Ayaw huminto ng paa niya sa kakatakbo . Di na niya nga alam kung nasan na ba siya, o kung sinu-sino na ang nabangga niya .
Ang alam niya lang kailangan na niyang makatakas,
hindi kahit na kanino pa man,
kundi sa katotohanan .
Matapang siya, Oo . Pero heto siya ngayon at hindi alam ang patutunguhan .
Blag .
Natisod siya ng puno .
wow ang ganda, dun pa talaga nito naisipang itanim ang sarili .
Teka,
patak
patak
patak
patak
patak
ng luha niya . Pero di na halata yun kasi bumuhos na din ang malamig na ulan . Halos wala na siyang makita, kaya tinanggal na niya muna ang salaming niya .
Makailang pilit niyang itinayo ang sarili, pero mukhang yung paa niyang kaninang napatid, na ang sumusuko . Pati ang puso niya wala na rin yatang planong bumangon .
Dapit hapon pa lang pero ang dilim dilim na agad, gawa na siguro ng panahon . Tumingala siya, at sinalo ang patak ng ulan at manaka-naka niya pang sinubukang tumayo .
Napaisip siya, bakit ? ano ba ngagawa niyang mali para yung pinakamamahal niyang babae ganunin siya ?
may papalapit ng mga yabag, pilit niya itong inaaninag
" di ko ma-makita " bulalas niya
naalala niya, wala nga pala siyang suot na salamin
at tuluyan na siyang nawalan ng malay .
BINABASA MO ANG
Boss Vs. Bess
Non-FictionRenz ( the nerd/ multi-millionaire company heredero ) was devastated, frustrated and disappointed . Dahil sa milyun-milyong nabo-broken hearted sa buong mundo napakaswerte naman niya talaga at napabilang siya rito . He was inlove with Dani...