At Fanmeeting...
Habang naglalakad ako papunta don kasama si Tymee, di ko maiwasang di kabahan dahil matagal ko na siyang di nakita tapos makikita ko siya ngayon. Habang naglalakad ako, malaking hininga ang pinapakawalan ko at ito na ata ang pinakamabagal kong lakad.
Hindi alam ni Tymee na kaibigan ko si Yoongi nun, ayokong sabihin sa iba dahil baka mapahamak pa si Yoongi
"Ohmyegee~" Luminya na kami at hinihintay ko nalang ang turn ko at pagpunta ko kay Yoongi, kinakabahan ako... Relax lang Zarah
Pinapirma ko sina V, Jimin, Junkook, J-Hope sa album ko at pagkatapos ni J-Hope ay si Jin. Pagkatapos si Yoongi na. Mas lalo akong kinakabahan at nanginginig pa ang kamay ko at paa ko
Nahihirapan ako sa paghinga at nang matapos kay Jin... Tumungo ako, nagsasalita si Yoongi pero di ako nagsasalita dahil baka mahalata niya ako
"Hi miss, thank you sa pag support" Sabi ni Yoongi, nasaktan ako syempre. Kinuha ko sa bulsa ko ang bracelet niyang bigay niya sakin noon. Mas lalo akong nahihirapang huminga. Dahan-dahan kong kinuha sa bulsa ko ang bracelet tapos ini-abot ko sakaniya
Suga's POV
Kanina ko pa kinakausap pero ni tugon wala, fan ba talaga to. Habang pinipirmahan ko ang album may napansin ako sakaniya. Familiar siya, my heart skipped a bit.
Maybe it's her... but no, umalis daw siya. Mali ata ako ng inakala. But there's a part of me na gustong maniwala. Habang tinitignan ko siya di ko makita ang mukha niya dahil tumutungo siya o iiwas. What's wrong with her?
Habang tinitignan ko siya bigla siyang may inabot na ikinagulat ko. Zarah? She's here. She's Zarah.
"Zarah?" I lifted her chin at si Zarah nga. Ngayon lang ata bumilis ang hearteu ko. Natuwa ako ng makita ko siya, akala ko di ko na siya makikita ulit. Biglang nag flashback sakin ang mga nangyari noon. Nakita kong may pumatak na luha sa mukha ni Zarah. At inalis niya ang kamay ko. Nasaktan ako at nalungkot
"He-he-he Suga oppa. Tanggapin mo yung bigay ko. Annyeong~" Nilapag niya sa mesa ang bracelet at umalis na siya. Umalis ako sa kinauupuan ko at sinundan siya. Nakita kong nagbubulungan ang iba pero wala akong pake dahil ngayon ko lang ulit nakita si Zarah.
Nang malapit ko na siyang maabutan hinawakan ko ang wrist niya at hinigit. Ewan ko kung nasan kami pero alam kong walang tao sa paligid. Niyakap ko siya, ng sobrang higpit
"Yoo-- Suga, may iba pang fans na naghihintay doon" Suga? Kelan pa naging Suga ang tawag niya sakin? Sobra na tong pananakit ng babaeng to.
"Zarah, kausapin mo ko bilang Yoongi" Pakiusap ko sakaniya at bumitaw ako sakaniya at tinignan siya. Umiwas siya ng tingin at pinaharap ko siya sakin
"Yoongi? Ikaw na ba y-yan *sniff*" Tumango ako at umiiyak nanaman siya. Bakit ba uso tag-iyak ngayon? Nakakawala ng swag
"Oh, nawala nanaman ang Swag mo. Wag ka nga sabing umiyak" Pinalo niya lang ako kaya natawa ako.
"Halika, date tayo?" Yaya ko sakaniya, wala namang masama sa pag dedate. Malaki na rin kami
"D-date? Ahh... Friendly Date pala kekeke" Sabi niya, ang layo ng Date sa friendly date. Hinawakan ko ang kamay niya at pinag-intertwined ang kamay ko sakniya. Nakita kong ngumiti siya kaya napangiti narin ako.