Dahan-dahan siyang umalis sa pagkaka-patong sa akin at ini-unan niya ang aking ulo sa kanyang braso. Pareho pa kaming medyo naghahabol ng hininga. Kakatapos lamang naming pagsaluhan ang napaka-tamis naming pag-iibigan. Nagkasalubong ang aming mga paningin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at halik sa noo, pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you so much, Kallie" madamdaming saad niya sa akin habang hinahawi niya ang ilang takas na buhok kong nakaharang sa aking mukha. Napangiti ako, masyadong korning pakinggan, pero kahit ilang beses ko na itong naririnig sa kanya ay kinikilig pa rin ako.
"I love you Lawrence, so damn much... always remember that" sabi ko sa kanya. Naninikip ang dibdib ko. Mahal na mahal ko siya, pero alam kong hindi ako pwede para sa kanya. He deserves every good thing in this world, and that does not include me.
"Opo,Hindi ko yan makakalimutan. Nakakatatak na po sa puso't isipan ko kung gano mo ako kamahal at kung gaano ka kasarap-. Aray!" sabi niya dahil hinampas ko siya. He's ruining the moment. Tama bang pag-usapan namin ang ginawa namin kanina? Tinatawanan niya ako habang ako naman ay sinasamaan na siya ng tingin. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking mga pisngi. This wasn't the first time that we made love, but I still feel shy what comes after, lalo pa't tinutukso niya ako gaya ng ngayon.
"But seriously Kallie baby, I will marry you after you graduate. I'd let you wear your wedding dress under your toga, para pagkatapos ng graduation ay diretso ka na ng simbahan." Sabi pa niya habang hinahalikan niya ang balikat ko. Tinawanan ko siya.
"Lawrence, kasal agad? Wala man lang bang proposal?" natatawang sabi ko sa kanya. Huminto siya sa paghalik sa balikat ko at tumayo. Hinila niya rin ako para umupo. Agad kong kinuha ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan. Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Naka hubad nyang tinungo ang kanyang drawer sa tabi ng kanyang cabinet. Kitang-kita ko ang makisig niyang pangangatawan at ang kanyang ipinagmamalaki. Hindi ko Makita kung ano ang kanyang kinuha roon pero nang makalapit siya sa kama ay bigla siyang lumuhod.
"It's 1:18 am, August 29. I Lawrence La Guarja offer my whole naked body-" tinaas baba pa nito ang kilay niya saka ako nginisian ng nakakaloko. "My mind, my heart, my soul and this ring to my beautiful Kallie. I love you baby. Please take this ring and marry me after you graduate. " Nakangiti niyang sambit sa akin habang nakalahad ang singsing sa kanyang palad. Ang kanyang mga mata ay nangingislap at puno ng pag-asa.
Kinuha ko ang singsing at dinamba siya ng mahigpit kong yakap.
"Yes! I love you Lawrence" I whispered as tears run down my face.
"I can't wait to spend my life with you. I can't wait to be a father to our future babies... Isang basketball team ha baby? At isang prinsesa" natatawang sabi nito habang yakap yakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako, at muli naming pinagsaluhan ang matamis naming pagmamahalan.
He's so happy tonight... it breaks my heart.
After 5 years...
"Kallie..." tawag ng pansin sa akin ng kaibigan kong si Gerald. Nilingon ko siya at nginitian pagkatapos ay ibinalik ko ang paningin ko sa two-year old na anak niyang naglalaro sa damuhan. Sabado ngayon at nakasanayan ko nang makipag-bonding sa kanilang mag-ama tuwing Sabado. Gerald is already a single dad, namatay ang asawa nito noong ipinanganak si Ashleigh.
"Bakit Ge?" tanong ko ng hindi siya nililingon. Kinuha ko ang isang lampin at lumapit kay Ash upang punasan ang likod nito.
"You'll be a great mommy someday." sabi niya sakin. He always say that, lalo na tuwing kasama ko sila ni Ash. But me, a great mom? I doubt. Because how can I be a great mom, if... I sighed mentally. I shouldn't think about this thing.