String 1 - After the accident

41 2 1
                                    

" Girls, totoo ba yung bali-balita na yung Fate Suarez daw ng section IV-C eh mind reader? ", bulong ni tsismosa no.1 pero rinig ko naman.

Malakas radar ng tenga ko eh!  (n_n)

" Tungeks! Hindi sya mind reader nuh! Isa syang manhater! ", sabi ni tsismosa no.2.

" Pareho talaga kayong eng-eng nuh?! Alam nating manhater sya pero di sya mind reader ok?! Tsaka hindi naman 'yan yung issue dito eh! ", iritang sabi ni tsismosa no. 3 este ni Margaret pala. Hehe.

" Eh ano???," sabay na sabi nung dalawang eng-eng DAW.

" Isa syang Ms.Cupid! At lahat ng pinaglalapit nya eh talagang nagkakatuluyan! OMG! Gusto ko tuloy subukan! ", malanding sagot ni Margaret.

Haist! Ano ba naman 'tong mga 'to! Katanghaliang tapat nagtsi-tsismisan!

Anong konek??  (.o.')

At sa likod ko pa talaga ha?! Buti may pinagkakaabalahan ako dito.

Yung papel na tinutupi-tupi ..... basta yun na 'yon.

Si Miss Author lang may alam nun eh!

" Ey-Ey, palapit na yung tropa nila Margaret dito oh! ", bulong na sabi ng bestfriend kong si Lanie na nasa harapan ko.

" Hi Fate! Alam mo na naman siguro kung bakit kami nandito diba? ", sabi ni Margaret.

" Pa'nong di ko malalaman eh daig mo pa nakalunok ng megaphone sa lakas ng tsismisan nyo. ", sarcastic kong sagot.

" How dare you! Nice naman kami sa'yo ah?! Tsk. Pero dahil ikaw si Ms.Cupid, I forgive you na sa mga sinabi mo. Gusto ko lang naman na gumawa ka ng paraan para makatuluyan namin ang mga crushes namin. Kaya mo ba 'yon Mina? ", tanong ni Margaret.

" Alam mo, hindi ako ang assistant ni Mr.Cupid ok?! At isa pa, di naman 'yan ang gawain ko eh. Nakikita ko lang ang mga taong mahihilig sa tsismis. Sa tingin ko, miski isa sa inyong tatlo walang ganun eh. ", pagpapaliwanag ko naman.

Totoo naman eh! Wala akong nakikitang red string sa daliri nilang tadtad ng cutix!

" Hmph! Tara na girls! Di pala totoo yung tsismis na 'yon! Bye NERDY! ", sabay walkout nilang tatlo.

Eh di inamin din na tsismosa sya. Haha!

" Grabe si Margaret nuh? Ang lawak ng imagination! Sabihan ba namang ikaw ang GIRL VERSION ni Mr.Cupid?! Haha! Patawa talaga 'yon. Ni wala ka ngang alam sa romance thingy eh. At isa pa, manhater ka kaya. ", sabay inom ng MOGU MOGU drink nya. Lychee flavor. Favorite namin 'yan!

" Ewan ko ba dun! Oh sya Ynna magta-time na pala. Mauna ka na sa room. Punta lang akong CR. ", sabay kuha ng bagpack ko.

" Oh sige Ms. Cupid! Haha! ", sabay takbo nya.

Nang-asar pa talaga sya ha?!

Nako Ynna kung alam mo lang talaga!

Simula kasi nung aksidenteng 'yon, nagbago ang buhay ko .....

>>>>> FLASHBACK <<<<<

Wiieeee! March na! It means REST DAY na muna sa pag-aaral.

Magbabakasyon kami ngayon sa BAGUIO!!!  (^0^)

First time naming pupunta dun. Ni-request ko kasi. Hehe.

Kaso sabi nila may mumu daw dun.  (!_!)  KATAKOT!

Anyway, I'm with my loving family naman eh kaya wala akong dapat ikatakot.

Nakasakay na kami ngayon sa van na ni-rent ni Papa. Syempre sya nagda-drive.

" Ate Ey-Ey, peram nga ng headset mo? ", sabi ng kapatid kong bunso na si Enzo.

Connected StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon