Chapter 1

31 2 1
                                    

Stars, dandelions and other girly beliefs na tanging sila lang ang nakakaintindi, no, hinding hindi ako maniniwala sa mga ganyang kashitan. Pero siya, isa siyang hypnotic, psychopath, lunatic na lesbiana. LESBIANA. Pareho kami ng pananaw sa buhay. Humanap ng babae at syotain para may ipagmayabang kami sa isa't-isa. Pareho rin kaming hindi naniniwala sa mga wish upon a star or dandelion, pero siya, naniniwala siya sa dragonfly at bubbles.

"Sinasabi ko ang mga problema sa kanila tol, paliliparin ko sila, kasabay ng paglaho nila, maglalaho rin ang mga hinanakit ko. Yan ang sikreto ng mga pogi... shit, paki tingin nga, may tagos ba?" yan ang unang pag-uusap namin. Yung may sense na conversation.

A conversation that stained my life. Yung buhay ko na parang puting tela na hindi naplantsa. Maganda lang tingnan pag nasa malayo, maganda pag hindi nakita ang gusot. Akala mo maganda, akala mo typical. But you stained it. You stained it red. "Kahit anong gawing pag kuskos ko, hindi na talaga mawawala yung blood stains. Dude, labhan mo naman yung jersey kong tinagusan mo!" You never did anything para burahin ang mga bloodstains, instead, tinawanan mo pa ako habang kinukuskos ang dinuguan mo. "Balahura ka talagang lesbiana ka!"

My entire existence was before boring, even myself, walang kakulay-kulay, pero kinulayan mo ng pula, ng mga tagos mo. At least nagkakulay na ngayon at parang ayoko nang burahin.

--

"I... I've been planning to break up with you."

"Ha?" gusto kong masigurado kung tama ba ang pagkarinig ko, at the same time, gusto ko munang magbago ang isip ni Michelle.

"Alam mo yun... parang ayoko na. Nagsasawa na ako."

"No. Magbabago pa yang isip. Haha, alam ko na ang mga babae, pabago-bago ang isip nila. Nagresearch talaga ako ng mga characteristics ng isang babae para maintindihan ko sila kahit sobrang hirap." Pag assure ko sa sarili ko at baka rin magbago nga ang isip niya.

"No, makikipag break na talaga ako sayo Japhet." Japhet, Japhet na ang tawag niya sa akin at hindi na yung endearment namin. Talagang desidido na siya?

"Ano bang maling nagawa ko? Ginawa ko naman ang lahat para maging perfect ako sa'yo diba?"

"Yun na nga eh, sobra kang perfect kaya naging boring ka. Wala kang thrill, hindi ka nakakachallenge. Hindi ka nga nagseselos kaya nagdududa ako kung mahal mo ba talaga ako. Napaka understanding mo, everytime na nalelate ako sa date natin hindi ka man lang nagdududa na baka nakikipag date muna ako sa iba bago kita siputin. Alam mo yun? Sa sobrang perfect mo, nakakasawa ka!" tapos umalis na siya, nagsilingunan na rin ang mga taong nasa paligid naming dahil sa pagtaas ng boses niya.

Sinundan ko siya at niyakap kasabay ng pagluhod ko sa harap niya.

"Please forgive me. I-I'll marry you. Please! Will you be my wife?." Kahit hindi pa ako handa, pero for the sake of picking me up after throwing me away, gagawin ko yun. Ayokong ako yung tinatapon.

"Gago ka, senior highschool pa tayo." Sabi niya at iniwan akong nakaluhod. We just lasted for 3 months! For three fucking months I was everybody's ideal man! I changed and hid my true self behind the perfect and better version of me! And for what?! Just to be wasted and to be thrown away? Hell yes, I think that's the bloody purpose of my living. To change, to exert effort and to be dumped.

-

Bigla nalang akong natawa nung naalala ko ang panahon na yun. Yung kauna-unahang nagkagirlfriend ako at iniwan. Hahaha! Galit na galit ako sa mundo nun. Tapos ngayon, hindi ko lubos maisip na sa ganun kaliit na bagay nagawa ko nang magalit at sisihin ang iba sa katangahan ko. Ngayon friends na kami ni Michelle at may bagong nagkagusto sa kanya. Si Princess. Ang bestfriend kong lesbiana. Akalain mo nga naman, isa pala siya sa mga nakichismis nung panahong nakipagbreak na sa akin si Michelle. Ewan ko ba dito sa babaeng to. Girl crush niya daw si Michelle dahil maganda at totoo sa sarili.

"Hoy bebe, hindi mo ba alam na hindi naman ganun kabait si Michelle??!" sabi ko sa kanya. Pagkaupo niya sa seat na katabi ko.

"Huwag mo nga akong ma bebe bebe Lozada, makakatikim ka sa'kin sige ka!"

"Pero seryoso, huwag mo naman sayangin ang first mo sa hindi deserving, huwag mo akong gayahin."

"Hindi kita ginagaya no, nagkataon lang na pareho tayo ng tipo at ako, magpapakatotoo ako sa harap niya, hindi kagaya mo na pa-ideal man effect. Loko-loko. Ba't mo naman---"

"Ba't mo naman babaguhin ang sarili mo eh pwede ka naman mahalin sa totoong ikaw."- ginaya ko na ang sasabihin niya pati ang tono ng kanyang pananalita dahil ilang beses niya na 'tong inulit sa akin at namemorize ko na.

"Huy! Para kang bata. Nakakadiri kang tingnan."- sabi ng batang tomboy na nasundan ako hanggang sa kinasulok-sulukan ng mundo.

"Leave." Sabi ko naman dahil madrama ako at immature nung panahong 'to.

"Ang OA mo naman, nakipagbreak lang sa'yo yung maganda, para ka nang may taning sa buhay."

"I changed myself. I fucking changed... for, for her! But what--- ugh never mind. Umalis ka na."

"Ba't mo naman babaguhin ang sarili mo eh pwede ka naman mahalin sa totoong ikaw?"

"You shouldn't talk to a stranger. Bata ka pa at wala kang alam dito." I said after I realized that my problem was just simple and I just over reacted. This girl has a point kahit bata pa siya. Pero masakit naman sa ego na amining natamaan ako sa sinasabi ng isang batang lesbiana.

"Alam mo yung bubbles at dragonflies?"- sabi niya after 10 seconds of silence.

"Sinasabi ko ang mga problema sa kanila tol, paliliparin ko sila, kasabay ng paglaho nila, maglalaho rin ang mga hinanakit ko. Yan ang sikreto ng mga pogi... shit, paki tingin nga, may tagos ba?"

"HAHAHAHAHAHA!" I laughed hard. Every time I remember the scenario where we first talked. Nagsilingunan na rin ang mga classmates ko.

"Lozada."

"What? Pftt... HAHAHAHAHHAHAHAH!" I can hardly breathe.

"Sinasabi ko naman sa'yo diba, nasabi ko lang yung 'may tagos ba?' para naman malaman mo na hindi ako bata!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! Te-teka. HAHAHAHAHAH!!!" Nahihirapan akong magsalita dahil sobra akong natatawa tuwing naaalala ko ang oras na yun. Syet, stress reliever talaga ang bebe.

"Oww!" sabi ko ng bigla akong napaupo at hilong-hilo na. I felt the liquid flowing from my nose and I a metallic taste from my mouth. Nasapak niya ako dahil sa inis. As always.

But...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA! Nakaka.. HAHAHAHAHA nakakatuwa talaga kase. HAHAHAHAH alam mo yun? Yung oras na down na down ako. Tapos bigla ka nalang susulpot at huhugot tapos nabasag agad dahil nagtanong ka kung may tagos ka ba? Lalaki ako be! HAHAHAHAHAHHA"

Bigla siyang napangiti ng konti dahil siguro naalala niya ang katangahan niya nun.

"At least Lozada diba, nakalimutan mo ang childish problem mo noon."

"HAHAHAHHHAHAAHHA oo nga, kahit mukha kang tangang nagpipilit maging matandang bata." Feeling ko malalaglag na ang panga ko kakatawa e. kahit medyo masakit tumawa dahil sa sapak niya kanina tapos nakaupo pa rin ako sa sahig dahil medyo nahilo na ako but... I can't help it, nakakatawa talaga. Kahit nagsawa na yung iba sa dahil sa paulit-ulit na pag flashback ko sa panahong yun, ako hindi pa. Tumatak na talaga yun sa buhay ko.

Pero biglang tumigil ang pagtawa ko dahil umalis na siya. Nag slow motion ang lahat at parang hinihila na ako ng antok. May nakapasak sa bibig ko na kung anong napakabaho at napakapanghe na parang nakahigop ako ng pinagsalo-salong kanal dito sa Pilipinas, hindi ko maipaliwanag yung lasa at slow motion ko yung tinanggal sa bibig ko at bilang isang concerned bestfriend, sinabihan ko siya na "Bebe, may tagos ka, ayusin mo nga ang paglagay ng napkin mo." Tiningnan ko ang nakapasak sa bibig ko kasabay ng maingay na tawanan at hiyawan ng kaklase ko. Medyas. Maitim-itim na violet at may butas sa gilid.

Tiningnan ko siya ulit at tinakpan niya ang bahaging may tagos tapos nilingon ako at sinapak.

Black is the only color I see.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Stained It RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon