Ako nga pala si Elaine Montador
17 years old, kasalukuyang nasa 4th year high school graduating na akoWala akong tatay
Nanay lang meron ako, simula nung bata ako hanggang ngayun hindi ko pa nakikilala yung tatay koSabi ni Nanay binuntis lang daw siya nung 2 years niyang boyfriend tapos hindi na daw nagpakita,kahit contact wala siya
Mahal na mahal ko yung Nanay ko kasi kahit magisa lang siya nun at kahit wala siyang katuwang sa buhay
Magisa niya akong binuhay at
Nagisa lang din niyang hinaharap ang hirap nuon sa pagbubuntis sakinKasalukuyan akong nandito sa room at magisa lang ako
Lahat ng classmate ko nasa labas
Wala kasi kaming teacher absent dawAko lang naiwan dito magisa kasi wala namang ako nung matatawag mo na KAIBIGAN
Simula nung 1st year ako LONER na talaga ako,ewan ko ba kung bakit walang gustong makipagkaibigan sakin
"OH MY GOSH GIRL ANG POGI POGI NIYA TALAGA !!!!"
Sigaw nung malanding estudyante sa labas ng room
Hindi ako makapag concentrate sa binabasa ko ang ingay kasi nung bunganga ehh
"ano girl maayos ba yung buhok ko ?"
Tanong niyaSiguro may kasama siyang isa pang maladi
"oo girl ako mapula na ba yung labi ko?"tanong nung kasama niya
Na halata namang pigil ang pagtili niya
"AHHH !!! Anjan na siya!!!!"
Sigaw nung isa pang babae
PAKSHET NAMAN OHH ANG INGAY INGAY HINDI BA NILA ALAM NA NAKAKAISTORBO SILA?
Hindi ko naman sila pwedeng sawayin kasi may mga barkada yan dito for sure papaabangan ako niyan
"anja na si Adrian Villamor"sabi naman nung bakla
Teka,si Adrian ba kamo?
Shet yun yung crush ko ehhCrush ko simula 1st year hanggang ngayung 4th year na ako
At sa loob ng apat na taon na yun kahit kelan hindi ako nagkaron ng lakas ng loob na magtapat sa kaniya
Kasi natatakot ako na baka balewalain lang niya mas masakit yun at ayoko rin namang mapahiya no
Mas maganda na tong minamahal ko siya ng palihim at sino ba naman akopara magustuhan niya? Isa lang naman ako ditong Ms.Nobody
Habang nagtitilian sila sa labas ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa sa phone ko ng 'The girl who doesn't believe in love' ni Memae
Habang nagbabasa ako
Naramdaman kong parang may nakatingin sakinKaya sinundan ko yung pakiramdam ko kung saan nanggagaling yung mga tingin sakin
At di sinasadyang napatingin ako sa pinto at
Wait lang...
Nakatingin siya sakin
Pero bakit naman niya ako titignan?'bakit ganito yung nararamdaman ko parang kinikilig ako?'
'pero mali hindi ko dapat to maramdaman dahil alam ko masasaktan lang din ako at ayokong umasa sa wala'
Nalungkot ako sa naisip ko na hindi ako pwedeng umasa dahil masasaktan lang din naman ako
Maya maya pa ehh nagsibalikan na yung mga kaklase ko na halata mo sa mukha nilang kinikilig parin
Oh well kung ako nasa sitwasyon nila kikiligin din naman siguro ako
Maya maya ay dumating na ang teacher namin sa English
Mabilis natapos ang oras at naguwian na kami, nagpahuli akong lumabas dahil ayokong makipagsiksikan sa kanila
Habang pauwi na ako napatigil sa sa tulay na dinadaanan ko pag umuuwi
"ang ganda talaga dito"
Basabi ko sa sarili ko ng mahina at napangit
Isa siya tulay na nagdurugsong sa kabilang daan kasi river to ehh nilagyan ng tulay para makadaan ang tao
Sa totoo lang meron siyang daan pababa at sa ilalim ng tulay na to pwede kang pumunta dun
Pero kahit kelan hindi pa ako pumupunta dun bakit?kasi ayoko
Hahaha joke wala lang sa trip koNaglabas ako ng isang papel at ballpen at nagsulat ng Love note
Tungkol kay AdrianDear Adrian,
Kelan ko kaya masasabi ang nararamdaman ko sayo? Halos apat na taon na akong nagmamahal ng palihim sayo at sa loob ng apat na taon kahit kelan hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sayo kasi natatakot akong masaktan at balewalain mo
Mas ayos na rin ang ganito palihim akong humahanga sayo tutal graduating naman na tayo malilimutan din siguro kita,sana nga mangyari yun dahil mahirap kung lagi lagi kita hahanaphanapin at sana balang araw makapagtapat ako sayoNagmamahal:
Elaine Montador
Pagkatapos kong isulat yung Love Note sa papel tinupi ko ito ginawa kong iroplano saka tumalikod at pinalipad
Hindi ko na tinignan pa kung saan pumunta yung papel na iroplano pero sigurado akong sa tubig di ang bagsak nun