Continues of Chapter 4

133 5 1
                                    

[Liza's POV]

Bakit Quen? Bakit sa dinami-dami ay ako pa?

Paulit ulit kong sinasabi yan sa sarili ko habang patuloy na naman ang pagbagsak ng

luha sa mata ko. Kanina sa sobrang galit na naramdaman ko, nagmatigas ako sa lahat

ng bagay na pinapagawa nila saakin kahit sa loob loob ko ay natatakot ako. Pero sa

kalagayan ko ngayon, mas pipiliin kong mamatay na lang kesa bigyan nila daddy ng

pera ang mga walang pusong taong to.

Oo, nasa mahirap na sitwasyon si Quen pero hindi ako makapaniwala na nagawa

niyang itapon pati ang takot niya sa Diyos para lang dito. Anong akala niya? Matutuwa

ang nanay niya ng dahil sa ginawa niya?!

Aside from that, nasasaktan ako dahil sa ginawa niya. Bakit sa dinami-dami ng babae

ay ako pa ang napili nila? Bakit ako pa?! matagal ko ng gusto si Quen. Kahit di pa kami

naguusap nun ay masaya ako at kuntento na ko pag nakikita ko siya. Pero ngayong

ngang nagkausap na kami, isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat.

Malamang kumukuha lang siya ng impormasyon saakin. Ang bobo ko lang at sinabi ko

na debut ni Julia.

Napahikbi ako. Na-mimiss ko na sina mommy at daddy. Namimiss ko na ang luto ni

manang rosa pati narin ang kulitan namin nila Julia at Kath. Pag ako nakalabas dito ng

buhay, pangako ko sasabihin ko sa mga magulang ko kung gaano ko sila kamahal pati

narin sa mga kaibigan ko.

Napasandal ako sa may pader at napapikit ako. Sa ngayon, pagod na pagod na ako.

Sana pagkagising ko nandoon ako sa kwarto ko at natutulog. Sana, sana panaginip

lang ang lahat ng ito.

Napadilat ako bigla ng may magtakip ng kamay sa bibig ko

"Liza.."

Napatingin ako doon sa lalaki na nasa likuran ko at nakita ko si Quen

"sorry sa nagawa ko ha? pero ngayon kailangan na nating umalis dito. Tatakas

tayo"

Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa bibig ko at agad inalis ang mga tali sa kamay

ko

"p-pero bakit mo ginagawa to?"

Tinignan niya ako "dahil na-realize kong mali lahat ng ginawa ko at kailangan kong

itama yun. Kailangan kitang ilayo dito at maibalik sa mga magulang mo ng buong

buo at malinis. Liza, gagawin ko lahat maging ligtas ka lang"

Tinitigan ko ang mata ni Dash at naramdaman kong nagsasabi siya ng totoo. Maari ring

patibong to pero may nagsasabi saakin na sumama ako sa kanya. Hindi na ako nag

alangan pa at sumunod ako sa kanya.

Tumakas kami sa pamamagitan ng bintana doon sa kwarto kaya lang sa kasamaang

palad, nakita kami agad ng mga kasamahan niya.

"Takbo Liza!"

Hinatak ako ni Quen at tumakbo kami ng tumakbo habang nakakarinig ako ng mga

putok ng baril. Grabe ang kalabog ng dibdib ko dahil sa takot at dahil narin sa pagod

kakatakbo. Ilang beses akong nadapa pero lagi akong inaalalayan ni Dash na makatayo

hanggang sa makakita kami ng isang lumang bodega at doon kami nagtungo.

"mga hayop bumalik kayo!" rinig naming sigaw ng isa sa mga kasamahan ni Quen

Tumigil si Quen sa pagtakbo at humarap saakin atsaka nito hinawakan ang mukha ko

"Liza making ka saakin. Humihingi ako sayo ng tawad dahil sa nagawa ko pero

maniwala ka hindi ko ito ginusto. Kaya ako lumapit sayo dati dahil gusto kitang

bigyan ng babala. Pinagbantaan kasi ni tito na papatayin niya si nanay pati narin

ako pag nagsalita ako. Liza patawad"

"Quen naiintindihan kita pero tumakas muna tayo ngayon"

"wala na tayong mapupuntahan Liza"

Tinitigan ko si Quen at naramdaman kong namumuo ang luha sa mata ko "a-anong

plano mo?"

Binigyan ako ng isang ngiti ni Quen "Liza Soberano, bago tayo magkahiwalay gusto

kong malaman mo na mahal na mahal kita dati pa. Masaya ako na kahit sa

ganitong paraan eh nagawa kitang kausapin"

"Qu-Quen!"

Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Quen at isinilid niya ako sa isang malaking drum

na nasa harapan namin.

"hangga't may naririnig ka pang mga boses wag na wag kang lalabas dito

naintindihan mo?"

"pero paano ka?! Ano gagawin mo Quen!"

Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti at hinalikan ako sa noo "sabi ko naman

sayo di ba gagawin ko lahat maging ligtas ka lang?"

Biglang tumulo ang luha ko "Quen!"

"I love you, Liz"

Yun ang huling katagang sinabi ni Quen saakin pagkatapos ay kinuha na niya ang takip

doon sa drum.

The next thing I knew, nakarinig ako ng mga putok ng bala at tawanan ng mga lalaking

kumidnap saakin.

Sa mga tawanan nila, para narin nilang sinabi saakin na kinuha na nila ang lalaking

mahal ko.

Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang paghagulgol ko.

'Quen, mahal na mahal din kita'

*** 

He's My Kidnapper (LizQuen Version)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon