> Rock music playing <
" hmn, " naalimpungatang sabi ni Renz .
Napabangon na lang siya ng mas lalo pang lumakas ang tugtog . That destructive noise ! Di magpatulog, sumilip siya sa kurtina na nagsisilbing pagitan lang nila ng ka-room niya .
Tama, ang kurtina . Ang nagbigay sa kanya ng kahit konting privacy .
Ang nagligtas sa kanya, mula sa maingay niyang kasama .
Kahit papano ?
" Glenne , pakihinaan naman oh "
bumubulong na pakiusap niya rito.
" Yeah, make it roll ! Make it, make it roll Yeah
yeah " nagwawalang sinasabayan pa nito ang tugtog , habang naghe-headbang at may hawak na walis ?
" Glenne ! " malakas na tawag ni Renz rito, pero pabulong pa rin .
Makalimang beses pa niyang inulit-ulit ang pagtawag rito bago pa nito napansin na andun siya .
" oh, bakit nanaman ? "
Naiiritang tanong nito
Teka lang, ngayon niya lang ito tinawag ah .
" p-pwede paki, ano yung ano kasi " at tinuro niya na lang yung naglalakihang speakers nito .
Glenne shot him a glare . Alright talo-talo na .
" Mind your own business bro ! Magpatugtog ka din kung gusto mo . Pakialamero " at pinihit pa nito ang volume .
Worst kulang na lang mabasag na ang mga bintana at lahat ng bagay na gawa sa salamin .
GLENNE
His one and only roommate . He dont know anything about him , even his sir name . Except his a die hard fan of international rock bands . Punong-puno kasi ang dingding nito ng iba't-ibang posters and stickers . Hindi niya lang alam kung pumapasok pa ito .
" ah ei, sabi ko nga "
At bumalik na lang siya sa pagkakahiga niya .
Kung bakit nakakayanan niya pang manatili sa masikip, magulo at crowded na boarding house kung san siya naroon ngayon ? Kahit pati landlady kinurakot na siya sa renta, di niya pa ding magawang umalis sa bahay na iyon ? Well Convenient naman kasi ei, in some way
kasi malapit.
Saan ?
Sa kanya . Sa bahay ng prinsesa niya . Kinda weird right ? Ganun talaga ei . Para kahit tuwing umaga lang masulyapan niya ito, buong-buo na ang araw niya .
Kamustahin naman natin layo nun sa skul .
Pag commute 'daw ' tatlong sakay . Basta yun na yun.
Sumulyap siya sa alarm clock niya,
2:00 AM
Alright . Di na talaga siya makakatulog, nagtakip na lang siya ng unan sa mukha . How he wish na umaga na . Sana,
" H-hi Daniella ... "
nauutal na bati ni Renz
" Ahm, kanina ka pa ba? "
" Ah. Hindi naman . A-ayos lang "
" Alright . I thought napaghintay kasi kita "
Pero ang totoo, hindi lang siya kanina pa andun . Kagabi pa siya halos naghihintay . Inugat na nga siya . At hindi niya alam kung may alzheimers ba ito . They talked about meeting each other after lunch pero heto siya ngayon its past 3 ! Sino kayang hibang ang magsasabi na he didnt wait ?
BINABASA MO ANG
Boss Vs. Bess
Non-FictionRenz ( the nerd/ multi-millionaire company heredero ) was devastated, frustrated and disappointed . Dahil sa milyun-milyong nabo-broken hearted sa buong mundo napakaswerte naman niya talaga at napabilang siya rito . He was inlove with Dani...