Sin \\ 25.

124 5 5
                                    

25.

"cmon! Answer the freakin' phone!" Saad ko sa cellphone ko habang nasa tapat sya ng tenga ko, Nung hindi sinagot ni Rai ay napahiga ako sa kama ko. 

Stop seeing Keige.. 

Napahikbi ako habang umaagos yung luha ko, Stop seeing him? Ano ba yon joke? Alam ba nila sinasabi nila? Ano ba kaseng nangyayare? Bukas na yung birthday party dapat happy yun diba? Eh ano ng mangyayare? Magkagalet sila Tita at Mommy, edi hiwalay kame ng party ni Kei? 

NO! Hindi ko kayang hindi sya makita. 

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto, nakita pa nga ako ni Kuya Ji pero di ko sya pinansin, dirediretso lang ako hanggang pinto. Paglabas ko, nagpunta agad ako sa kotse ko at nagdrive patungong condo ni Kei. 

Pero pagdating ko sa unit nya, walang tao. I almost lost all my hope. 

Habang naglalakad ako palabas ng building ay bigla akong napatigil dahil sa biglang pagbagsak ng ulan. 

Buhay nga naman oh, Gaguhan lang? Nakikiiyak ba yung langit saken?

Hindi ko ininda yung ulan, tumingin pa nga ako sa langit eh. Heto ako ngayon, basang basa sa ulan. Walang mapuntahan, Then all of a sudden my phone rang. 

Mac book pro calling...

Agad kong sinagot 'yon kahit alam kong mababasa sa ulan yung iPhone ko.

"Chase.." Kasabay nun ang isang hikbi na lumabas sa bibig ko.

"Alam mo bang masama ang magpabasa sa ulan?" Mas lalong lumakas yung iyak ko ng mabosesan ko yung nagsalita sa kabilang linya.

"Keige.. P-puntahan mo ko.." Pabulong na saad ko pero alam kong maririnig nya. Hindi ko na narinig yung sinagot nya kase nadulas na sa kamay ko yung iPhone ko. 

 "Isa ka talagang pasaway na babae." agad akong napalingon kung saan nanggaling yung boses, at pagtalikod ko, Walang pagdadalawang isip 'kong tinungo sila Keige na may dala dalang payong.

Huminto ako sa harap ni Keige pero sa baba ako nakatingin. 

Para lang akong tangang singhot ng singhot sa harap nya, No reaction lang sila Hiromi, Kira, Meiho pati sila Chase nandito. 

"I'm sorry.." bulong ko, hindi ko nga lang alam kung kanino, saken ba o sa kanya.

Narinig ko syang nag-tsk at agad nya akong hinatak payakap sa kanya, Mas lalong lumala yung hagulgol ko.

Hindi talaga pwedeng hindi ko na sya makikita, Imposible.

"Hey, Tama na, baka masinghot mo ko nyan." Pagbibiro nya.

Bigla akong natawa at hinampas sya sa dibdib, Weird combination, Umiiyak at tumatawa. Aning aning lang.

"So ano? Magmomoment lang kayo dyan habang nababasa tayo sa ulan?" Pagwawasak ng katahimikan ni Chase. Minsan talaga panira ng moment yan e.

Minsan? Well, halos lagi pala. Hoy, pero mabait yan, pero parang sakin lang din ata.

Napangiti ako sa mga pinag-iiisip ko at napansin iyon ni Keige, "Anong nginingiti-ngiti mo?" nakakunot noo nyang tanong.

Tumingin ako kay Chase, "Yung mood ni Mac book pro na akala mo laging may monthly period."

Nagglare lang si Chase saken. I almost laugh at my victory.

Kaso biglang humangin ng malakas at lahat kame ay nanginig dahil sa lamig.

"Puta, kung ayaw nyong pumasok, ako papasok sa loob basta aken na yang susi!" Singhal ng Chase. Oha PMS to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sin. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon