Rovi's POV
hahay...ang tatamlay talaga nila... di ko man lang mapasaya ang party nila... :(
"Ahm, lara... gusto mo bang kumanta si McJolli?:)" tanong ko sa birthday celebrant....
baka kasi sakaling magenjoy siya pag-gnawa ko iyon,
hindi naman kasi sa pagmamayabang eh may talent naman ako sa pagkanta, di nga lang ako kasing galing nina Idol..
Tumingin ito sa akin saka tumango..
"Ano bang gusto mong kanta?"
" 'Good to know' po ng ComSIT band Ms. McJolli, favorite ko pu kasi yun..." ang cute cute ng boses nitong si Lara...
at ang ganda ganda pa niya...
kung hindi na nga lang nanlalagas ang mga buhok niya dahil sa chemo therapy..panigurado, pede siyang artista o kaya model...
one thing pa na nakakatuwa sa kanya ay ng malaman kong mahilig din pala siya sa mga kanta ng ComSIT band... :)
"Sige, sige.." umupo ako sa tabi niya at kinalong siya,
nagsiupo din ang iba pang bata sa tabi namin..
and ok, eto na... kakanta na ako..
ehem! ehem!!
"OOoooohh ooohh..
Behind the things that keep us far apart,
God still made us a way to find each other's heart...
Your sweetest smile that always glow,
Telling me You love me so...
it's so good to know...
After all that hinder us to bind...
After all the things that made us blind,
God planted a magic magnet in us,
That will keep us together even on our last,
it's so good to know....
yeah, it's good to know...."
mukhang umaliwalas na ang mga mukha nila at panay na nakangiti na... yehey!!! :D
epektib!!!!! -,^
may pumalakpak mula sa may pinto ng kwarto...
and everyone gone starstrucked... O-O
si Louie ng ComSIT band!
OMG!!! >////////< nakakahiya...
pandalawa na ito eh...
una 'yong pagpasok ko sa kwarto nila..
tapos etong pagkanta ko...
nakakahiya talaga!!! ahahahay
tumuloy na si Louie sa loob ng kwarto at nagsilapitan ang mga bata sa kaniya..
masayng masaya sila, lalo na si Lara...
"Hello kids! kamusta kayo? mukhang nag-eenjoy kayo sa party niyo ah..." nakangiti nitong usal sa kanila..
"Kuya Louie, salamat po at nakapunta kayo sa birthday ko.. ito po ang greatest gift na natanggap ko sa birthday ko.." sagot ni Lara..
Walang anu-ano'y binuhat nito si Lara at lumapit sa akin..
"Kuya eto nga po pala si Ms McJolli... Magaling po siya kumanta..:)" si Lara..
hahay, bolerang bata...
![](https://img.wattpad.com/cover/5513352-288-ka90218.jpg)