Promise
Nangangako tayo, minsan natutupad. Minsan hindi na. Tutuparin mo ang kagustuhan niya pero hindi ngayon. Matatagalan sa paghintay, pwedeng ika-tuwa. Pwedeng ika-lungkot.
BTS Suga
---
Zarah's Memory Box
"Uy~ Wag ka nang umiyak, sige ka mawawala swag mo" Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi ni Yoongi.
"Talaga?" Di makapaniwalang sagot ko at tumango naman siya. Binura ko ang luha ko gamit ang damit ko, saka ngumiti sakaniya. Ngumiti rin siya sakin pabalik
"Ayan, may swag ka na ulit Zarah." Tumawa siya at tumawa rin ako.
"Wag mo kong mamimiss" Sabi ni Yoongi kaya nagtampo ako sakaniya
"May ganun ba? Wala kaya, bakit mo pa kasi kailangan umalis. Pwede naman kasing dito lang" Pagkukumbinsi ko sakaniya pero di gumagana
"Suportahan mo nalang ako, arraseo? Dapat sa lahat ng performance namin nandun ka." Sabi niya sakin at hinawakan pa ang balikat ko at tinignan ako sa mata. Nalungkot ako sa sinabi niya kaya napatungo ako
"May training pa kasi eh" Naiiyak ako ulit dahil matagal-tagal ko siyang di makikita, di ako sanay. Tumingin ako sakaniya at ngumiti
"Basta babalik ka ha?" Sabi ko at tumango naman siya, niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik
"Oh eto, bracelet ha? Wag mong wawalain. Para makilala kita kagad dahil suot mo to. Babalik ako
Pangako yan"
Sinuot niya sakin ang bracelet na kulay Violet na may nakasulat na Y & Z napangiti ako sa binigay niya. Dahil alam ko ang ibig sabihin nun
"Aalis na ako Zarah, pag umalis ako wag kang umiyak, gets mo? Magiging Star ako, pangako yan" Tumango lang ako at umalis na siya at nag-wave pa, umalis na ang kaibigan ko. Ang kaisa-isa kong kaibigan mawawala. Masakit parasakin to, luha nanaman.
Bumalik ka Yoongi, pangako mo yan. Hihintayin kita
***
Current Time
Ayo ladies and gentlemen~
Pina-play ko ang bagong kanta ng Bangtan na DOPE at humiga sa kama. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na kung saan sinuot ni Yoongi sakin ang bigay niyang bracelet noon.
Namiss ko na siya sobra, sobrang tagal ng pangakong yun. Yun na ata ang huling pagkikita namin. Mukhang wala na siyang naalalang Zarah sa memorya niya dahil masyado na siyang maraming kilala. Ako... heto, siya laman ng utak at puso ko. Ni hindi siya nawala o napalitan ng kung sino.
Naging fan ko ng Bangtan, si Yoongi lang lagi kong tinititigan don. Sinuportahan ko rin sila. Kasi nga fan LANG ako. Di na ata ako kilala ni Yoongi eh. Matagal-tagal na rin kasi yun at sobrang busy niya.
Niyakap ko nalang ang unan at naalala lahat ng pinanggagawa namin. Mga katangahan niya, ang swag niya at iba-iba pa.
*boogsh*
Napaupo kagad ako dahil sa narinig ko at nakita ko si Tymee na nakangiti at tumalon-talon pa habang papunta sakin
"Oh nakain mo?" Tanong ko sakaniya at umupo siya sa tabi ko at kinalog-kalog ako
"Yieeeee~! Pupunta ang Bangtan dito sa Daegu!!" Napatingin kagad ako sakaniya
"Kelan?!" Sabi ko sakaniya at siya naman tong kinalog ko. Pinatigil niya ako kaya tumigil ako
"... BUKAS!! Makikita mo na Suga bebzsx mo! May fan meeting kaya sila dito huehue" Natutuwa ako na naiiyak dahil makikita ko na rin siya. Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa pangakong di niya tinupad at ako mismo ang pupunta sakaniya. Pero nabuhayan ako dahil makikita ko siya.
"I iz excited! Sige una na ako ha? Nandun na kasi si Kevin" Umalis na siya at tumango ako sakaniya. Makikita kita Yoongi bukas... Niyakap ko ang unan ko at nagtalon-talon. MAKIKITA KO NA SIYA BUKAS!!!