3rd String

0 0 0
                                    

"No worries..."

Sabi nila, pwede mo daw maging kaaway or kakampi ang tadhana. Pero parang ngayon, kakampi ko sya tapos sinamahan pa ni Bro. United sila. And I think, this is the first memorable day of my second curriculum year which was done on the first day of classes!

OMG! I'm going to mark it on my calendar, write it on my diary, compose a song about it and treasure it in my memory. I'll also celebrate it during first days of every curriculum year. I'm so glad to bump onto him.

Yung feeling na parang nag slow motion ang paligid tapos wala kang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso mo at wala ka ring ibang nakikita kundi kayo lang dalawa?

Kaya lang narealize ko na late na ko kaya ayun derecho na kami sa room.

Anong kami? Syempre kami ni Babe. Remember? Nagpumilit syang samahan ako para ipaliwanag sa adviser ko kung bakit ako na-late?

Kahit late na ko nun, di ko naman magawang tumakbo. Hello? Pano naman ako makakatakbo kung kasabay ko si Kuya Nathan? I want to enjoy the moment with him.

/Classroom/

Nandito kame ngayon ni Kuya Nathan sa harap ng pinto ng classroom ko. Di ko nga alam kung pano ko nakayanang umabot dito nang di ako nagcocollapse. Ramdam ko kasi ang panginginig ng tuhod ko habang kasabay ko syang naglalakad. Tapos nakakainis pa tong puso ko, ang lakas at ang bilis talaga ng tibok kapag lilingon sya sa akin at ngingiti after niyang sabihin na 'Ako nang bahala'.

Paglingon ko sa loob ng room ko, nakita kong nag-iintroduce na yung mga classmates ko. Napalingon ako kina Jade, Snow at Claire na nakatingin na pala sa'min ni Kuya Nathan at basang basa ko sa mga mata at ngiti nila na kinikilig sila. Paking tape! Nahahawa ako. Enebe!

Landi mo Lily! Tsk tsk. Wala kang pake okay? Tss.

Natanggal ang tingin ko sa kanila nang biglang nagsalita ni Ms. Rodriguez. Nakalapit na pala siya sa'min.

"Ms. Ortega? Mr. Sandoval? What are you doing here? Do you belong in this class?", tanong ni Ms. Rodriguez.

Bakit kami nakilala agad ni Ms. Rodriguez? Medyo popular kasi kami sa school. Medyo lang naman. Ako lang naman ang vocalist ng bandang nagrerepresent sa school namin at si Kuya Nathan naman, bukod sa avid supporter namin, siya din ang acting manager namin tapos top 1 pa sya lagi sa lahat ng academic class. Pano namang hindi kami kilala di ba? Kaya pag may kalokohan kami, ayun, bali-balita sa school. Okay. Balik lay Ms. Rodriguez.

"Miss, hindi po ako dito sa section na 'to. Hinatid ko lang po si Lily dito. Pero gusto ko lang po humingi ng sorry dahil late sya", sabi ni Kuya Nathan ko.

"And why are you apologizing in Lily's behalf?", tanong ulit ni Ms. Rodriguez na may halong pagtataka.

"Kase po Ma'am-----" di ko na natuloy ang sasabihin nang magsalita ulit si Kuya Nathan. Hilig talaga nito magputol ng sasabihin ko. Haha. Sana wag niyang putulin ang string na nagdudugtong sa puso namen. Konek???

"Because I accidentally bump into her. Napaupo po sya sa lupa at nagkalat po yung mga gamit niya. Kung di ko po siya nabangga, hindi po kakalat ang gamit nya at hindi po sya malelate. So, it was my fault. I'm sorry Miss. Ako na lang po ang bigyan niyo ng punishment, wag na po si Lily", tuloy-tuloy na pagpapaliwanag naman ni Kuya Nathan.

Oxygen please!!? Speechless ako dun ah? Pero kinilig ako! Promise! 'Ako na lang po ang bigyan niyo ng punishment, wag po si Lily.' Oh-em!!! I love you na talaga Kuya Nathan! Pero sumabat ako...

"Miss, ako na lang po parusahan niyo. Kung maaga naman po ako pumasok, hindi po mangyayari yun. Sorry po", sabi ko. At nagdebate lang kame ni Kuya Nathan sa kung sinong paparusahan. In the end....

"Okay, okay! Stop debating, okay? Mr. Sandoval, you can now go to your room. Ms. Ortega, okay, I will accept your apology but please make sure that you'll not be late anymore. Understand?", sabi ni Ms. Rodriguez na kinasaya naman namin ni Kuya Nathan.

"Thank you po Ms. Rodriguez!", we said in unison. At pumasok na si Ms. Rodriguez sa room namin.

Humarap ako kay Kuya Nathan. Napakasaya ko at di ko namalayan na napayakap na pala ako sa kanya. Nang marealize ko yun, napalaki ang mata ko at biglang napabitaw sa kanya. Napa-Ayiiiiieee pa yung mga loko loko kong classmate na pinangungunahan ng tatlo kong mababait na kaibigan. Tsansing ka Lily! Nakakailan ka na ah?

"Uhmm. So-sorry. But thank you Kuya!!!", sabi ko habang nakatungo at pinagdidikit ang dalawang index finger ko. Awkward eh!

"No worries. Basta ikaw! Malakas ka saken eh!", ginulo niya ang buhok ko at napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya.

WARNING WARNING!! Bawal ngumiti, nakamamatay!! OMO! Kung nakakamatay siguro ang ngiti niya, kanina pa ko pinaglalamayan dito. Gosh!!! Oyy heart, andyan ka pa ba sa ribs ko?

Umalis na si Kuya Nathan at pumasok na ko sa room namin. Pagkaupo ko sa tabi ni Jade, ibang ngiti ang sinalubong niya saken. Shemay! San kaya ako magtatago mamayang lunch time? Sigurado akong sasabunin ako nitong mga to ng walang banlawan! But anyway, walang makakapigil sa saya at kilig ko. Walang magagawa ang Pabebe Girls saken! Hahahaha. XD

-

Labyu guys. Sana may kabuluhan tong update ko. Hahaha. Thank you for reading!!! :D

- Ms. Oh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon