Chapter 4*Escape*

118 5 1
                                    


[Quen's POV]

"dalawang milyon katumbas ng buhay ng anak mo" sabi ni Tito habang kausap niya

ang mga magulang ni Liza sa telepono.

Nandito na kami sa loob ng isang kubo sa liblib na lugar. Nakatali si Skye sa isang

upuan habang kinakausap nila Tito ang mga magulang niya. Kanina pa siya tahimik at

walang imik. Hindi narin siya umiiyak pero yung mga tingin sa mata niya, hindi ko na

mabasa. Para bang nawala ang takot na nararamdaman niya but instead, napalitan ito

ng galit.

At alam kong ako ang dahilan.

"gusto niyo marinig ang boses ng maganda niyong anak?! Sige pagbibigyan ko

kayo!" tinignan ako ni Tito "alisin mo ang tali sa bibig niya!"

Lumapit ako kay Liza at inalis ko ang tali sa bibig niya. Tinignan niya ako at nakita ko

na puno ng galit ang nasa mata niya.

Malamang galit siya saakin. Siguro iniisip niya na kaya ko siya nilalapitan noon ay dahil

sa plano naming ito. Malamang nasa isip rin niya na nung araw na hinalikan ko siya ay

isang malaking kasinungalingan lang.

Alam kong hindi ako mapapatawad ni Liza.

Lumapit si Tito at hinila niya ang buhok ni Liza

"humingi ka na ng tulong sa mga magulang mo" sabi nito ng may kasamang

mapanlokong mga ngiti sa labi niya sabay tapat ng cellphone sa tenga ni Liza

Tinignan ni Liza si Tito Carl at nagulat ako ng biglang ngumiti ito ng nakakaloko

"dad, mom, ok lang po ako, masyado lang mapagbiro ang kaibigan ko. Wag niyo

siyang pansinin"

"Liza!" sigaw ko sa kanya at tinitigan ko siya

'please sumunod ka na lang sa kanila. Please' sabi ko sa isip ko habang nakatitig ako.

Bigla siyang sinampal ng malakas ni Tito Carl at nakita ko ang galit sa mga mata niya.

Kinabahan ako bigla dahil baka kung ano na lang ang gawin niya kay Liza. Maikli ang

pasensya ni Tito Carl at alam kong hindi siya magaalangan na saktan ito. Hinawakan

ko maigi yung baril na nasa bulsa ko at inihanda ko ang sarili ko na bunutin ito just in

case may gawing hindi maganda si Tito Carl.

"wag niyong sasaktan ang anak ko! Payag na ko sa gusto niyo!"

Napahinto ako may marinig ako sa kabilang linya na sumigaw. Ngumiti ulit si Tito Carl

at tinapat niya ang cellphone sa tenga niya.

"ibigay niyo saakin ang pera sa loob ng tatlong araw kung ayaw niyong ibalik ko

ang anak niyo sa inyo ng malamig na bangkay na!"

Tinitigan ko si Tito Carl habang nakikipag usap siya sa mga magulang ni Skye. Hindi

ko akalaing meron pala talaga kaming kamag-anak na demonyo. Kapatid ng papa ko si

Tito Carl. Naging mahirap ang buhay nila noon pero hindi katulad niya, nagsumikap

ang papa ko para mabuhay kami. Isa siyang factory worker noon at kahit mababa lang

He's My Kidnapper (LizQuen Version)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon