Chapter 1

3 0 0
                                    

Rovy's POV

haixt! >,< bakit ba naman kasi kelangan ko pang gawin to?

kung hindi lang talaga para kay mama, hinding hindi ko talaga papasukin ang pagmamascot nitong di mo maintindihan kung bubuyog ba o ewan dahil may buhok pa itong kulot na pula..

..para akong shunga dito ih.. =,=

although marami akong iba pang trabaho, puro naman part time at mabababa ang sweldo kaya nga kung kaya kong sampu eh, sampu ang tatrabahuhin ko eh... may sakit na din kasi si mama, kaya ako na lang ang kumakayod para sa amin...matagal na kasing patay si papa..

3 years old pa lang ako nung iwan na niya kami dahil sa cancer niya sa atay..

haaaaaaayyy..hayaan mo Rovy, kapag yumaman ka na, hindi mo na ulit dadanasin ang mga nakakasurang trabahong yan..isa pa, alam kong hinding hindi kami pababayaan ni papa..:)

....

"kelangan mong pasayahin ang birthday party ng isang batang may cancer..ok na ang foods and etc.. bale dalhin mo na lang iyang costume at dumeretso ka na sa ospital dahil doon gagawin ang party.. tandaan mo, limitado lang ang oras mo doon. bago mag-alas tres kelangan mo ng bumalik dito..naiintindihan mo ba?" si Mr. Fukushida. Siya ang mayari ng lahat ng 'McJolli Chicks' (parang Jollibee at Mcdo) dito sa Batangas. Mabait naman ito medyo strict nga lang talaga sa trabaho.

"opo sir." ako yan,.inayos ko na ang costume ko

at nagscooter na papunta sa address na ibinigay ni sir.

....

...

Happy..          Life...       Hospital..

Happy life hospital!! eto na nga 'yun.:)

Ipinark ko muna ang scooter sa parkingan ng mga motor, tapos binitbit ko na ang costume na to.

Damn! anu ga namang pagkabigat-bigat ga nare. >,<

Tssss.. tapos di ko pa alam kung san ako magbibihis at kung san ang room nung batang iyon..

problema to!!!! >,<

Nakasalubong ko ang isang nurse, at tamang inaccommodate niya ako..

 "ahm, excuse me po.. San po ba pedeng magbihis dito?" tanong ko.

Ngumiti ito sa akin, "Kayo po ba ang mascot sa party ni Lara?"

nakakaloko naman ang nurse na toh... parang naiinsulto ako sa ngiti niya ah.. tsss

hm,So... lara pala ang pangalan ng batang iyon.."Ah,o-opo eh." nahihiya ko pang pagsagot..

"Halika po at sasamahan ko na kayo papuntang banyo na malapit na rin sa kwarto niya..total hindi pa naman ako tinatawag for some emergency.." pagmamagandang loob nito..hm, mabait naman pala,

"Salamat." sabi ko nalang.

 Pagdaka'y dumeretso na nga kami sa banyo.

Nang makarating roon ay pumasok na ako sa isang cubicle..

Isinuot ko na ang pangkatawan na costume.. masyado kasing mabigat ang pang-ulo, kaya bago na lang ako pumasok ng room saka ko na isusuot.. 

...

err! ang pangit talaga.. =,=

"Ahm... ms. uuna na po ako sa inyo ah. kelangan na kasi ako sa E.R. May emergency na kasi. Iyong room  pala ni Lara, halos katapat lang nitong banyo." iyong nurse..

"Ah..Sige, sige.. salamat po." sabi ko na lang.

Haaay..

Lumabas na ako ng banyo, and uh-oh! Conflict!

?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon