THREE

2.3K 21 0
                                    


Nang makaalis na si Nimfa ay nagtungo na ako kusina. Sa totoo lang ay sobra na ang gutom ko.

Ikaw ba naman ang makipagtalik sa dalawang lalaki nang magkasunod ay hindi ka gutumin.

Ano kaya ang niluto ni Nimfa?

Sumandok muna ako ng kanin mula sa rice cooker at naglabas ng softdrink sa ref. Agad akong naupo at tinanggal ang nakatakip sa ulam.

Bongga!

Winner!

Anak ng tinapa!

Tortang talong ang ulam na niluto ni Nimfa!

Hahahaha!

Talong na naman.

Kanina ay dalawang buhay na talong ang nilantakan ko.

Ngayon naman ay tunay na talong ang kakainin ko.

Araw ata ng talong ngayon ahh.
It's raining talong hallelujah!

Pero espesyal naman ang luto ni Nimfa kasi may halong giniling na baboy. Kumuha ako ng isang piraso at tinikman.

Infairness kay Nimfa ah, masarap talaga siyang magluto. Panalo ang tortang talong ni Nimfa.

Ilan pa sa mga paborito kong luto ni Nimfa ay kaldereta, pochero, kare-kare, menudo, adobo at bicol express.

Magtayo na din kaya kami ng karinderya at gawin ko siyang kusinera.

Oh di ba, bukod sa beauty salon at internet shop, papasukin ko din ang food business. Aba, sayang din ang pera ha, pandagdag din yun sa budget ko sa lalaki. Hahahaha!

Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa aking kuarto at humiga sa aking malambot kong kama.

Ang kamang ito ay makasalanan. Hindi ko na mabilang kung ilang lalake ang nakaniig ko rito.

Binuksan ko ang tv at naghanap ng magandang palabas.

"Ay kabayong malaki ang burat!"

Bigla akong napasigaw sa malakas na kulog na may kasamang matatalim na kidlat.

Eto na ata si Neneng at nagpaparamdam na. Mukhang may kalakasan si Neneng kahit signal number one lang dito sa amin.

Buti na lang at mataas ang aming lugar kaya hindi binabaha.

Hay, walang magandang palabas sa local channels at ang mga pelikula naman sa cable ay paulit-ulit na lang.

Kinuha ko ang aking iPhone at nag-facebook na lang. Mayroon akong tatlong friend requests.

Ang una ay si Nimfa.

Go, accept lang. Wala na akong interes na tingan ang mga pictures sa account ng babaeng ito. Keber ko ba sa mga litrato niya noh!

Ang pangalawang request ay galing sa isang lalaking nagngangalang Humberto Eckstein.

Hmmm...foreign-sounding ang pangalan.

Humberto - tunog hombre. Guapo naman kaya ito?

Base sa profile pic nito, guapo nga. Eh baka naman poser lang.

Tsinek ko ang mga album niya at mukhang totoong tao naman ito.

Tiningnan ko yung info nia at taga-Brazil pala. Akala siguro ng lalaking ito ay tunay akong mujer kaya niya ako in-add.

Okay, accept din. Sayang din ang guapong online friend.

Malay mo eh bumisita siya dito sa Pilipinas in the future di ba? At  baka maging future papa ko pa. For sure malaki ang nota nito at magaling kumabayo! Hehehehehe.

Ang ikatlong request ay mula sa isang lalaki na ang pangalan ay Primitivo Magtalas Jr.

Wow, bongga sa pangalan ha.

Very pre-historic lang ang dating. Hahahaha!

Pakiramdam ko tuloy ay tinalo niya ang birth name ko na Doroteo Lastimosa hahahaha!

Teka nga, sino ba itong Primitivo Magtalas Jr. na ito? Ang profile pic naman kasi eh logo pa ng Ateneo de Manila University.

Pagtingin ko sa mga picture niya ay agad ko itong namukhaan.

Si Ivo, yung lalaking na-book ko last week. Nakilala ko ito sa grinder.

Guapo sana kaso maliit ang nota. Hindi ko siya gaanong naenjoy pero kung lalaking pang-rampa ang hanap nio eh pasok itong si Ivo.

Grabe lang ha, kung anong gandang lalaki niya eh siyang bantot naman ng tunay niyang pangalan. Okay, accept na lang.

Matapos kong i-accept ang mga friend requests ay tamang basa lang ng kung anu-ano sa facebook. Mga bandang alas-otso nang may nagdoorbell.

Ding Dong!

Sino naman kayang anak ni Hudas ang istorbo na yun? Ang lakas ng ulan eh nakuha pang gumala.

Malamang ay si Brenda iyon. Si Brenda ay katulad ko din at niyayaya akong makipag-inuman sa kabilang baryo at may mga lalaki daw.

Baka naman kilala ko na ang mga alay na tinutukoy ni Brenda.

Sa totoo lang eh halos lahat na ata ng lalaki, lalo na ang mga kabataan, dito sa Santa Elena ay natikmam ko na. Maliban na lang ata sa mga lolo at mga chakang payatot. Hahaha!

Kasi kahit hipon ay pinapatulan ko. Hahahaha!

Ewan ko ba, minsan ay nasasarapan akong hipon ang katalik ko.

Magaling kasi silang rumomansa at bumayo. Hahahaha!

Hay naku Brenda, hindi ako interesado sa lalaki. Chos!
Ngayong gabi lang naman. Pass muna ako.

Nakadalawa na ako kanina at pagod na ang kepay ko.

Hindi ko na pinansin ang nagdoorbell. Bahala siyang mapanis sa kahihintay. Pinagpatuloy ko lang ang pagfe-facebook.

Pero makalipas ang limang minuto ay muling tumunog ito.

Ding Dong!

Ding Dong!

Ding Dong!

Ay punyeta ha, sunud-sunurin lang ang pagdoorbell? Gawin bang laruan?

Deadma lang.

Tinatamad na akong bumaba.

Mabasa siya sa ulan.

Wapakelzzzzz!!!!

Ding Dong!

Ding Dong!

Punyeta talaga!

Sino ba ang lintik na yan!

Ang kulit lang!

Sasampalin ko yan nang bonggang bongga eh!

Napilitan na akong tumayo at dali-daling bumaba.

Makakatikim ka ng malutong na mura sa akin kung sino ka man!

Sa pag-aakalang si Brenda ang nasa labas ay hindi na ako nagtanong.

Binuksan ko ang pinto at tinalakan ang punyetang doorbell nang doorbell.

"Hoy Brenda, wag mong paglaruan yang door..."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.

Hindi si Brenda ang nasa harapan ko kundi isang guapong lalaki.

Basang-basa ito ng ulan. Dahil dito ay humapit na ang suot nitong puting damit kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito.

"Ah eh..hindi Brenda ang pangalan ko..ako si Jared.."

End of Chapter Three

DULCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon