Nica's POV
Nagising ako.
Ang liwanag na. 5:40 am
Tinignan ko cellphone ko kasi nag-alarm.
"Oo nga pala! Ngayon nga pala yun." Sabi ko.
"Ang alin?" Maxene
Lumapit ako kay Maxene.
Alam niyo kahit maarte si Maxene mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.
"Ngayon yung surprise ni Marc para kay Maxene. Tulong ka?"
Si Kim tulog mantika yan. Kahit anong ingay hindi yan magigising.
"Oo sige tutulong ako!! I like that hahaha" Maxene
Ngumiti ako.
Pupuntahan ko na si Marc. Pero dadaan muna ako kay Drex haha! Lam na.
"Hoy baboy! Gising! Ayoko ng tulog mantika!" Sigaw ko kay drexler nung nakapasok na ako sa kwarto nila.
"Ha! Antok pa ko. Maya na please. Aga pa oh huhuhuh" Drexler
"Ay nako! Babalik ako pag balik ko pag ikaw hindi pa bumangon pipingutin ko tenga mo!!!!!!" Ang tamad ng nilalang na to.
Kailangan na namin mag-prepare para sa surprise.
At sumagot pa si Drexler.
"Yes mam! Babangon na pag balik mo" ngumiti pa ang baboy na to.
Hindi mataba si drexler trip ko lang tawagin siyang ganun.
"Tse! Baboy!" Ganyan ako mag-mahal.
Binalinag ko yung door pagkalabas ko.
Hinanap ko si Marc.
Baka nasa baba siya. Si Kevin naman tulog pa din.
Habang hinahanap ko siya.. Nakita ko si Maxene nasa sala.
"Maxene? Nakita mo ba si Marc? Kanina ko pa siya hinahanap." Tanong ko kay Maxene.
6:06 na
Masyado akong excited para sa mangyayari eh.
Narinig ko may bumusina sa labas. Sumilip ako sa bintana.
Pink na kotse. Si Marc!!!!!!!
Sinalubong ko siya sa gate.
"Oy Marc. Diba ngayon yung surprise?" Tanong ko sakanya.
"Oo nga. Ngayon yun. Kinakabahan nga ako eh." Sagot niya.
"San kaba galing????" Tanong ko sakanya.
Nasa sala na kami. Nandun pa din si Maxene. Kumakain ng halo-halo??! Aga-aga.
"Galing ako sa flower shop. Dumaan na din ako sa Simbahan." Marc
"Ayy hindi mo ako sinama sa flower shop. -___-" sabi ko.
"Pink lang naman ang gusto ni Kim. Kaya ko na 'yun." Marc
"Hmppff!" Kabadtrip. Gusto ko din bumili ng flower sa sarili ko eh.
Ahahaha forever alone ang peg ko.
"Magpreprepare ako ng breakfast ni Kim. Then dadalhin ko sa room niyo." Marc
"Tutulong ako!" Sigaw ko
"Ako rin!!" Maxene
"Oh tara na! Time is gold. Hahaha!" Marc
Nagluluto si Marc ng omelet.
Ako gumagawa ng strawberry shake. With love. Hahaha
Si Maxene inaayos yung flowers.
Pink, white at red binili ni Marc na roses. Ang sweet.
Kung bibigyan ka ng ganitong surprise parang pwede ka na mamatay e.
Hahahaha
9:28 na
Hindi pa kami kumakain.
"Natapos din." Sabi ko
"Ang ganda!!!!!" Maxene
Biglang may bumaba.
Si Kevin pala.
"Good Morning babe!" Maxene
Nag Good morning din si Kevin sakanya at sa amin.
"Oh huwag mo sabihing tulog pa si Drexler?" Ako
"Eh tulog pa." Kevin
Walanghiya!!! Nauna pa sakanya si Kevin.
"Teka ha. Mababatukan ko talaga yun eh." Ako
Pagkapasok ko ng kwarto nila..
"Ano baaaaa!!!!" Piningot ko yung tenga niya
"Araaaaaaaaaaayyy!!" Drexler
"Bangon!!" Ako
"Oo na. Eto na oh."
"Hinahighblood mo ko eh."
"Sorry na mahal."
"Sorry mo mukha mo." Pero kinilig ako hahaha :">
Ang pbb teens neto. Hindi pa kami niyan ha.
Hard to get ako noh!
Inakbayan niya ako.
"Hoy hands off!" Ako
"Sunget ah!" Sagot niya at tinaggal na
"Bwiset!"
Nakasalubong namin si Marc.
"Oh wow pre! Breakfast on bed!" Drexler
"Oo breakfast on bed! Tanga ka talaga noh!" Ako
Ngumiti lang si Marc.
Bumaba na kami ni Drexler.
Magbreakfast na kami.
"Oh mga lalaking inosente. Mamaya may surprise si Marc para kay Kim." Ako
"Dun sa may garden. Kailangan namin kayo dun." Maxene
"Drexler, ikaw ang waiter! Bwahaha!" Ako
"Ay ganun hahahaha!!! Swerte ko naman!" Drexler
"Ikaw naman babe, mag gigitara ka. Kakanta si Marc." Sabi ni Maxene kay Kevin
"Waaah pati ako? Sige na nga." Kevin
Bumaba na si Marc. Iniwan niya dun yung breakfast.
Nakaalarm naman si bes ng 9:50am eh hahahaha
Malapit na yun magising :)
"Pre, anong kanta gusto mo?" Tanong ni Kevin kay Marc
"Kain na pre!" Drexler
"Harana pre at Ako'y sayo at ika'y akin. Salamat pre ah."
-----