" Achoooooo! ", (._.)
Napalakas yata ang bahin ko ah?!
Eh kasi naman lahat ng tao sa loob ng waiting area ng park eh nakatingin sa'kin.
Pagkatapos kasi ng PIGGY BACK RIDE namin sa park eh nagpatila muna kami dito.
Akala ko nga ibibili nya ako ng CUSTARD CAKE kanina eh. Hindi pala. Huhu.
Minassage nya yung paa kong natapilok kanina.
Nursing kaya ang course neto? Nawala kasi bigla yung sakit eh. Galing nuh?!
" Lakas ah! Dragon na yata yung bumahin eh hindi na tao. Haha ", sabay tingin sa relo nya.
" Aba't! Eh sa ganto ako bumahin no! Maka-alis na nga! ", sabay tayo ko naman.
Kainis 'to! Tawagin ba naman akong DRAGON?!
Ang sama nya! Ayoko na syang maging kuya 'ko!
" Oi, joke lang! 'To naman di na mabiro. Ang cute mo kasi 'pag naaasar ka na eh ", sabi nya sabay hila sa'kin para maglakad na.
CUTE?! Ano ako ASO??!
De joke lang dun sa part na aso. Hehe.
Ayoko lang talaga na pinupuri ako eh.
" Teka nga lang?! 'San ba kasi tayo pupunta? Tsaka dun na lang muna ako sa park. Tumila na naman yung ulan eh ", sabi ko pero hawak nya pa din ako sa kaliwang kamay habang hinihila palakad.
" Diba sabi mo wala ka nang mapupuntahan pa? Eh di dun ka muna sa bahay ko. Tsaka magsi-6pm na pala oh ", sabi nya habang nakatingin sa relo nya.
Siguro ang motto ni Kuya Custard Cake eh 'Time is Gold'.
Kanina pa kasi sya tingin ng tingin sa relo nya eh.
" Eh kakikilala pa lang natin ah? Tapos patutuluyin mo 'ko sa bahay nyo?! ", nagtatakang tanong ko.
" Ano ka ba! Concerned citizen lang naman ako eh. Ayaw mo nun, may gwapong lalaki ang tumulong sa'yo? ", sabi nya ng nang-aasar.
SYA gwapo?! As in G-W-A-P-O?! (>0<)
Ang lakas din ng tama neto sa ulo nuh?!
" Humangin bigla oh! Tinatangay ako! ", sabi ko sabay acting na para talagang natatangay ng ipo-ipo. Hehe.
" Ahahaha. Baliw talaga 'to ..... Teka nga lang, sa'n ka ba talaga nakatira? ", tanong nya sa'kin.
Sasabihin ko ba o wag na lang kaya??! (.0.')
" Ah eh ..... ang totoo nyan naglayas ako sa'min eh .....", mahina kong sabi.
" Ha?! Ba't mo naman ginawa yon?! Tara! Ibabalik na kita sa inyo sa ayaw at sa gusto mo! ", galit na sabi ni Kuya Custard Cake.
Hala! Nagalit? Di ko akalaing may side syang ganito.
" Ayoko! Wala na 'kong uuwian sa bahay! ", sabi ko at tumigil sa paglalakad.
Binitawan naman nya ang kamay ko.
" Ano bang sinasabi mo? Hindi na talaga kita maintindihan ..... ", pagtataka nyang sabi.
Mabuti pa sigurong sabihin ko na sa kanya ang lahat. tutal magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya eh.
Wala naman masamang mangyayari kung sasabihin ko diba???
" Ngayon kasi, mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Nmatay kasi ang pamilya ko sa isang car accident. Kasama nila ako nun pero sa aming apat ..... ako lang ang nakaligtas. Yung mga naipondar ni Papa nawala na lahat gawa ng yun ang ginamit pambayad sa pagpapalibing sa kanila ", sabi ko ng nakatungo.
BINABASA MO ANG
Connected String
Mistério / SuspensePaano kung may dalawang lalaki ang bigla na lang susulpot sa buhay mo?! At malalaman mong destiny kayo ng dahil sa weirdong RED STRING na hindi nakikita ng iba maliban sa'yo?! Tunghayan na lang natin ang kwento ng isang babaeng saksakan ng MANHID a...