PROLOGUE

132 0 0
                                    

Ayaw huminto ng paa niya sa kakatakbo . Di na niya nga alam kung nasan na ba siya, o kung sinu-sino na ang nabangga niya .

Ang alam niya lang kailangan na niyang makatakas,

hindi kahit na kanino pa man,

kundi sa katotohanan .

Matapang siya, Oo . Pero heto siya ngayon at hindi alam ang patutunguhan .

Blag .

Natisod siya ng puno .

wow ang ganda, dun pa talaga nito naisipang itanim ang sarili .

Teka,

patak

patak

patak

patak

patak

ng luha niya . Pero di na halata yun kasi bumuhos na din ang malamig na ulan . Halos wala na siyang makita, kaya tinanggal na niya muna ang salaming niya .

Makailang pilit niyang itinayo ang sarili, pero mukhang yung paa niyang kaninang napatid, na ang sumusuko . Pati ang puso niya wala na rin yatang planong bumangon .

Dapit hapon pa lang pero ang dilim dilim na agad, gawa na siguro ng panahon . Tumingala siya, at sinalo ang patak ng ulan at manaka-naka niya pang sinubukang tumayo .

Napaisip siya, bakit ? ano ba ngagawa niyang mali para yung pinakamamahal niyang babae ganunin siya ?

may papalapit ng mga yabag, pilit niya itong inaaninag

" di ko ma-makita " bulalas niya

naalala niya, wala nga pala siyang suot na salamin

at tuluyan na siyang nawalan ng malay .

Boss Vs. BessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon