Umiwas ka ng tingin at lumayo sa kanya.
"Ah ano," Napatingin kayo sa isa't isa nang magkasabay kayo.
"Baket?"
"Sige Mauna ka na~"
"Wait! Sige ikaw muna~" Natawa kayo parehas ng nagkakasabay kayo sa pagsasalita.
"Sige ikaw na muna" Sabi mo
"Ahm, ano. Sorry" Napatungo siya.
"Hindi okay lang yun~ Basta wag mo ng uulitin, ayoko kasi ng mga ganung biro eh" Lumapit ka sa kanya.
"Promise 'di ko na talaga uulitin!" Sabay alok ng pinky finger niya.
"Haha! Ano 'to pinky promise? Haha pambata 'to diba?"
"Sige na kasi~ Minsan na nga lang ako mag promise di mo pa seseryosohin!" /pout/
Haha .. Kyut >3<
"Ang bading lang ah! Oh sige na nga~" Sabay abot ng pinky finger niya.
"Sige ikaw naman? Ano ba yung sasabihin mo?" Sabi niya.
"Ah, ano kasi- sorry kung wala akong gift sayo saka sorry kung nakalimutan kong 100 days natin ngayon" Napatungo ka.
"Ano ka ba, diba sabi kong okay lang yun, naiinitindihan naman kita, alam ko naman na busy ka sa school kaya okay lang~"
Napatingin ka sa kanya.
"Saka kahit walang regaregalo basta kasama kita okay na ako~" /Wink/
"Sapat na sa akin ang makasama at makayakap ka, at yun na siguro ang masasabi kong pinaka magandang regalo na natanggap ko." Sabay yakap niya sayo.
"Sabihin mo nga? san mo nakuha yang pinagsasabi mo?" kumalas ka sa pagkakayakap niya sayo at tiningnan siya.
Napakamot siya batok niya.
"Sa text, hehehe"
"Hayst! Ikaw talaga"
Niyakap ka niya sabay sabing..
"Nakakabaliw pala talaga ang pag ibig" Sabay tawa