasyon. Maaring masasabi kong matamis dahil may nagmamahal sakin at pwede ko ding sabihin na mapait dahil iyon ang naranasan ko. Love is just a variety of chocolates in a box." pagdeklara ko sabay upo. 

"Tom Hanks?" narinig kong sabi ng aming guro sabay ngisi. 

The whole day was just definetly a normal day, I'm not the person na busy sa pag aaral, hindi rin ako yung lalaking into sports. Ripped muscles? Brushed Up Hair? Cool Piercings? Definitely not me. I'm just a guy with an eyeglass and a guitar to kill time. I'm just not into those things, di ako sunod sa uso. I like yung dating pormahan at music, mostly ang mga alam ko na kanta is from the well-known filipino bands like Parokya, EHeads, Kamikazee, Siakol and etc..... 

Siguro ito din yung rason kung bakit nagsawa sakin si Kim.

"Pre!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Tagal mo, Nanchicks ka nanaman siguro no?" ani ko sabay pasok ng gitara sa case. 

"Pre, Hindi na bago yun. Tara samahan mo ko, may kikitain ako" sabi ni Ryiel sabay tapik sa balikat ko. 

"Ikaw magbuhat nitong gitara ha." sabay abot ng case sakanya. 

Pumunta kami sa isang kainan na medyo malayo sa school namin. Siguro may bago nanamang chix to si Ryiel kaya andito. 

Kung meron lang akong kasama sa bahay edi sana wala ako dito. Mag isa nalang kasi ako sa buhay, not totally mag isa. Meron pa kong tatay pero may nag asawa na siya pagkatapos mamatay ni mama sa isang aksidente. I'm living in an apartment, hindi kame mayaman kaya hindi uso ang condo. Ang tatay ko is a Manager sa isang malaking kompanya abroad. Although malaki ang sweldo niya, sila lang ang mayaman. He just give me money para mabuhay mag isa. In return hindi ko na siya pwedeng lapitan or i-contact dahil baka malaman ng pamilya niya na may anak siya sa ibang babae. 

It is a sad story isn't it? Well, ganyan talaga ang buhay, UNFAIR. Imbis na magkubli ako sa isang gilid I decided na dapat magcope up ako sa sitwasyon and make the best out of it. 

Dahilan para maging close ko si Ryiel, siya lang ang kaibigan ko. Kababata ko siya at malapit ako sa pamilya niya. Halos ampunin na nga ako ng pamilya niya pero nahihiya lang ako kaya't ilang beses na ako tumanggi kahit ilang beses nadin sila nagmupilit.

"Babe!" rinig kong tawag ng isang babae na patungo sa inuupuan namin.

The girl smiled ng nilingon siya ni Ryiel, so maybe eto yung date niya ngayon. 

"Yel, Una na ko." ani ko sakanya sabay kuha ng bag ko at gitara. Tumungo lang siya habang kausap ang babae.

Tuluyan na kong umalis at sumakay ng bus. Sinukbit ko ang earphones ko para malibang ang sarili sa byahe.

"Kuya" rinig kong sabi ng isang babae na nakatayo sa harap ko. 

"Yes po?" tugon ko. 

"Pwede po bang tumabi, yung gitara niyo po kase nakaharang" sabay turo sa gitara ko.

Agad agad kong inalis ang gitara at nilagay sa harapan ko. "Sorry po" paumanhin ko sabay kamot sa ulo. 

Ngumisi lang siya at kasabay nun I scanned her body. Maputi siya, singkit, maliit pero ang the way she act makes me stop my scanning. May arte sa salita niya at pilit ang pagiging mahinhin niya. Teka! bakit ba ako nag iisip ng ganito sa babaeng katabi ko. 

With that realization, binaling ko ang sarili ko sa tugtog na namumuo saking tenga. 

I clicked yung button ng lockscreen para ibahin yung kanta . Habang nagbrobrowse ako ng kanta someone reached out her phone sa harapan ko.

"May taste ka sa music." yan ang nakasulat sa memo ng cp niya. 

Nilingon ko ang babaeng singkit na to at ngumisi lang siya sakin. Probably ng lalandi lang to, maybe bored. Kaya sinakyan ko na siya.

Nagsulat din ako sa memo ko at pinabasa sakanya.

"Taste? Ano alam mo sa taste? E sa pormahan mo palang e modern pop na ang genre mo"  

Ngumisi lang siya ng mabasa niya iyon at nagsimulang magsulat ulit . 

"Looks can be deceiving" 

Napabuga ako ng hangin sa ilong ko at napangiti. 

"Are you in a band or what?" ani niya sakin. 

"Nope, Masyadong magaling para mapasali sa banda" pang-uyam na sagot ko sakanya. 

Napangisi siya at tila may sasabihin. Pinutol ko ito dahil baba na ko. 

"Paano ba yan bababa nako." sabi ko sakanya at nagulat ako ng tumayo siya at tila bababa rin. 

"Paano ba yan ako rin" rinig kong sabi niya habang pababa. 

Pagbaba namin hinila niya agad ako sa park ng bara bara. 

"Ano titigan nalang natin yang gitara mo?" sabay niya sabay turo sa gitara kong nasa gilid ng bench.

Alas otso na ng gabi at nakaupo ako sa park kasama ang babaeng kakakilala ko lang sa bus. The hell am I doing?! 

Kinuha ko ang gitara ko bilang pag tupad sa sinabi niya, lahat ng ginagawa ko ay para lang sakyan siya sakanyang trip kase halata naman na nilalandi lang ako ng babaeng ito.  So why not go with the flow? 

"Ano ba alam mo na kanta?" tanong ko sakanya habang tinotono ang gitara ko. 

"Kisapmata" mabilis niyang sabi at nagulat ako dahil nag iba ang timpla ng emosyon sa paligid niya. She released a worried aura, a lonely one. 

Hindi ko maitatanggi na maganda ang boses niya. Sa bawat linya ng kanyang pag kanta ay tila ba na may gusto siyang iparating. Is this girl broken?

Maybe hindi, pakintao lang siguro. A girl like her would never take LOVE seriously. 

Buong kanta nakapikit lang siya, tinitignan ko siya habang nag gigitara. 

"Buti pa ang mata naipipikit pero ang puso hindi naisasarado" walang malay kong nasabi sakanya.

Kitang kita ko na nangingilid na ang luha niya sa gilid ng kanyang mga mata kaya naman kumanta nalang ako para mabago ang tema ng emosyon sa paligid namin. 

Lift your head, baby don't be scared......




A 21st Century Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora