He likes me too, secretly. (KathNiel-One Shot)

2K 33 11
                                    

A/N: Naisipan ko kasi gumawa ng 1 shot at dahil na din sa request ng aking "Shoti Myloves", pero wala akong idea so naisipan ko yung story niya. Mwehehehehe! *u* Hello there shoti! Hope you like it. ♥

READ AT YOUR OWN RISK AND VOTE IF YOU WANT. ♥

__________

"Pass your index cards, class dismiss and you may go." sabi ni Mrs. Dy, ang P.E. instructor namin.

Tapos na ang P.E. class namin, lumabas na kami ng gym ni Miley (ang bestfriend ko) at dumiretso kami sa canteen malapit dito sa gym. Since it's 2 p.m. pa lang kakaen muna kami bago umuwi.

"Ako na bibili ng kakainin natin, my treat. Ano gusto mo?" sabi ko kay Miley

"Oh really bes? Ayiee! Extra large ice-cold chocolate drink and donuts." masayang sagot niya

"Sige, wait for me."

"Sure, thanks bes!" :)

Pagkatapos kong nabili ang foods namin bumalik na ako sa table namin then kumaen na kami.

Habang kumakain kami..

"Psst, psst bes!" halos pabulong na tawag ni Miley sa'kin

"Ano?"

"Si pey oh.." sabay turo sa may kanan namin

Siyempre tinignan ko naman. Nang pagtingin ko sakto nakatingin din siya sa banda namin tapos biglang nag-smile! Uwaaaahhhh! Yung killer smile niya! *u*

Pero sino nga ba nginitian niya?

Tumingin ako sa may likuran namin pero wala naman tao.

Aba teka, hindi ba ako? ♥.♥

Pero ng tignan ko siya ulit nakikipagkwentuhan na siya sa mga kabarkada niya.

Nag-init bigla yung mga pisngi ko.

"Huyy bes!" bulyaw sa'kin ni Miley

"A-ah, ohh?"

"Bat namumula ka?"

"Haaa? Ako? Di ah." sabay kagat sa donut

"Weh? Tapos todo titig ka pa kay pey! Ayie!"

"Heh! Hindi ah. Bilisan mo na nga kumakaen diyan at uuwi na tayo!"

"Ba't nagba-blush ka muna? Ayieeee!!"

"Ssssh! Wag ka nga maingay! Tsaka tigilan mo'ko ha! Babawiin ko yang treat ko!"

"Oh chill, sige na nga bibilisan ko na."

Hayyyy.. Nagba-blush nga ba ako? Ayie. Siguro nga! Ang init sa pakiramdam nito tapos bigla sumisikip dibdib ko kapag nakikita ko si pey.

Ako pala si Joyce Benitez, 16 years old, taking up Marketing Management sa isang private university.

Yung tinutukoy kong crush kanina ay si Ephraim Arellano, same as my age and school and he's taking up Aeronautical Engineering, schoolmate ko siya since high school at nagka-crush naman ako sa kanya nung 4th year pero mas lalong na-develop itong admiration ko noong first sem, pareho kami ng schedule ng P.E. kaya palagi ko siyang nakikita sa gym. Then nung second sem, nag-merge kasi yung class namin at class nila for our couple dance, at dahil siguro nung nagsabog na kaswertehan ang Diyos ay gising na gising ako dahil naka-group ko pa siya pero di siya ang partner ko but it's okay. =)

He likes me too, secretly. (KathNiel-One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon